Chapter 21

2.6K 136 24
                                    


Sky

"Anong ginagawa mo?"

Nakasimangot si ate Heaven pagpasok palang ng kwarto ko. Karga nito si baby Hea na nakatingin lang sakin. Nagagandahan siguro? Natatamad akong pumasok. Ayokong makita yung pagmumukha ni Ran. Naiirita ako. Tsk. Ayoko din naman na makita si Winter, sakit sa heart shit.

"Ayokong pumasok."

"Bakit?"

"Basta."

"Bakit nga?!" Medyo tumaas na yung boses nya.

"Wag ka naman sumigaw ate. Natatakot yung baby." Kakamot kamot sa ulo na bumangon ako at lumapit sa kanila.

"Bakit di ka papasok?" Nanlalaki na yung mata nya.

"Di lang ok pakiramdam ko. Sasama nalang ako sa shop."

Di na rin naman sya nagsalita. Buti nga hindi na sya nagtanong eh. Ano naman sasabihin ko sa kanya? 'Ate, ayokong pumasok kasi ayaw kong makita na binabalewala ako ni Winter.' Eh di sinapak ako nyan? Bakal pa naman ang kamao nyan. Pagkaligo ko eh sabay na kaming lumabas. Ako na yung nagbubuhat kay baby Hea. Ang fluffy nya kasi.

"Hindi pa ba uuwi si Heather?"

"May tinatapos pang trabaho eh."

Buti pa sila ni ate, ok na. Kami ni Winter wala na yatang pag-asa. Pagdating namin sa shop ay medyo madami na din customers. Ayoko naman tumambay sa office ni ate sa loob noh. Kinuha nya sakin si baby Hea tapos pumasok na sya. At ako naman, naupo sa paborito kong pwesto.

I was lost and alone trying to grow
Making my way down that long winding road
Had no reason, no rhyme, like a song out of time
And there you were, standing in front of my eyes

Napatingin ako bigla sa may counter area nung makarinig ako ng music. Bago kasi sa pandinig ko eh. Nagsmile lang sakin si Hana. 

How could I be such a fool
To let go of love and break all of the rules
Girl when you walked out that door
Left a hole in my heart
And now I know for sure

Ouch..parang sapul ako sa lyrics na to ah!

You're the air that I breathe
Girl you're all that I need
And I wanna thank you, lady
You're the words that I read
You're the light that I see
And your love is all that I need..

Di na talaga ko makatiis. Tumayo ako at lumapit sa counter. Feeling ko kasi may pinaglalaban si Hana eh.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Anong ano yun?"

"Bakit may ganyang kanta?"

"I love Boyzone!" Parang hindi naman totoo yung sinabi niya. "Favorite song ko yan. Sapul ba?"

"Ano? Hindi noh. Nagulat lang ako kasi dati walang ganyan. Sige patugtog ka pa kung yan ikakaligaya mo." 

"Galit ka na nyan?" Natatawang sabi niya. "Kayong mga kabataan talaga, may problema lang sa pagibig hindi na papasok." 

"Wala naman kaya akong problema sa love life." Siguro natsismis na ko ni ate dito kay Hana. 

"Si Ran ba yun?" Sinundan ko ng tingin yung inginuso nya. Bwisit, si Ran nga. Magtatago sana ako kaso nakapasok na sya dito. Tsaka san naman ako magtatago, at bakit? "Good morning Ran!"

"Hi, ate Hana, good morning!"

"Anong ginagawa mo dito?" Naka uniform kasi sya. Di ba sya pumasok? 

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now