Chapter 22: Oo, sasama ako sayo...

Start from the beginning
                                    

Medyo mababa lang din ang lipad ng chopper na 'to dahil nga maliit lang. 

At syempre, hindi ko naman mapigilan ang sarili ko sa pag i-IG story. 

Sorry naman, parang once in a lifetime experience lang e.

Napatingin ako kay Jace na para bang ang saya-sayang pinapanuod ako.

"Picture tayo!" Anyaya ko gamit ang mic na naka-connect sa earmuffs niya.

Tumango naman siya at agad na ngumiti sa camera ng phone ko nang itaas ko 'yun.

Lumipat pa ako ng upuan para imbis na magkaharap kami, magkatabi na. 

Inakbayan niya naman ako at mahigpit akong niyakap.

"I love you!" Nakangiting sabi niya.

Sasagot na sana ako pero biglang nagsalita ang piloto para sabihing natatanaw na namin ang site kaya naman sabay kaming tumingin sa ibaba ni Jace.

"Oil rig?!?!?!?!? Tangina? May oil rig kayo???!?!??" Gulat na gulat na tanong ko.

Umiling naman siya, "Parang ganun. Pero refinery lang 'yan... Yung mga nakukuhang crude o raw oil na galing sa mga oil rig, dyan dinadala para i-process at gawing gas na nagagamit." Sabi niya habang ako naman e parang namimilog ang mga mata dahil sa pagkamangha. 

Ewan, hindi ko naman na first time makakita ng oil refinery pero nakaka amaze pa rin. Parang ang cool, tsaka malaki sweldo sa mga ganto.

Mula dito sa taas, kitang-kita ang malalaking pabilog na container ng mga crude oil. Para bang kasing laki sila ng 10-storey building. At napakalalapad din. Halatang maraming mga laman.

Layo-layo rin ang mga container at sa nakikita ko siguro more or less around 20 itong mga malalaking pabilog na containers.

Nasa tabing dagat din ang site nila which is common for oil manufacturers nga naman. For easier transportation na rin kasi pwedeng dumaong ang mga barko doon.

Natatanaw ko rin ang nagtataasan na parang mga chimney nila at 'yung mga malalaking machines na ginagamit para sa pag re-refine. 

Ayan lang ang ayoko sa industry na 'yan e, ang laki ng ambag sa polusyon. 

"So ano, ready to work there?" Tanong niya habang nakaturo sa napakalawak na site.

"Let me get my diploma first." Sabi ko. Pero duh!

Yes! Of course! I'm more than ready to work in a very good company.

"Well, ako hindi pa." Natatawang sabi niya.

"Ang dami pang dapat ayusin at aralin... Wala pa ako masyadong alam sa industry na 'yan. Pero I'll grab this opportunity." Sabi niya.

"Ano kaba dyan?" Tanong ko.

"Heir pa lang naman. My dad's the CEO. If he resigns or retire, ako ang papalit." Sabi niya.

"Gago??!?!?!?!!!" Hindi makapaniwalang reaksyon ko.

"Pero since my dad's a very busy perso, he assigned me to be the acting CEO there. Well I don't have any idea about the job pero may adviser naman." Dugtong niya.

"Angas gagoooo!!!!" Sabi ko at hinampas pa siya.

"There. That's our competitor." Sabi niya habang nakaturo sa medyo malayong banda na isa pang oil refinery.

"Can I work there instead? If ever lang naman." Tanong ko.

"Sure! No worries. Just don't let anyone know that we're living together and we have a thing. Iisipin nila spy ka namin." Sabi niya. 

Baka Sakaling BukasWhere stories live. Discover now