Chapter 27

2.3K 130 12
                                    

Sky

Kinabukasan ay parang wala lang nangyari. Maaga akong pumasok sa school. Nagsuot lang ako ng jacket kasi kapansin pansin yung mga pulang marka sa may braso ko. Ang iba nga parang pasa na. Ang akala tuloy ng mga teachers eh may sakit ako. Yun din ang inisip ni Ran kaya naku todo effort sya na akala mo kalalabas ko lang ng ospital kung alagaan ako.

Pagkagaling ko sa school ay dumiretso ako sa Sweet You. Pagpasok ko ay bumungad sakin ang maraming customers. Peak hours ba ngayon? Wala na tuloy akong mauupuan nito.

"Sky!" Nakangiting tawag sakin ni Hana. Sya ang nasa counter ngayon, nakikita kong busy makipag usap sa ibang customers si Nico. "Dun ka nalang sa office kumain, wala ng vacant eh. Andun si Heaven."

Mabilis na tinungo ko naman ang office nila. At narito nga si ate Heaven na busy sa pagtatype sa laptop habang si Hea ay mahimbing na natutulog sa isang sofa. May kalakihan din kasi ang office nila eh. "Hello, my dear pretty sister."

"Hi. Kumain ka na?" Tanong nito habang nagtatype pa din. Pagkatapos ay isinara ang laptop at tumingin sakin.

Ako naman ay wala sa sarili na hinubad ang suot na jacket at isinampay sa likod ng upuan. At tila nahahapong naupo ako. Pagtingin ko kay ate ay napansin kong hindi sya sa mukha ko nakatingin. Lalong naningkit ang mga mata nitong may bahid ng.. galit?

"Bloody hell, Sky!" Malakas na sigaw nito at lumapit sakin para hawakan ang braso ko. Ngayon ko lang naalala ang mga pulang marka at mga pasa na nasa katawan ko. Bigla akong nakaramdam ng takot. Ngayon ko lang nakita na ganito si ate. Huli na para mapigilan ko sya nang mabilis na buksan nya ang butones ng suot kong uniform. Ramdam na ramdam ko ang nag aapoy na mga mata nito. "Sinong may gawa nito?" Mahinang tanong nya.

"A-ate.." Buong buhay ko ay hindi pa nagalit sakin si ate kaya hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo. "M-may insekto lang na k-kumagat sakin.."

"Sinong may gawa nyan sayo, Rainbow Sky?!" Ulit nito, ngayon ay mas malakas na ang boses na sigaw nito, dahilan para magising si Hea at umiyak. Pero nanatili lang syang nakatayo sa harap ko habang hawak ang braso ko.

"Heaven, ano bang nangyayari umiiyak yung bata?" Biglang tanong ni Hana na biglang pumasok at binuhat si Hea. "Ano bang problema nyo at sumisigaw ka?"

"Sinong huli mong kasama kagabi, Sky?" Tanong na naman nya.

"Ate naman. W-wala lang ito-"

"Sagutin mo ang tanong ko!" Sigaw na naman nya.

"Heaven ano ba! Natatakot si Hea!" Halata rin ang gulat at takot sa mukha ni Hana nung lumapit sya at makita ako.

Mabilis na binawi ko ang braso ko na kanina pa nya hawak at saka mabilis ko ding ibinalik ang pagkakabutones ng uniform ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

"Sky.."

"Inuulit ko, Rainbow Sky Montero.." Mariin at galit na sabi ni ate. "Sinong leche ang nag iwan ng mga marka at pasa na yan sa katawan mo?!"

Ang luha na kanina ko pa pinipigil ay tuluyan ng kumawala. "I'm sorry.."

"Si Ran ba?"

Umiling ako. "H-hindi ko sya kasama kagabi, ate.."

"Hana?" Tawag nito sa kaibigan na nagulat din. "May nalalaman ka ba na kasama ng kapatid ko kagabi?" Tanong nito na hindi man lang tumitingin kay Hana. Pero nararamdaman kong alam na nya ang sagot.

"Heaven.. I'm sorry.." Mahina pero narinig kong sabi ni Hana na halatang kinakabahan na rin. Tumigil na din sa pag iyak si Hea na karga nito, nakatulog na rin ang bata sa balikat nya.

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now