Chapter 17

2.7K 174 47
                                    

Note: This chapter is rated SPG. Charot HAHAHA. Read at your own risk!

Sky

"Where's ate Heaven?" 

Tanong ni Ran habang kumakain kami dito sa rooftop. Wala kasi akong baon na pagkain ngayon kasi nasa Japan si ate. Si ate lang kasi yung nagluluto ng binabaon ko eh. Kagabi kasi eh dinala sya ni Heather papunta ng Japan. Hindi naman siguro sila nagtanan di ba? Wag naman sana. Hehe. Kaya ngayong wala sya, problema ko ang kakainin ko. 

"Nasa Japan nga sya.." Sagot ko pagkatapos lunukin yung kinakain kong spaghetti na binili ko sa canteen. "G-gusto din nyang.. magbakasyon."

"Nag-usap na ba kayo ni Winter?" Biglang tanong nito. 

"H-hindi pa naman kami nagkikita." Ang gusto kasi niya ay kausapin ko si Winter para itigil na yung deal. Biglaan di ba? Ayokong kausapin si Winter para lang sa bagay na yun lalo pa at hindi ko pa napapag isipan ng maayos yung tungkol dun. Lalo lang kasi gumulo ang isip ko sa mga rebelasyon niya kahapon eh. Lakas makagulo ng isip eh. 

"Nalilito ka pa din ba?" 

"S-siguro." Pwede bang kumain nalang kami? 

"May alam akong paraan para hindi ka malito." 

"Pano naman?" Nagtatakang tanong ko. Tinapos muna nito yung kinakaing cupcake at ininom yung juice. Saka ito tumayo mula sa pagkakaupo sa semento para lumapit sakin. Ako naman nakatingala lang sa kanya at nagtataka sa kung anong gagawin niya. Hanggang sa hawakan ako nito sa balikat at unti unting lumalapit ang mukha sakin. At bago ko pa maisip ang gagawin niya ay bigla akong hinalikan nito sa labi. Nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Namalayan ko nalang na lumayo ito at tumitig sakin. 

"The sparks, Sky." 

Sparks?! Nanatili lang akong nakatitig sa mukha niya. Oo at gusto ko sya noon at nalilito ako kung gusto ko pa ba sya, pero never ako nakaramdam ng sparks kapag hinawakan niya ako noon. Hindi katulad kapag si Winter. Why?! At ngayong hinalikan niya ako, wala akong maramdaman kahit ano. Matagal na panahon kong inimagine na halikan ni Ran, pero bakit wala akong maramdaman?

Naalala ko ang mga halik ni Winter, ibang iba ito kay Ran. Punong puno ng emosyon kapag hinahalikan niya ako at tila ingat na ingat ito. Nakakaramdam ako ng iba't ibang emosyon. Bakit ganito? Nalilito lang ba talaga ako sa feelings ko o ayaw ko lang aminin sa sarili ko ang totoo? Pakiramdam ko nga ngayon ay may nagawa akong malaking kasalanan kay Winter dahil sa biglang paghalik ni Ran. Nakakainis naman eh. 

----

"Japan huh?"

Yun lang ang sinabi ni Winter matapos yung kwento ko na kinausap ako ni Heather para sa plan nito. Nandito ako sa bahay nya ngayon kasi wala akong kasama sa bahay at hindi ako marunong magluto. Eh sya kasi magaling magluto eh. Kaya dumayo na ko dito para kumain ng dinner.

"Ganon na ba kadesperada si ate?"

"Inlove lang sya."

"Hahanapin ni Dana si Heaven."

Oo nga pala. Ang pagkaka alam ko ay nasa probinsya si Dana para ayusin yung lupa na pagtatayuan ng bagong school. Kaninang madaling araw pa sya umalis at hindi man lang sya nagpaparamdam. Busy siguro. "Speaking of Dana, hindi man lang sya nagpaparamdam."

"Busy yun. Pahirapan daw mapaalis yung mga nakatira sa lupang pagtatayuan ng school kaya hindi yun makakapag phone." Naupo si Winter sa tabi ko. Nakaupo kasi ako sa sofa dito sa sala nya habang kumakain ng nagaraya. "Anyways.. Kamusta na kayo ni Ran?"

Natigil ako sa pagngunguya sa tanong niya. Oo nga pala, naalala ko bigla yung naging usapan namin ni Ran. Sa totoo lang lalo akong nalito sa mga pinagsasabi niya sakin. Hindi ko nga alam kung magiging masaya ako sa mga sinab niya eh. Pero ayokong gumawa ng desisyon na alam kong pagsisisihan ko.

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now