Chapter 23

2.9K 145 24
                                    

Nung nagising ako kanina naisip ko agad na gawan si Winter ng POV. Baka kasi magtampo.
May naglalaro ba dito ng School Idol Festival?
Enjoy kayo.

Winter

"Winter.."

Nakakailang tawag na ba sya sa pangalan kong kasing lamig ng panahon ngayon? Wala ba syang ibang gagawin? Bakit di sya pumunta kay Heaven, yun nalng guluhin nya.

"Hmm."

"Anong hmm ka dyan? Winter ano bang nangyayari sayo?" 

Hindi ko sya matingnan. Busy kasi ako sa nilalaro ko. Konting pagkakamali lang hindi ako makaka full combo. Nananahimik ako dito sa kwarto ko tapos biglang susulpot si Dana para mangulit? Hays. Masaya naman ako na ligtas sya at nakabalik na. Ok lng din na nag resign sya. Kaso naman, ako yata ang balak nyang guluhin. 

"I'm.. O~kay."

"Winter Saavedra!" Malakas na tili nito. Walang pinagbago. "Ang gulo ng kwarto mo! Magulo buong bahay mo! Pati buhok mo nga magulo na din! Yang phone mo halos mabasag na sa tindi ng pagkakapindot mo dahil dyan sa nilalaro mo! Maawa ka naman sa phone mo!"

Ah. Naglalaro kasi ako ng School Idol Festival. Rhythm game sya. Matagal na tong sinasabi sakin ni ate dati. Sikat daw to sa Japan. Maganda naman. Nakakawala ng stress. Yun nga lang, yung pagka badtrip ko sa buhay ngayon nilalabas ko sa paglalaro nito kaya halos mabasag na nga yung phone. Bakit ba? Bibili na lang ako ng bago. Tsaka wala namang ibang gamit yung phone ko ngayon maliban sa paglalaro at pakikinig ng mga bwisit na kanta na nasa playlist ko. Buburahin ko na nga lahat mamaya. Itapon ko na din kaya yung phone ko? Ah. Ibabato ko nalang kay Dana. 

"Bakit di ka pumasok ngayon? Anong trip mo sa buhay?"

"Matalino ako. Kahit di ako pumasok makaka graduate ako."

"Wow ang cold.Malamig pa sa pangalan mo yung ugali mo ah."

"Alis na kasi Dana. Ayoko ng kausap ngayon. Ayokong makipag usap kahit kanino." 

"Bakit ba kasi nagpapaka baliw ka kay Sky? Andito naman ako? Malay mo tayo talaga ang nakatakda?"

"Isang joke mo pa ibabato ko na talaga sayo to." Hayan. Hindi ako naka full combo." Hirap na hirap ako sa kantang to ha. Dito ko talaga ibubuhos yung frustration ko. Ok lang sumakit daliri ko basta maka full combo ako dito. 

"Wala akong kaibigan na dugyot. Naliligo ka pa ba?"

Naligo naman ako ah. Magulo lang yung buhok ko pero naligo ako talaga. Natamad lang siguro akong magsuklay. 

"Tara labas tayo. Ililibre kita, anong gusto mo? Pizza? Coffee jelly? Cake? Isaw gusto mo?" 

"Ayokong lumabas. Di mo magets? Ayoko nga kumilos. Ayokong makipag usap,ayokong makakita ng mga taong toxic sa pangingin ko. Pag lumabas ako makakakita lang ako ng mga mag jowang naglalandian sa kalsada!"

"Eh di bitter ka!" Sigaw na naman nya. Tumabi pa sya sakin dito sa kama. "Alam mo, bestfriend kita. Pero ayokong kunsintihin ka sa ginagawa mo."

"Wala akong ginagawa."

"Mag move on ka na! Ano ba Winter? Ang daming naghahabol sayo oh. Pati nga yata aso hinahabol ka eh. Wag kang mag focus sa isang tao lang. Yan na nga ba sinasabi ko eh. Yang deal na yan ang sisira sa buhay mo."

"Wala kang sinabi na ganyan." Uh.Gusto ko ng tahimik. Wala bang magawa si Dana ngayon? Ayusin nya kaya yung kompanya nila? Kaya nga di ako pumasok para manahimik dito tapos susulpot sya para magbigay ng advice na di ko naman kelangan? 

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now