Chapter 32

1.8K 106 6
                                    

Sky

Madaling araw na nang makarating kami sa villa ni Winter. Gamit namin ang yacht ni Dana. Ang totoo nyan, kasama namin silang dalawa ni Charlotte. Ang nakakatuwa lang, kahit madaling araw na ay buhay na buhay ang buong isla. 

Mas maganda pala kapag yate ang ginamit papunta dito, kasi maa-appreciate mo ang ganda ng paligid. Yun nga lang, madilim hehe. 

"Ganito ba talaga kaaga magising ang mga tao dito, Winter?" Tanong ko sa kanya nang makapasok kami sa dating kwarto ko dito.

"Ganito talaga sa probinsya." Sagot nito. Dala nya ang mga bag namin. 

"You can sleep here." Sabi ko sa kanya. Napatigil naman ito sa ginagawang pag aayos ng mga gamit at tumingin sakin. 

"Why?" 

Tinaasan ko lang sya ng kilay. Why talaga? Mula sa pagkakaupo ko sa kama ay lumapit ako sa kanya at yumakap sa kanya. "Sige na kasi!" Pag iinarte ko. Pero ang bwisit na Winter, nakatingin lang!

"Wala ka namang pinaplanong kakaiba ano?" May pagdududa nyang tanong. Pero iniyakap na rin ang mga braso sa waist ko. 

"Eh bakit mo tinatanong tapos yayakap ka rin pala." 

"Para lang makapag ready ako." 

"Baliw!" Natatawang kumalas ako at kiniss sya sa isang pisngi. Bumalik na rin ako sa pagkakaupo ng kama. "Matutulog lang kasi tayo Winter."

"Sure ka ba?" Panunukso pa nya.

"Oo nga!" Kainis naman tong babaeng to. "Eh kasi anong oras na oh?" Itinaas ko yung kaliwang kamay na may suot na relo. Feeling ko kasi makikita nya ang oras haha. "Alas tres na kaya. Tapos dapat maaga tayong gigising."

"Eh kelan tayo mag aano?"

"Anong mag-aano?" May pagkalitong tanong ko. Pero nang marealize ang tinutukoy nya ay binato ko sya ng unan. "Bastos!"

"Wow ha!" Lumapit sya at ibinalik sa dating pwesto yung unan. "Ikaw nga inakit mo ko nun sa yate!"

"Duh.."

Naupo sya sa tabi ko at masuyong hinaplos ang pisngi ko habang titig na titig sakin. Gosh, Winter, why are you staring at me like that? You're making mee feel like I am the most beautiful woman in the whole world. 

"Thank you.." 

"For what?"

"For giving me a wonderful chance again."

"It's because I love you too much, Winter." Buong pusong pahayag ko. "Ikaw lang ang kailangan ko Winter." Hindi sya sumagot. 

"Patay na patay ka sakin."

"Excuse me?!" Pabirong kinurot ko sya sa tagiliran. "Hmp! Makapaglinis na nga at matutulog na ako!" Tumayo na ako at kumuha ng damit sa closet na inayos nya kanina. Bago ako pumasok sa banyo ay nilingon ko ulit sya. Nakatingin lang naman si Winter sakin habang nakangiti. 

Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magbihis ay lumabas na agad ako. Paglabas ko ay nakita ko si Winter na nakahiga sa kama. Lumapit ako at sinundot sya sa tagiliran. "Eh. Tulog ka agad. Di ka pa nakapaglinis." Pahiga akong tumabi sa kanya. Paharap sa kanya. 

I gently traced her beautiful face using my finger. Ang ganda nya kahit natutulog sya. Napaka peaceful ng itsura nya. Malayong malayo sa dating Winter na kilala ko. Yung Winter na mapang-asar at laging seryoso. Yung Winter na hindi marunong ngumiti. 

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now