1

5K 74 2
                                    

Sienna's POV

"Tangina naman Sienna! Anong oras kana naman umuwe? Gawain mo ba talaga to kapag wala ako? Ha? Sumagot ka!" At isang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Napabuntong hininga ako para mapigilan ko ang luha ko

"Jiahn pede ba mamaya na tayo mag usap? Pagod ako" pag iwas tingin kong sagot dito at saka akmang aalis ng marahas nya kong hawakan sa braso

"Walang aalis! Pagod? San ka napagod? Siguro kasama mo ang magaling mong ex no! Ha!?" Napapikit ako dahil sa diin ng hawak nito sa braso ko. Eto na naman kami ipipilit na naman nyang ibintang ang baluktot nyang isipin sakin eh sya nga tong may babae.

"Eto na naman ba tayo Jiahn tuwing uuwi nalang ba ako sa hapon? Hindi kapa ba masaya na sayo ako umuuwe kahit araw araw mo na ko sinasaktan?! Jiahn kelan ka ba mag babago ha?!" Tumawa sya mapang asar bago nya ko hawakan sa panga dahilan para mabitawan ko ang bag ko at mapa atras

"At ngayon nananagot kana?! Putingina maulit pa to bukas! Papatayin ko yang lalaki mo!" Saka nya ko binitawan at nang gigilaiting umalis. Napailing nalang ako at napatingala ng sa gayon ay mapigilan ko ang mapaiyak.

Kelan ba ko makakawala sa impiyernong buhay to? Kung hindi dahil kay tita hindi ko pakikisahaman tong lalaking to. Pinag ka sundo kasi ako ng tita ko sa mga Mendez ng mag kasakit ang bunsong anak nito, sya ang nag palaki at nag pa aral sakin kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya, pero hindi din maganda ang naging buhay ko sa probinsya dahil sa kanila, masyado kasi nalulong ang tita ko sa sugal at doon naubos ang mga ari arian nila. Iyon na din ang nag tulak sa kanila para ipag kasundo ako sa mga Mendez dahil malaki ang interes sakin ng anak nito, na si Jiahn Ace Mendez, na sya na ngang kinakasama ko ngayon.

"Sandali, mag bihis ka Sienna at sasama ka sakin ngayong gabi" napalingon ako dito at seryoso syang nakatingin kasabay ang pag hithit nito sa sigarilyo nya.

Hindi na ako sumagot pa at nag madaling mag bihis mahirap ng mapag initan na naman ng ulo nya, ako nalang ang iiwas sa gulo.

Pinasakay nya ko sa sasakyan nya at matulin itong pinatakbo.

"Saan ba tayo pupunta? Wag naman sana tayong gabihin at maaga pa ang pasok ko bukas" saad ko dito at sandali syang tinignan

"Excited kana man agad makita ang lalaki mo, huwag na huwag ko lang makikita iyon Sienna ng kahit isang beses pasasabugin ko ang ulo non mismo sa harap mo" seryoso nitong saad na deretsong nakatingin sa daan.

Napairap nalang ako, ayoko na mag tanong dahil para syang ewan kausap. Lagi nya nalang isinisingit na may lalaki ako kahit sya naman ang meron, takot talaga sila sa sarili nilang multo.

Mamaya ay tumigil kami sa isang resto at nakakamangha ang parking lot dahil pare parehas ang mga nakaparada dito at lahat sila color black gayon din ang sasakyan ni Jiahn, iisang isa. Nawala ako sa pag iisip ng hilahin nya ko papasok sa loob at bumungad samin ang napaka daming tao na lahat sila naka black.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Jiahn dahil nawiwirduhan ako sa mga tao. Dumeretso kami sa second floor at bumungad samin ang isang grupo na seryosong nag uusap.

"Lucas" pag tawag nito sa isang lalaki

"Oh Jiahn andito kana pala, ikaw nalang hinihintay e"  saad nito.

"Pasensya na hinintay ko pa kasi si Sienna, asan na si Jiroh?" Tinuro nung lalaki ang kinaroroonan nung Jiroh at saka namin iyon pinuntahan

Tinapik ni Jiroh ang likod ni Jiahn at pinasadahan ako ng tingin kaya agad akong napaiwas. Mukang seryoso ang pag uusap nila at sandali akong humiwalay kay Jiahn at nag masid sa paligid. Nakakamangha kasi ang disenyo ng lugar napaka classic.

Sa pag lakad lakad ko ay  natapilok ako pero agad na may humawak sa braso ko

"Ow that was close" saad ng lalaking sumalo sakin at nag kasalubong ang mga mata namin.

Bigla nanlaki ang mga mata ko ng makita ang lalaking kaharap ko.

"Liam! Ke-kelan kapa umuwe?!" Masaya kong tanong at inayos ang tayo ko

"Woah ikaw na ba yan Sy?!" Tanong nito at halata din ang pag kabigla sa mga mata nya

"Hala! Namis kita" saka mahigpit syang niyakap, sya yung best buddy ko nung highschool pero umalis sila nung 3rd year highschool kami dahil sa Singapore nya pinag patuloy ang pag aaral nya.

"Napansin na kita kanina e kaya lang hindi ako sigurado kung ikaw nga" kumakamot sa batok na saad nito kaya  natawa ako

"Ganon? Kinakalimutan mo pala ako?" Pabiro kong saad at agad syang umiling

"No ofcourse not! Anyway pauwe na din ako e, mag usap tayo tommorrow okey lang ba?" at may kinuha sya sa wallet nyang papel at binigay sakin

Contact number nya pala. Napangiti akong humarap sa kanya pero nawala din ang ngiting iyon ng makita ko sa Jiahn sa likod ni Liam at masamang nakatingin sakin.

"Hey? Okey ka lang? Sabi ko pwede ba?" Tanong ulit ni Liam, napatitig na pala ako kay Jiahn.

"A- ah te-text nalang kita" wala sa sarili kong saad dito at nginitian nya lang ako

"Sya uuna na din ako Sienna" ginulo nya ang buhok ko saka tuluyang umalis. Naiwan akong nakatayo na ngayon ay kaharap na si Jiahn.

Bigla nyang inagaw ang papel na binigay ni Liam at ngumisi saka nya nilabas ang lighter nya at sinindihan ito saka binagsak sa harapan ko.

Kasabay non ang mariin nyang pag hila sakin sa harap ng maraming tao, pinag tinginan kami ng marami kaya sobra ang kahihiyan ko.

His Dangerous Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon