Chapter 21: Shall we just end this here?

Börja om från början
                                    

"Ano?" Tanong ko. Pero buti naman kung ganun kasi at least ibig sabihin hindi pa rin siya tinatakwil ng 100% .

"Subsidiary company lang naman. Pero for me it's one of the best. Iniwan lang sa akin siguro kasi malaki pa 'yung stocks namin ng mom ko doon."

"Anong subsidiary naman yan? Ang dami-daming subsidiaries ng Gosingtian, alin doon?" Tanong ko ulit.

"One industry na gusto mong pasukin." Sabi niya.

"Yung airline company????" Tanong ko.

Suplado niya naman akong tinignan, "As if namang ibibigay sakin 'yun 'no." Sabi niya.

Oo nga naman.

"Edi ano? Real estate? Yung malls??? Bank? Insurance?" Hula ko.

Sinara niya ang laptop niya, "Mukhang hindi ko na kailangan magturo at mag-aral for the rest of my life ha? Mukhang mas okay kung doon na lang ako mag fo-focus." Sabi niya.

"Gusto mo malaman kung ano? Sama ka sa akin bukas, pupunta ako sa site."

Hindi ako agad nakasagot, iniisip ko pa kasi kung may dapat ba akong asikasuhin bukas.

"I'll take that as a yes." Sabi niya habang nakatapat ang  phone niya sa kanyang tenga.

"Asti!" Bati niya.

Okay, oo nga pala.

I wonder kung nabanggit na ni Asti kay Jace na nakita niya ako sa Yucaico noong nakaraang araw.

"Eto, ayos naman. Ikaw kamusta?"

"Haha yes yes! I'm with her."

"Oh, really? Haha I see. Ano, Asti. Favor hehe. Can I borrow your chopper tomorrow?" Tanong niya.

Chopper?

As in 'yung helicopter???

"Noooo! Sa Batangas lang naman. Site inspection sa GPC."

Sa Batangas????

"Nooo. Hindi binawi sa akin ng dad ko 'yun hehe akala ko nga rin e. Pero I got a notice from my dad's assistant about that subsidiary hehe sinabihan na rin naman ako ni Irene ng about dun. Soooo ayun. How can I say no pa naman diba? Practicality wise na lang din." Sabi niya.

"Great. Siguro around 10am. Ilang minutes kaya estimate?" Tanong niya.

"Sige sige, we'll be there before 10am. I'll wait for the details na lang. Sa e-mail na lang." Sabi ni Jace.

"Yuuuun! Thank you! Don't worry babawi ako and I'll full tank your chopper."

Lol I can't relate...

Ang yaman ng usapan...

Binaba niya na ang tawag.

"Tara? Hatid kita?" Tanong niya bago kami tumayo.

Umiling ako, at sinagot ang lagi kong sagot sa tuwing nag o-offer siyang ihatid ako hanggang sa bahay, "Sa susunod na lang."

"Kahit hanggang sa istasyon ng tren lang?" Tanong niya.

Tumango ako, "Sure ka? Hindi ba hassle? Ang layo oh. Isang jeep ka na lang dapat. E ako LRT, MRT pa. Tapos babalik ka pa." Tanong ko.

"Sus. Okay lang. Tatayo o uupo lang naman ako sa tren. Wala rin namang naghihintay na umuwi ako." Sagot niya.

Naglakad na kami patungo sa istasyon ng LRT sa Central Station, "Parang hindi ka na pumapasok sa school ha?" Tanong ko.

"I'm giving them time to do their research paper para sa subject ko. Tsaka nag iwan naman ako ng mga tasks." Sagot niya.

Baka Sakaling BukasDär berättelser lever. Upptäck nu