Chapter 16

2.9K 163 16
                                    

Sky

"Di ko talaga magets kung bakit kelangan na ayusan mo ko Hana." Sabi ko kay Hana na busy sa pag aayos ng buhok ko. Andito kami ngayon sa kwarto ko. Si ate nakadapa sa kama ko habang pinapanood kami.

"Para lalo kang gumanda." Tipid na sagot nito. "Yan it's done!"

Nakangiting pinagmasdan ko yung sarili ko sa salamin. It's all thanks to Hana. "Thank you Hana."

"You're welcome!"

Si ate naman tumayo nung makarinig kami ng nagdoorbell. Pagbalik nito ay kasama na nito si Winter. Nakakapanibago kasi straight ang buhok nya. "Ready?" Inilahad nito ang kamay.

Tumayo ako at tinanggap yun. "Yes."

Habang nasa sasakyan kami ay hindi ako mapalagay. Napapansin yata ni Winter ang kaba ko kaya hinawakan nito yung kamay ko na medyo nanginginig. "Wag kang kabahan. Kahit anong mangyari, kasama mo ako Sky."

"Thank you Winter." Kahit papano ay nabawasan ang kaba ko. Parang ganito yung nangyari nung performance ko. Nawawala yung kaba ko kapag kasama ko si Winter. Mga thirty minutes yata kaming nagbyahe hanggang sa makarating kami sa malaki at malawak na mansyon. Mula dito sa loob ng sasakyan ay nakita ko si Miss Heather na nakangiting nakatayo sa may pinto ng bahay. At ng makababa ako ay lumapit sya sakin para halikan ako sa pisngi.

"Hi. Good evening." Bati nya. Kung ganon ay nakabalik na pala agad si Miss Heather. "You're so pretty Sky!"

Namula naman ako sa papuri niya. Mas maganda nga sya eh. "T-thank you Miss Heather."

"You can just call me Heather, you know. Tropa lang ganon."

"S-sige. Heather."

"Ayan good girl." Tumingin ito kay Winter na nasa tabi ko. "They're waiting for us na sa living room.  Let's go." Nauna itong maglakad papasok sa loob..

Si Winter naman ay hinawakan ako sa kamay habang naglalakad kami papasok. Pagpasok namin ay nakakamangha ang loob ng kabahayan. Para kasing mga mamahalin lahat. Sinalubong kami ng isang matangkad na lalaki na sa tingin ko ay nasa mid fifties ang edad. Pero makisig pa din at kitang kita ang pagiging magandang lalaki nito. "Winter.."

"Hi, dad." Humalik si Winter sa pisngi nito at niyakap ang lalaki. Napatingin naman sakin yung daddy nya.

"And who's this gorgeous lady with you Winter?" Nakangiting tanong nito kay Winter pero sa akin nakatingin.

"Dad, this is Rainbow Sky Montero, my girlfriend." Proud na pagkakasabi nito. "And Sky, he's my father."

Kinabahan naman ako sa tingin ng daddy nya. Pero nawala yun ng ngumiti ito at lumapit sakin para yakapin ako. "Nice to meet you. You have a very cute name."

"T-thank you S-sir."

"Girlfriend?"

Napaangat ang tingin ko sa tinig na yun. At mula dito ay makikita mo ang isang babae, na siguro ay nasa early forties ang edad na bumababa ng hagdan. Seryoso ang mukha nito at parang hindi marunong ngumiti.

"Hi, mommy." Bati ni Winter pero nanatili ito sa tabi ko.

"This girl is your girlfriend?" Tanong nito ng makalapit sa asawa. "Since when?"

"Mom-"

"I'm hungry. Can we discuss it over dinner?" Biglang nagsalita si Miss-ah si Heather. "Come on, mom cooked our foods. You should try it Sky."

"Okay girls." Nakangiti pa din na inalalayan nung daddy nya yung mommy nya papunta sa dining room.

Naiwan kaming tatlo dito sa living room. "Thank you ate."

TRIANGLE (GxG)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant