Chapter 15

2.8K 155 8
                                    

Sky

"Ang akala ko ba two months ka sa America? One month ka pa lang eh." Tanong ko kay Ran habang kumakain kami dito sa loob ng classroom. Hays.. Pupuntahan ko sana si Winter kaso bigla naman dumating si Ran. Oh my God! Ano bang nangyayari sakin? Bakit parang hindi ako masaya na bumalik na si Ran?

"Naoperahan na naman si papa three weeks ago. Sayang naman yung mga araw na hindi ako papasok di ba."

"Ah ganon ba"

"Wow Sky! Ang ganda ng bracelet mo!" Tumayo ito at lumapit sakin para hawakan yung braso ko. Parang sinusuri ang suot kong bracelet. "Emeralds?!" Gulat na bulala nito.

"Ah y-yeah."

"Binili mo?"

"Well.."

"Sky!!"

Kung sa ibang pagkakataon ay maririndi ako sa matinis na sigaw ni Dana. Pero ngayon nagpapasalamat ako na dumating sya. Pinagtinginan sya ng mga estudyante dito sa loob. Siguro hindi pa sila sanay na nakikita si Dana. Kumuha ito ng bakanteng upuan at naupo sa tabi ko. Si Ran naman ay bumalik sa pwesto nito at nagtatakang tumingin kay Dana.

"Ran.. Si Miss Dana Ohara, yung director ng school natin." Nakangiting sabi ko. "Dana, bestfriend ko nga pala, si Randell."

"What? Ikaw yung mysterious director?" Gulat na naman itong si Ran. "Close kayo?"

"Yes." Si Dana ang sumagot. "Super close."

"Well.. Matagal nga pala akong nawala kaya talagang nagugulat ako."

Tumayo si Dana at lumapit sakin at may ibinulong. "Winter is waiting for you at the rooftop."

"Sige."

"Nice to meet you Randell. See yah!" Saka ito naglakad palabas ng room. 
"Ran saglit lang ha may inutos lang si Dana." Tumayo ako at niligpit yung pinagkainan namin.

"Oh sure. Sabay tayo umuwi okay? Marami kang dapat ikwento." Sabay na kaming lumabas ng room. Babalik na siguro sya sa classroom nila. Ako naman ay tinahak ang daan papunta sa rooftop.

Pagkarating ko dun ay binuksan ko agad ang pinto. At andun nga si Winter. Nakasandal sa railings. Himala yata at nakatali ang buhok nito. Pero seryoso lang itong nakatitig sakin. Naalala ko tuloy bigla yung mga nangyari sa kwarto ko kaninang madaling araw kaya nag init yung pisngi ko.

"Kumain ka na?" Tanong ko habang papalapit sa kanya. Tumango naman ito pero hindi nagsalita. Tumigil ako sa katapat nya at tiningala sya. "Problema mo at di ka nagsasalita dyan?"

Hindi pa rin sya sumagot bagkus ay umangat ang mga braso nito para yakapin ako. Nagtataka man ay iniyakap ko din ang mga braso ko sa waist nya. Nararamdaman ko ang init ng katawan nito at naamoy ko ang pabango nito.

"Sky.."

"Hmm?"

"Meron pa naman tayong ilang weeks bago matapos yung 100 days di ba?" Mahinang tanong nya habang nakayakap pa din sakin.

"Yes. Less than nine weeks?"

"So may karapatan pa akong ipagdamot ka sa iba di ba?" Ah kaya pala nag iinarte sya. Sinubukan kong kumawala sa yakap nya pero mas hinigpitan pa nya. "Answer me first."

"Yes." Sagot ko. Totoo naman eh. Kahit na nabuo yung deal namin para makabalik dito si Ran. A deal is a deal. Kahit na nandito na si Ran. At sa totoo lang hindi ko maintindihan yung sarili ko. Nagulat lang ba ako sa biglang pagdating ni Ran? Pakiramdam ko kasi may nagbago eh. Yung pakiramdam ko dati kay Ran parang nawala eh. Dahil ba sa matagal din kaming hindi nagkita? Kahit kay Winter. Simula nung nabuo yung deal namin may nag iba din saming dalawa. Nalilito ako. Hindi ko alam kung nasanay lang ba ako sa presensya ni Winter. At isa pa never kong naramdaman ang pagbilis ng  tibok ng puso ko kay Ran.

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now