Chapter 19

2.9K 151 26
                                    

Mag-update na ako kasi magiging busy ako ngayong long weekend :-)

Sky

"Chocolate mousse for you, Sky."

Natigil ako sa pag-iisip at napatingin sa taong nakatayo sa harap ko. It's Nico with a bright smile on his lips. 

"My treat." Lalong lumawak ang pagkakangiti nito. "You were spacing out since you came here. Are you alright?"

"Thank you, Nico. This is my favorite." Ginantihan ko ang pagkakangiti nito. Napansin ko na konti na ang tao dito sa shop, malapit na kasi ang closing time. "Si Hana, andun sa cashier at may ginagawa. 

"Can I sit here?" Tanong nito. 

"Of course." Nang makaupo ito sa tapat ko ay tinikman ko ang cake na binigay nito. "Can I ask you a question, Nico?" 

"Sure." 

"Do you have a girlfriend?" 

Napansin ko ang pagpula ng maputlang mukha nito. At pagtapos ay tumawa. "Wala."

"Ows?"

"I'm single. And I am not planning to have a relationship with anyone." Natatawa pa ding sagot nito. "Why do you ask?"

"Curious lang. You're so handsome so I wouldn't be surprise if you tell me that you have lots of girlfriends." Biro ko. Well, it's true. Mga pangit na lalaki nga ang kakapal magjowa ng madami eh, yung mga legal na pogi pa kaya. "Just kidding."

"Where's your gorgeous girlfriend?" 

Ayun. Speaking of girlfriend, naalala ko na naman yung pag uusap namin ni Mrs. Saavedra kahapon. At simula din kahapon, hindi ko pa nakakausap si Winter. At hindi ko alam kung pano pa sya kakausapin dahil sa sinabi ng mommy niya. 

"S-She's busy.."

"Hmm, I see." Tumayo ito at tinapik ako sa balikat. "We're friends, you can tell me anything and I will help you no matter what. But for now, whatever you're planning to do, I must say, think about it a thousand times." 

"Thank you for the advice, handsome." Natatawang sabi ko dito.

"Stop calling me handsome.."

"Can't you see Nico? The numbers of customers are increasing because you're handsome and attractive. I heard my schoolmates were talking about you in school."

"R-really?" Parang nahihiya ito. 

"Yes. It's all thanks to you.." Napansin kong wala na ang mga customers at sumesenyas na din si Hana kay Nico na magclose na. 

"Hmm, magsasarado na kami." Tumayo na ito at sumaludo kay Hana. 

"Sige, uuwi na ako. Salamat sa libre mo ha?" 

"No problem!"

Pagkauwi ko sa bahay ay agad na dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga. Bukas ay kakausapi ko si Winter.

---

"What is the meaning of this?" 

Bakas ang pagkagulat, pagtataka,at takot sa magandang mukha ni Winter. Narito kami sa loob ng opisina nya. Pinuntahan ko agad sya dito pagkatapos ng klase ko. 

"I'm giving it back.." Ang tinutukoy ko ay ang emerald bracelet na ibinigay nya sakin noon sa villa. 

"Sky?" 

"Tinatapos ko na ang deal natin, Winter." Mabilis na sabi ko. "Wala na din namang bisa yun."

Kung kanina ay pagkagulat ang reaksyon nito, ngayon naman ay rumehistro ang galit sa mukha nito. "What?"

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now