Chapter 9

3.2K 172 1
                                    

Sky

Alas kwatro na ng hapon nung magsimula kaming lumabas ng bahay. Seven minutes ay narito na kami ni Winter sa edge ng matarik na cliff. Nakikita ko ang maliit na waterfalls na bumabagsak patungo sa dagat sa ibaba. At di ko alam kung dagat nga ba o ilog dahil ang binabagsakan ng talon ay isang pabilog na lawa na may munting daan patungo sa karagatan.

"Oh you're breathtaking!" Wala sa loob na nasabi ko.

"Are you referring to me or to this place?"

Lumingon ako. Si Winter. Compare kanina pagdating namin ay kalmado na ang itsura. Mukhang masarap sa pakiramdam na nailabas nya lahat ng sama ng loob nya. And of course nagpapasalamat ako sa pagdala nya sakin dito.

"Breathtakingly beautiful but scary." Lumingon ako ulit sa ibaba. Sinipat ko ulit yung ibaba ng cliff. At lumingo ulit kay Winter. "This is paradise, Winter."

"Nung isinama ako dito ng ama ko ay nakaramdam agad ako ng acceptance. Na parang sinasabi ng lugar na ito na ito ay akin. Na ito yung tirahan ko. And I'm glad you like my home, Sky." May warmth sa tinig niya. "Kahit pa sabihing malayo ito sa syudad. At alam m ba na ito ang pinakamataas na bahagi ng isla?"

"I guess so and I couldn't blame you for loving this place." I said breathlessly. Inilibot ko ang pangingin ko sa kanang bahagi ng villa kung saan matatanaw ang malawak na kaparangan. Ang mga damo ay parang green carpet na inilatag sa lupa. Natatanaw ko ang mga baka at mga ranchero ay nasa paligid. "This is one of God's masterpieces!" Ibinalik ko ulit yung tingin ko sa dagat. Itinukod ko pa yung mga braso ko sa bato.

"Be careful!"

"Don't worry wala akong takot sa heights." Niyuko ko ang kailaliman ng cliff. Sa ibaba ay bumabagsak ang talon sa malalaking bato. Itinaas ko ang paningin sa malawak at asul na karagatan. "Pacific Ocean?" She nodded at lumapit sakin. "This is heaven, Winter." I said in sincere tone.

"This is so high you could think you have reached heaven and God." Inilibot ni Winter ang paningin sa buong lugar. "Ang buong rancho ay may mga munting burol at mga bundok subalit sagana sa sariwang damo àng mga baka." She smiled. "Alam mo ba na may mga panahong makakakita ka ng sea lions sa dagat na yan?"

"Shocks! Wala pa akong nakikitang ganyan!"

"I'm serious." Naupo sya sa bato. "We have here the valleys and the hills na puno ng wildlife."

"Your home is paradise, Winter. At masaya ako na dinala mo ko dito."

"No. Salamat kasi tinanggap mo pa din ako sa kabila ng flaws ng pagkatao ko. Thank you." Seryoso pero sincere na sabi niya. Para syang isang diwata na nakaupo sa malaking bato. Ang kulay brown at wavy na buhok ay hinahangin. Kung makikita lang ito ng mga fans nya sa school ay siguradong magkakagulo. Katulad nya ang lugar na ito. Winter Saavedra is breathtakingly beautiful!

---

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tulog pa siguro si Winter at tahimik pa ang buong villa. Pagbaba ko ay nakasalubong ko ang isa sa mga kasambahay niya.

"Magandang umaga po." Magalang na bati nito. "Gusto nyo po bang ipagtimpla ko kayo ng kape?" Napatingin naman ito sa dala kong towel.

"Hindi na po. Saan po dito ang daan papunta sa beach?" Tanong ko.

"Baybayin nyo po ang daan sa likod ng bahay pakanan. Pababa po ay may makikita kayong hagdanang lupa patungo dun."

"Salamat po." Paglabas ko ng bahay ay sinalubong ako ng malamig na simoy ng pang umagang hangin. Wala pa kasing alasais. Kaya tumakbo ako para hindi ako makaramdam ng lamig. After ilang minutes ay natanaw ko na yung hagdanang lupa na sinab sakin ni ate. Kaya maingat na bumaba ako sa marahil ay sampung baitang. At nung makarating ako sa may buhanginan ay basa na ng pawis ang tshirt ko at cotton shorts. Kaya mabilis ko ng hinubad ang mga damit ko. Nakasuot na kasi sakin yung swimsuit ko. Inilapag ko yun sa buhangin kasama na ang towel at tumakbo papunta sa dagat. At hindi ko na naman maiwasan na humanga sa linaw ng tubig. My gosh napaka lamig ng tubig! Pero masarap grabe. May katagalan akong sumisid at naglangoy. Pag ahon ko ay nakita ko si Winter na nakaupo sa tabi ng mga damit ko. Mabilis akong umahon at naglakad patungo sa kanya habang patuloy ang pagkabog ng dibdib..

Hind ko maintindihan pero kapag ganitong tinititigan niya ako ay automatic na bibilis ang tibok ng puso ko. Hays.

"Hi." Bati ko. Nakasuot lang sya ng jogging pants. "Kanina ka pa?"

"Yeah." Tumayo sya hawak yung towel ko at ibinalot sa katawan ko. "Baka magkasakit ka Sky. Napaka aga pa at ang lamig."

"Nah. It's okay! I really love this place!"

Natawa lang sya sa sinabi ko. "Balik na tayo. O baka naman nakakalimutan mong babalik na tayo ng Manila?"

Shocks! Oo nga pala! Bakit nawala sa isip ko! Hala bakit feeling ko nabitin ako! Hindi ko pa nga nalibot ang buong villa!

"So nakalimutan mo?"

"O-of course not.."

"Pwede naman tayong bumalik dito kapag long weekends."

"Okay." Inayos ko yung pagkakablot ng towel sakin at sabay na kaming bumalik sa villa. Next time na bumalik ako dito, sisiguraduhin k na malilibot ko ito!

---

"Welcome back lovers!"

Malakas at matinis na boses ni Dana ang sumalubong samin pagpasok palang namin ng bahay. Inabot na kami ng gabi. May pasok pa naman bukas.

"What are you doing here? Where's Heaven?"

"Oh andun sa kitchen nagluluto!"

Ngumiti lang ako sa kanya at nagtungo sa kitchen. Nakita ko naman si ate na busy magluto. "Ate."

Humarap naman sya at napangiti nung nakita ako. "Hey welcome back." Nagkiss sya sa cheeks ko. "Saglit lang at maluluto na to. Kamusta naman amg bakasyon?"

"Gosh ate! Ang ganda sa villa! Para akong nakapunta sa paraiso!" Masayang nagkwento ako about sa mga nakita ko. Like the cliff and the beach. Pati ang rancho.

"Really? Hmm next time sasama na ako." Sabi niya.

"Hey Heaven."

Napalingon kami pareho nung pumasok si Winter at Dana.

"Hey Winter."

"Uuwi na ako at isasama ko na si Ohara." Tinuro nito si Dana na halatang nagulat.

"Dito na kayo kumain." Sabi ko.

"Hoy Saavedra kung gusto mong umuwi ikaw nalang bat isasama mo pa ako!" Tutol naman ni Dana.

"Go Winter. Isama mo na yang batang yan! My gosh! Walang ginawa kundi ang mangulit!"

"Hey you should be thankful kasi sinamahan kita dito!"

"Hindi ko sinabing samahan ako! Go! Uwi!"

Sasagot pa sana si Dana pero hinila na sya ni Winter habang tinatakpan ng kamay ang bibig nito. "I'll see you tomorrow Sky!"

"Pagsabihan mo nga yung kaibigan mo Sky. That Dana girl." Parang stressed na stressed si ate. "Maaga akong tatanda."

"Mabait naman sya."

"Wala syang ginawa kundi mangulit. Tanong ng tanong kulang nalang eh magsagot ako sa slambook."

"Baka naman crush ka."

Tumawa naman ito ng malakas. "Mga kabataan nga naman." Umiling iling pa si ate bago nagpatuloy sa pagluluto.

Kinuha ko nalang yung phone ko.. Wala kasing signal dun sa villa eh. Hala may chat si Ran! Bukas na daw ooperahan yung papa niya. Oh and sabi niya na namimiss niya ako.. Nagreply naman ako ng Godbless and that I miss her too. One week na palang ganito ang set up namin ni Winter. Pero kahit ganon naman kahit papano eh hindi ako naiinip. Nag eenjoy pa nga ako eh. Hays. Maraming araw pa ang bibilangin ko....

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now