Chapter 18

3K 153 13
                                    

Sky

"Miss Ohara is missing?!"

Yan ang usap usapan ng mga estudyante at ilang faculty members sa loob ng tatlong araw. Mula kasi nang umalis si Dana papuntang probinsya ay hindi na ito nagparamdam at hindi pa ito nakakabalik. Pati ako ay nag aalala na lalo pa at naalala ko yung huling tawag niya kay Winter. At ngayon nga ay papunta kaming lahat sa auditorium dahil may announcement daw. Kinakabahan talaga ako. Magkasabay kami ni Ran na papunta sa auditorium at naririnig ko ang mga bulungan ng ilang estudyanteng nakakasabay namin. Mga bulungan tungkol sa pagkawala ni Dana, may ilan pa nga na nagsasabing baka daw patay na ito. Tsk.

Pagdating namin sa loob ay sa medyo gitna kami naupo. Naroon na din sa stage ang members ng student council sa pangunguna ni Winter. Kausap nito ang isang teacher.

"Kinakabahan ako Sky." Bulong ni Ran. "Ano bang nangyayari?"

Sasagot pa sana ako pero tumahimik na ang paligid, senyales na magsisimula na. Kaya tinuon ko nalang ang atensyon ko sa unahan.

"Good afternoon, schoolmates." Seryosong bati ni Winter. "I am sorry for the sudden announcement today, and for interrupting our class. But we have an important announcement today."

Kahit hindi naman nya sabihin, alam kong nag aalala sya. Ang pagkaka alam ko ay nagpadala na ng mga rescuers para hanapin si Dana. Perp tatlong araw na at wala pa ding balita.

"Our school director, Dana Spencer Ohara, has been missing for almost three days. And because of her absence, her cousin, Miss Sean Ohara will replace her position temporarily."

Maririnig mo ang bulong bulungan sa buong auditorium. Kahit ako ay nagulat. Bakit kailangan na palitan agad si Dana? Natahimik ulit nung may lumabas na isang babae na maliit. Medyo kulot ang buhok nitong hanggang balikat.

"Three days palang nawawala si Miss Ohara pero may papalit agad sa kanya." Bulong na naman ni Ran. "I smell something.. fishyyyy."

"Yun din nga ang naiisip ko eh."

"Good afternoon everyone!" Malakas at masigla na bati nito. Nasa tabi pa din nito si Winter na tila may hinahanap. At nung mapatingin ito sa pwesto ko ay pasimple itong ngumiti at ginantihan ko naman ng matamis na ngiti din.
"I am Sean Ohara, starting today, I will be your temporary director. Our family are doing our best to find my cousin, Lady Spencer, as soon as possible. Nice to meet you all." Pagkatapos ng simpleng speech nito ay nagpaunang pumalakpak si Winter, kaya naman naki-palakpak nalang kami.

Sana nga ay mahanap na agad si Dana. Hindi kasi maganda ang kutob ko eh. Kung nasan man sya, sana ay safe sya.

------
"Sky, kay Winter ka ba sasabay?"

Tanong ni Ran. Pagkatapos kasi sa auditorium ay nacancel na ang klase.

"Hmm.. Yes.. Pag-uusapan din namin yung tungkol kay Dana." Sagot ko habang inaayos yung gamit ko. Sigurado ako naghihintay na si Winter sa parking lot. "Sa ibang araw nalang tayo magsabay umuwi, Ran."

"Nagbago ka na talaga.." Narinig kong sabi niya habang sumasabay sakin sa paglalakad sa hallway.

"Hindi naman." Hindi na sya nagsalita at sumabay nalang. Hanggang sa makarating kami sa parking lot ay kasama ko si Ran. Hanggang sa makalapit kami kay Winter na nakasandal sa kotse nito.

"Miss Saavedra."

Naging seryoso naman ang mukha ni Winter. "Randell Sebastian."

Ay may staring contest ba ang dalawang ito? "Ran. M-mauuna na kami. Winter, let's go." Nauna na akong pumasok sa kotse ni Winter. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko kay Ran. Ang hirap naman! Hindi naman nagtagal at umalis na din si Ran kaya pumasok na sa loob si Winter.

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now