Chapter 4

3.8K 217 12
                                    

Sky


Ang ingay. Hindi pa nagsisimula ang klase pero heto ang mga classmates ko nagtsitsismisan na. Wala naman akong pakialam sa kanila. Wala nga akong kaclose sa kanila eh. Bored lang ako na nakatingin sa unahan. Pero biglang natahimik ang lahat, pati ako ay nabaling ang atensyon sa taong pumasok ng room namin. Winter Saavedra entered the room with her usual serious expression. Nakasuot pa sya ng kulay red na jacket at nakatali ang mahaba at medyo wavy na buhok nito. 

At hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagwala, literal ang puso ko. Kasabay ng mabilis na pagtibok nito ay ang pag slow motion ng paligid habang naglalakad sya palapit sakin. 

Ang korni pero totoo. 

"Winter is so cool." Narinig kong sabi ng mga tsimosa kong classmate. 

Tumigil sya pagkarating sa tapat ko. "Mind your own business!" Pasigaw na utos nya sa mga taong nakatingin samin. Agad naman silang bumalik sa pakikipag tsismisan.

"What do you want?"

"Starbucks. Six pm." 

"Ha?"

"I'll wait for you." Yun lang ang sinabi nya bago muling lumabas ng room. Naiwan akong literal na nakanganga. Ano daw?!

---

"Sky!" 

Napalingon ako at automatic na napangiti ng makita ko si Ran na tumatakbo palapit sakin. Tapos na ang klase at nagtatalo pa din ang isip ko sa invitation ni Winter kanina. Mabuti nalang at nakita ko si Ran. 

"Hey.."

"Tara sa Sweet You! Namiss ko kumain ng coffee jelly!" Kumapit pa sya sa braso ko. "Makalibre man lang kay ate Heaven dun." She giggled.

"Tara! Sabi pa naman ni Hana may discount ako pag bumili ako dun!" Sabay na kaming lumabas ng school. Kung masipag ka kasing maglakad kaya mong lakarin ang mula sa bahay namin hanggang sa school ng thirty minutes. Pero dahil kasama ko naman si Ran, kahit siguro isang oras kami maglakad ok lang. Hanggang sa makarating kami sa Sweet You ay nakakapit sya sa braso ko. Clingy much ha. Dahil gabi na at labasan ng mga estudyante eh medyo marami ang mga customers. May mga nakapila din sa counters kaya hindi kami napansin ni ate. Mabuti nalang at may pwesto pa kaya naupo na kami. 

"Stay here. Ako na oorder." Sinundan ko lang sya ng tingin habang nakapila. Nung sya na yung nasa counter ay parang nag usap pa sila ni ate, kaya siguro napatingin dito si ate Heaven. Nagpacute naman ako na ngumiti sa kanya. Pagbalik ni Ran ay may dala na itong dalawang coffee jelly, chocolate mousse at iced tea. Take note, free refill ang iced tea nila dito! 

"Wow naman Ran. Mapera ka ngayon!" Natatakam na tinikman ko agad yung coffee jelly.

"Gaga. Syempre bawas sa allowance ko yan." Nagsimula na din syang kumain. "Ang sarap talaga dito."

"Syempre kasama mo ko eh." 

"Right. Cute mo kasi." Tumawa sya at pinisil ako sa pisngi na ikinapula nito.

"Excuse me, maganda ako. Hindi cute."

-----

8:30 na ng makaalis kami ni Ran sa Sweet You. Hihintayin ko pa sana si ate kaso overtime daw sya kasi maraming tao. Hay nabusog ako talaga. Malapit na ako sa bahay ng matanaw ko si Winter na nakasandal sa gate. Nakauniform pa din ito. Yung jacket naman nya ay nakatali na sa waist nya. Nakalugay na din ang buhok niya. Naalala ko tuloy yung sinabi niya kanina. Kinabahan ako lalo ng tumingin sya sakin. Ito yung tingin na binibigay nya sa mga students na binibwisit sya. 


"Winter?" 

"Bakit di ka pumunta?"

"What?" 

"Naghintay ako." Seryosong aabi niya. "Two hours akong naghintay."

"S-sorry.." Napayuko ako. "Kumain kasi kami ni Ran sa-" Napasinghap ako ng bigla nya aking isandal sa gate namin. "Winter ano ba!"Nakawak sya ng mahigpit sa mga balikat ko. 

"First ever date sana natin tapos rejected ako?" 

Ano daw? Date?! 

"And only because of that Ran girl?!" Maarteng bulong nya. "What the hell.."

"Lumayo layo ka nga Winter at naiinitan ako!" 

"Oh. Okay." Sumunod naman sya. Lumayo sya at inayos din yung uniform ko. "Ipagtimpla mo ako ng kape."

Ano pa nga ba! Binuksan ko na yung gate at sumunod sya nung pumasok ako. Hanggang sa makapasok kami ng bahay. Nakasunod sya hanggang sa kusina. Naupo din sya at naghintay na ipagtimpla ko sya. 

"Sky." 

Napalingon ako sa kanya. "Bakit?"

"Please go out with me." Seryosong pahayag nya. 

At heto na naman ang abnormal na tibok ng puso ko. Tumalikod ako sa kanya at humawak sa dibdib ko. My gosh. Wala naman kaming lahi ng mga may sakit sa puso pero bakit parang aatakihin ako? Lalo pang bumilis yun ng maramdaman kong yumakap si Winter mula sa likod ko. May palagay akong nararamdaman nya din yun. 

"Y-yung kape." Palusot ko. Patawarin sana ako ng kape pero ano bang nangyayari?! Mamamatay ako! Hindi pa sya nakampante at kumagat pa sya sa tenga ko. Muntik na akong matumba dahil sa biglang panghihina ng tuhod ko. Leche! Mabuti nalang at nakayakap sya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mahiya. Hindi pa ako nakakabawi ng bigla nya akong iharap at halikan. HALIKAN! 

Our lips are not moving. Pero lalong nanlaki ang mga mata ko ng magsimula syang gumalaw. Sa umpisa ay mapusok, mapanakop.  But the kiss suddenly turned tender and slow as if she was kissing a gem. as if she had all the time inbthe world in her hands.

"Ouch!" Bahagya syang lumayo sakin at hinawakan ang labi niya. "Bakit mo kinagat?" 

What? Kinagat ko? Hindi ko alam?! "I.." 

"Sky.." 

"W-what.." 

"I'll make you fall in love with me." She said with so much confidence. "That everytime we kiss, you'll feel a llittle death.‎‎‎" 

Ha? Ano daw? Hindi ko namalayan na nawala na sya sa paningin ko.Napahawak ako sa mga labi ko. Kiss. Ang first kiss ko.. si Winter?!

----

Medyo maantok. Pero.. hays, kaysarap ng kape..

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now