Chapter 5

3.9K 193 10
                                    


Sky


Maaga pa lang ay nasa school na ako. As in maaga. Yung oras na mga teacher pa lang yung nandito sa school. Haha. Nagulat pa nga si ate Heaven nung naunahan ko syang gumising. Bakit? Ngayon kasi yung araw na 'ilalagay' ko na yung pangmalakasan kong love letter. Kung matatawag man yun na love letter. Hay. It was just a simple 'I like you a lot, meet me at the rooftop after class.' 


At ngayon nga nasa labas ako ng room nina Ran. Hays kinakabahan talaga ako. Kung mailagay ko man sa drawer nya yun, pano ako magcoconfess mamaya?! Mukhang kinukulang pa ako sa lakas ng loob ah. Pero andito na din lang naman ako, bakit di ko na ituloy di ba? 

"Yosh!" Mabilis na binuksan ko yung pinto, and buti nalang wala pang tao, duh, sino bang estudyante ang papasok ng alasais ng umaga kahit alas otso pa talaga yung klase di ba? Pagpasok ko ay agad kong nilibot ang paningin sa buong room. Nasabi sakin ni Ran na sa may bintana daw yung upuan nya. At alam ko din na alphabetical order ang seating arrangement dito sa school. Randell Sebastian, so imposibleng nasa unahan sya. Lumapit ako sa ikatlong upuan na nasa gilid ng bintana. Malakas ang kutob ko na ito ang upuan ni Ran. "It's now or never." I whispered. Maingat na ginalaw ko yung drawer ng desk nya. It's clean. At maingat na nailagay ko din yung papel. Pagkasara ko ng drawer ay nagmamadali na akong lumabas. "Whoo." Pinagpawisan ako dun ah.

Naglalakad na ako papunta sa room ko ng makasalubong ko si Winter kaya napatigil ako sa paglalakad. Naalala ko kasi yung ganap nung isang gabi. Yung mga pinagsasabi nya at yung ginawa nya. Hays hanggang ngayon hindi ko makalimutan. Magnanakaw sya! After nun ay ngayon ko nalang ulit sya nakita. Bakit maaga din syang pumasok? Ganon ba sya karesponsableng estudyante? Ganun ba kapag president ka ng student council? Katulad ng nakasanayan nya ay nakalugay ang wavy na buhok nito at bored na naman ang ekspresyon ng mukha.

"Sky." Tumigil sya sa paglalakad nung mapatapat sya sakin. "Sky."

"Oh?" Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya. 

"Nothing." Bago ito nagpatuloy sa paglalakad. Baliw lang di ba. Anong problema nun? Hmp. Bahala sya. Basta ako, poproblemahin ko na lang muna kung ano yung sasabihin ko kay Ran later.

Habang nasa klase ako ay hindi ako mapakali. My God, feeling ko nga wala akong natutunan ngayong araw. Habang papalapit ang oras ng uwian ay mas lalo akong kinabahan. Lalo pa yatang nadagdagan nung narinig ko na yung bell. Hinintay ko munang makalabas mga classmates ko bago ko inayos mga gamit ko. Pagkatapos ay tumayo na ako at naglakad palabas. Walang pagmamadali na umakyat ako patungong rooftop. Pagtapat ko sa pinto ay huminga muna ako ng malalim. "Walang atrasan to. Rainbow Sky, kaya mo yan!" At buong lakas na binuksan ang pinto at humakbang papasok. Pero gusto ko yatang umatras palabas, tumakbo paalis sa lugar na ito ng makitang ibang tao ang naghihintay sa rooftop. Dahil imbes na si Ran ang makita kong nakatayo, ibang tao ang naghihintay sakin. Matangkad, maputi, nakalugay ang brownish hair nito na hanggang dibdib, maganda ang mga mata nitong titig na titig sa akin. Matangos ang ilong, at ang mga labi nitong natural yatang mapupula. Kapansin pansin din ang nunal nito sa left side ng mga labi nya. Ang taong nakatayo sa harap ko ay walang iba kundi si Winter Saavedra. 

"W-winter?" 

"Surprised to see me?" She crossed her arms and raised her eyebrows. 

"W-what the hell?!"  Anong ginagawa nya dito?!

May dinukot ito sa bulsa ng skirt nya. Oh my gosh! The letter! "I found it inside my drawer." She said, glaring at me. "Akala mo siguro ay pwesto ni Randell yun. But sorry my dear, you were wrong. Hindi ko naisip na maglalakas loob kang magconfess kay Ran." 

"I made a mistake. I'm sorry. Let's just forget about it." Lalabas na sana ako nung magsalita sya. 

"I accept your letter."

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now