Chapter 25

2.8K 146 20
                                    

Sky

Alam kong masakit ang magtapat ng pagibig sa taong hindi ka gusto. Pero mas masakit palang mag-confess sa isang taong alam mong mahal ka pero dinedma ka lang.

Ibinigay ko na nga lahat ng lakas ng loob ko para sabihing mahal ko sya pero ang sagot nya umuwi na kami? Masyado bang boring ang confession ko? Mukha ba akong nagbibiro?

Ah. Alam ko na. Masyado ko syang nasaktan sa mga nasabi at ginawa ko para maniwala sya sakin. At pano sya maniniwala sakin ngayong ipinagkakalat ni Ran na jowa nya ako?

Isa ko pang iniisip si ate. Naging matamlay na sya pagkagaling nya sa Japan. Wala naman syang nasasabi sakin pero alam ko na hindi naging maganda ang pag-uusap nila ni Heather.

Ano ba yan. Ang bata ko pa pero ang dami ko na agad problema. Tsaka bakit puro yata love life ang problema ngayon? Uso ba yan? Si author kaya may problema din? (Sky, wala akong problema sa love life. Sa pera meron HAHA.)

"Sky, okay ka lang?"

Natigil lang ako sa pag iisip nang dumating si Hana. May dala itong tray at ibinaba sa table. Ang bait talaga nitong si Hana, hindi naman ako nag nag order eh.

"Feeling ko hindi." Sya na din naman yung sumagot sa tanong nya. "Pag isa sa inyo ang tumatambay dito at nakatulala lang, ibig sabihin nun may problema kayo sa love life."

"Grabe naman. Pag ba tumambay ako dito may problema agad sa love life?"

"Yes! Tambayan ng mga sawi sa pagibig ang Sweet You." Naiiling nabsabi nito. "Gayahin mo si Dana, ayun nakamove on na kay Heaven."

Sumubo muna ako ng cake bago magsalita. "Ows?"

"Last time nandito sya may bitbit na babae."

"Baka naman yung pinsan nya." Hindi ko naman maimagine si Dana na may bitbit na babae.

"Hoy hindi. Matangkad at payat na babae yung kasama nya. Medyo maputla nga parang si Nico lang." Gusto kong matawa sa itsura ni Hana ngayon, parang sya yung tsismosa mong kapitbahay na nanlalaki ang mata habang sinasabi ang kwento nya. "At eto pa, kinausap pa nya ako at sinabing wag ko daw ibubuking dun sa girl na mayaman sya."

"Eh? Anong kalokohan yan?" Ano na naman kaya trip nun sa buhay?

"Ay ayan na sila!" Grabe para talaga syang tsismosa.

Pero nakitingin na din naman ako lalo na nung bumukas ang pinto at pumasok si Dana. May kasamang matangkad at payat na babae na pamilyar ang itsura. Medyo maputla nga ito at nakatali ang mahabang buhok. Chinita at wait.. Sya yung babaeng kasama ni Winter sa picture na sinend ni Dana!

"Shiny!" Tili agad ni Dana nang makalapit sa table namin.

"Dana, bakit ka sumisigaw?" Saway ng kasama nitong babae.

"Okay lang. Sanay na kami sa ingay nyan." Sabi ni Hana.

"Sky, my friend." Lumapit naman sakin si Dana na iba ang pagkakangiti. "Siya nga pala yung nagligtas sakin, si Charlotte." Turo nito sa babaeng nakatayo sa harap ko.

"Oh." Sya pala yun. Tumayo naman ako at inilahad ang kamay. "Hello, Sky nga pala."

Tinanggap naman nya iyon at ngumiti. Halos mawala na nga ang mata sa pagkakangiti. "Hi, ako si Charlotte."

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now