Chapter 19: Paano kung...

Magsimula sa umpisa
                                    

Umalis ako mula sa pagkakahilig sa kanyang dibdib at humarap ako sa direksyon niya, ganun din naman siya habang ang kanyang isang kamay ay nasa aking bewang.

"Wala akong hinangaan sakanila... Kahit gaano kataas pa sila, kahit gaano pa sila kagaling, katalino, kaganda, kayaman. Wala akong pakialam." Dugtong niya pa.

"Alam mo, kung sino 'yung hinangaan ko? Napaka unexpected. Pero 'yung hinangaan at minahal ko, siya 'yung nakilala ko sa panahon na para siyang walang buhay at katawan niya na lang ang tanging gumagalaw. Siya 'yung parang ligaw na ligaw sa buhay, 'yung hindi alam ang gagawin sa buhay. Ewan, ganun lang 'yung observation ko sakanya nung unang beses ko siyang nakita. Parang ang hopeless niya. Para siyang inalisan ng liwanag sa buhay. Tapos noong unang beses na narinig ko ang boses at pangalan niya? Hindi ko na maalis sa isip ko 'yun. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko nga rin maintindihan e. Kasi tama ka, wala lang naman siya. Estudyante ko lang naman siya. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun. Kung bakit sa oras na nagpakilala siya, gusto ko pang pahabain ang pag-uusap namin. Gusto ko siyang makilala pa ng higit sa mga sinabi niya. Gusto kong malaman talent niya, hobby niya, kung pure Filipino ba siya, kung ano political views niya, mga paniniwala niya sa buhay, perspective niya tungkol sa iba't-ibang issue sa mundo. Basta, gusto kong makilala ang buong pagkatao niya, kahit na sabihin mo pa na hindi ko siya ka-lebel. At kahit hindi ko pa siya lubos na kilala, pinili kong maniwala sa kanya. Sa mga kakayahan niya, sa mga opportunity na darating sa buhay niya, I am very interested of what she'll become after more than 10 years. Kasi alam ko na itong hopeless na estudyante na 'to, nakikita kong malayo ang mararating sa buhay. Yes, I admit that there was a point na naawa ako sakanya. Nung nalaman ko 'yung kwento niya sa buhay. Yung isa sa pinakang dahilan ng lungkot at frustration niya sa buhay. Naawa ako, but there I saw how brave she is. Nakita ko 'yung determinasyon niya because she keeps on going kahit na maraming hadlang at humahandlang. Hindi siya nagpapatalo basta-basta. And maybe that's the thing I like most about her. Kasi na-inspire niya rin ako to be brave and to learn how to oppose."

Hindi ako nakasagot, speechless ako sa speech niyang mukhang praktisado... Napatulala na lang ako sa kanya, hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.

"Remember the first time I asked you a favor? Yung sa test booklets, diba pinatago ko muna sayo 'yun? I did that para may rason para hanapin kita sa Facebook, at i-add ka tapos i-chat ka. And remember the time I asked you to return the speakers and keep my I.D? Noong hindi pa tayo masyadong close. Diba pinatago ko sayo 'yung I.D ko tapos sabi ko sa ibang araw ko na lang kukunin? That's because I felt like that was the last time that I will ever see you... Sobrang weird, 'no? Kasi estudyante naman kita pero feeling ko ayun na 'yung last time na makikita kita. So I did that para may rason para magkita pa ulit tayo, maliban sa may klase ka sa subject ko. I also did that to be closer to you... Because that day when I felt like it's the last time that I'll see you, I realized that I should do something para hindi pa 'yun 'yung last time. And then I started flirting with you. Yes, aaminin ko. It's weird kasi estudyante kita. Sa chat ganun ako pero diba kapag naman oras ng klase, iba ang trato ko sayo? Ang weird pero I love that kind of weirdness. It brings excitement to me knowing that it was you... You were the one I'm flirting, you were the student that I was flirting with."

"Yes, maraming rason noon para maging mali ang pag tingin ko sayo. Prof mo ako, si Issa, and the rest pero I really don't get it kung bakit kapag sayo, pati ang mali ay nagmumukhang tama..."

"Nung nakilala kita, hindi ko rin alam kung paano pero you served as my strength. Nung nakita ko 'yung pag laban mo sa buhay, I saw how beautiful life can be. Na lahat may pag-asa kahit na akala mo it's your end... Kahit akala mo hopeless na. And you also believed in me... Sa mga bagay na nagdadalawang isip akong i-pursue, naniwala ka sa akin na kaya ko. You inspired and motivated me, through your words and through your experiences in life. Kakaiba ang perspective mo sa buhay e. Jusko Keena. Kung alam mo lang..."

Baka Sakaling BukasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon