Chapter 35

1.7K 111 7
                                    

Nakabawi na siguro ako 15months kong hiatus ano 😂

Sky

"Cheers!"

Kasabay ng kasiyahan ng mga tauhan dito sa hacienda ay ang pag-inom namin ng beer. Ewan ko dito kay Winter kung bakit nagpainom ngayon. Kawawa naman sila kung magkaron sila ng hangover tomorrow.

Si Winter hindi sya umiinom. Kape lang ang iniinom nya. Ganon din si Charlotte. Good girl talaga sya.

Parang kanina lang umiiyak pa ako sa nalamang aalis si Winter, This is for our future. Para kay ate din. Hindi ba at kaya ako nakipag hiwalay sa kanya noon dahil sa kagustuhan din ng nanay nya? Ang pinagkaib lang ngayon, meron akong backup plan.

Pasimple kong pinagmasdan si Winter na ngayon ay nakikihalubilo sa mga tauhan nya. Ibang iba na talaga sya sa Winter na snob. Marunong na syang makipag bonding kahit sa mga hindi nya ka-close.

"Sky.."

Inalis ko muna ang paningin ko kay Winter at bumaling kay Charlotte. "Ano yun?" Katulad ni Winter ay kape ang iniinom nya. Mukhang sya lang ang sumeryoso sa 'pakape' ni Winter.

"Ang sabi ni Dana, aalis na daw si Winter." Sabi nya na tumabi sa akin.

"Yes, next week. Sa Japan na daw sya mag-aaral." Honest na sagot ko sa kanya. Parang nagulat pa sya sa reaksyon ko. Hays. Oo malungkot. Pero ayoko munang isipin. Ayoko kasi ma-stress sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari.

"Kapag nainip o nalungkot ka Sky, pwede mo kong puntahan sa bahay na tinitirhan ko. Malapit lang naman sa inyo yun." Nakakaunanwang pahayag nya.

"Ang bait mo talaga, Charlotte." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Wag ka pauuto dyan kay Dana." Dagdag ko pa na ikinatawa nya lang. "Please, don't fall in love with her."

"Hindi naman noh!"

Sabay pa kaming tumawa sa sagot nya. She's a friend at alam kong nandito sya para mag-aral to help her family. I just hope na sana matupad nya lahat ng dreams nya with the secret help of Dana Ohara.

Hinayaan ko nalang si Winter na makipag usap sa mga tauhan nya. Matagal syang mawawala kaya dapat na makausap nya ang mga ito.

Mabilis lang na natapos ang ilang araw na bakasyon namin sa Quezon. Totoo nga ang sabi nila na mabilis ang oras kapag kasama mo ang taong mahal mo. Ngayon nga ay kararating ko lang dito sa bahay. Nakakapanibago lang na nandito na ulit kami. Bukas na agad ang alis ni Winter.

Napakabilis. Parang gusto ko nalang kalimutan ang plano ko at magmakaawa nalang ako kay Winter na wag akong iwan dito. Kaso alam kong hindi na pwede.

"How's vacation?" Tanong ni ate na pumasok agad sa kwarto ko. Nakatulog na siguro si Hea.

"Masaya ate.." Bumangon ako at naupo sa kama. Si ate naman ay nakaupo sa gilid at nakatitig lang sa akin. "Ate?"

"Oh?"

"If ever na balikan ka ni Heather, tatanggapin mo pa ba sya?" Bigla kong tanong. Nagulat naman sya pero napalitan iyon ng galit.

"Sky, si Heather ang pinaka duwag na taong nakilala ko. Inalay na nya ang buong buhay nya para sa business ng pamilya nya. So my answer is no."

"Do you still love her?" Tanong ko pa. May dumaan na emosyon sa mga mata nya. And again, napalitan agad iyon ng galit.

"Why are you asking me?"

I took a deep breath. "Winter is leaving."

"Huh?"

"Ate.." Pilit kong pinipigilan ang umiyak. "Sa Japan na daw mag-aaral si Winter at aalis na sya bukas." Parang may malaking bara sa lalamunan ko habang sinasabi ko yun.

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now