Chapter 28

2.1K 123 9
                                    

Hello :) hihihi. Namiss nyo ko? O si Sky and Winter lang namiss nyo?

Winter

"Japan, huh."

Ito ang unang beses na nakarating ako dito, na cellphone at wallet lang ang dala. Mabuti nalang at sinundo ako ng driver ng kapatid ko at inihatid sa lugar kung san sya nagtatrabaho. Sobrang busy siguro nya na hindi nya ako magawang sunduin. Pagpasok ko palang sa lobby ng building ay halos mahilo ako sa mga tao dito. Hindi ko kasi maintindihan ang mga pinag uusapan nila. Hindi ko alam kung artista ba sila o tambay lang dito. Tsk. Pagkarating ko sa 36th floor ay hinatid ako ng secretary yata nya hanggang sa pinto ng office ni ate.

"Arigatou.." Hmm ang galing ko mag nihongo. Haha.

Pagpasok ko sa loob ay nakakamangha ang nakita ko. Napakalaki ng silid. Napaka ganda at napaka linis. Nakita ko si ate na nag angat ng tingin at ngumiti. Wow. Look at that smile. Walang kagana-gana. Tumigil sya saglit sa pagpirm ng ewan ko kung ano at tumayo.

"Hello, my precious little sister." Bati nito habang naglalakad palapit sakin. "I mish you."

"I miss you too, ate."

"Hmm.."

"Hmm what?" Ano kaya yun.

"Nothing. Hindi ko na itatanong kung bakit naligaw ka bigla dito sa Japan."

Hindi ako sumagot. Nilagpasan ko lang sya at naglakad palapit sa glass panels. Napakataas ng lugar na ito, natatanaw na ang Tokyo Tower. Higit na mas maganda kaysa sa magulong lungsod ng Metro Manila.

"Ang gaganda ng mga natatanaw mo di ba?" Sabi ni ate na nasa tabi ko na pala. "Mas maganda pa itong lugar na ito kaysa sa Metro Manila. Pero kahit anong ganda ng lugar na ito, hindi mo maa-appreciate ang lugar dahil wala naman dito ang mga taong mahal natin."

Napalingon ako sa kanya. Nakatanaw lang sya sa malayo. Para sa isang taong hindi kayang ipaglaban ang mahal nya, pano nya nasasabi ang mga ito?

"Stop being so dramatic, ate." Seryosong sabi ko. Tinungo ko ang couch na nasa loob ng office nya at naupo. Sya naman ay bumalik sa pwesto nya. "Wala ka bang itatanong sakin?"

"Huh?"

"Hindi mo ba itatanong kung kamusta na si Heaven at Hea sa Pilipinas?"

"Winter.." May naaninag akong sakit sa mga mata nya. "Pumunta ka ba dito para.."

"Nope." Tanggi ko agad. "I came here to relax.. At mag move on.."

"Is that so?"

"Yeah.."

Hindi na rin naman sya nagsalita. Ipinagpatuloy lang nya ang ginagawa niya kanina. Hays. I miss my Sky. Pero kailangan ko munang magpalamig. Wanted pa ako kay Heaven. At habang nandito ako, kukulitin ko ang maganda kong kapatid.

----
"So, this is your house." Katulad ng opisina nya, malaki rin ang bahay nya. Pero ang boring naman dito. "You live here alone?"

"Yes."

Bago umuwi ay kumain muna kami. Ang sabi nya kasi ay wala syang stocks ng pagkain. Puro chocolates lang daw. Bakit kaya hindi sya tumataba?

"Hindi ka ba naiinip dito?" Naisipan kong itanong. Ang pagkakaalam ko ay sa bahay ng mga magulang ko sya nakatira noong nag aaral pa sya. Nag-iisa rin ako sa bahay pero hindi ako naiinip o nalulungkot dahil marami akong kaibigan. Pero ang kapatid ko? Nah.

"Sanay na ako." Tipid nyang sagot. Kumakain sya ng tsokolate at hindi man lang nya ako inaalok.

"Can I ask you something?"

TRIANGLE (GxG)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें