Chapter 36

2K 117 17
                                    

Sky

"Sky! Sky!"

I stopped walking when I heard my bestfriend Ran, shouting my name. Patakbo itong lumapit sakin. Hinihingal pa nga.

"Oh? Hingal na hingal?"

"Sky! Did you hear the news?!" Nanlalaki oa ang mga mata na tanong nya.

"News?"

"Winter Saavedra is gone! Nagtransfer na daw sa Japan!"

Yeah right. Kaaalis lang ni Winter nung isang araw. And I really missed her a lot. Damn. Parang gusto ko nalang sumunod sa Japan ngayon.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nya. "Hindi mo ba sya susundan sa Japan?" Tanong pa nya.

"Soon, Ran." Sagot ko nalang. "Marami pa akong dapat ayusin bago ko gawin yan."

"Just tell me if you need anything."

"Thank you, Ran." Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit nasaktan ko sya, hindi sya nagtanim ng galit sakin. Hindi nagbago ang pakikitungo nya. Sya pa rin si Randell na bestfriend ko. 

Lumipas ang buong maghapon na pakiramdam ko wala akong natutunan. Kumusta na kaya si Winter? I really missed her right now. Wala sa sarili na naglalakad ako palabas ng gate. Pero kapansin pansin ang tila pagkukumpulan ng ilang mga students sa may gate. May mga kumukuha pa ng pictures. Kinikilig pa ang iba.

Nasagot ang tanong ko nang makita ko kung sino ang pinagkakaguluhan nila. Matangkad at sexy. Ubod ng ganda na akala mo isang dyosa na bumaba sa kalangitan. Kulay black na buhok na hanggang balikat. Sino pa ba? Walang iba kundi si Heather Saavedra. Nakasandal ito sa nagyayabang na kotse nito. Red metallic 2020 BMW 230i Coupé. Such luxury huh. 

She waved her hand at me and smiled a little. Kaya naman kahit pinagtitinginan na kami ng mga students ay lumapit pa rin ako sa kanya.

"Hello, Sky. It's been a while." Humalik pa sya sa pisngi ko kaya talagang maririnig mo ang OA na pagsinghap ng mga students dito sa paligid. 

"Ahm.. H-Hi.." Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. Pinagbukas naman nya ako pinto. Kaya kahit nag aalangan ay sumakay na rin ako. Pagkatapos ay umikot ito at sumakay na rin. Inistart ang magarang sasakyan at pinaandar. "Ah.. San pala tayo pupunta?" Tanong ko.

"Resto?" Patanong na sagot nya. "Ang sabi ni Winter ay gusto mo daw akong makausap. May problema ba?"

"Can you help me talk to your mom?" Deretsong tanong ko sa kanya. Halatang nagulat ito. 

"Let's talk about that later. Let's eat first." 

Ilang minuto pa ang itinagal namin sa byahe bago kami makarating sa isang Filipino Restaurant. Nag order na agad sya ng mga pagkain. Sa tagal nya na nanirahan sa Japan, siguradong namiss nya ang mga pagkaing pinoy.

"I'm really sorry, Sky." Panimula nya matapos mag order. "Para lang sakin, you and Winter had to sacrifice."

"Okay lang naman. Ginagawa ko rin ito para sa kapatid ko." Ang sabi ko naman. "Sana naman hindi mo na sya saktan ulit."

"I will do my best." Heto na naman ang nakaka akit na ngiti ni Heather. Sandaling tumahimik ito nang dumating ang mga pagkain. We started eating in silence. "So, what's your plan?" Tanong nya habang umiinom.

"G-gusto ko lang makausap ang mother nyo. I want to personally asked for her approval."

"Approval?"

"Gusto kong pakasalan si Winter." 

Ang akala ko ay magugulat sya. O kaya magseseryoso. Pero ako pa yata ang nagulat nang tumawa ito. May nakakatawa ba sa sinabi ko? 

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now