Chapter 22

2.6K 146 57
                                    

Sky

"You're crazy!"

Malakas na sigaw sakin ni ate Heaven. Nasa loob kami ng opisina ng shop. Si baby Hea, nasa labas kasama si Hana and Nico. Si Ran naman, napilit ko na bumalik sa school. 

"Wag mo naman akong sigawan.."

"Sisigawan kita para magising ka dyan sa kabaliwan mo!" Namumula na yung mukha nya sa galit. "Sky naman, ano bang trip mo sa buhay? Naintindihan kita nung nakipag-break ka kay Winter. Pero bakit naman bigla kang umamin kay Ran?"

"Ate naman. Hindi ko nga gusto si Ran." Sumasakit na talaga yung ulo ko. Magkakasakit na talaga ako. "Hindi ko alam kung bakit ganon yung nasabi ko. Kakausapin ko nalang sya bukas."

"Bakit di pa ngayon?"

"Magulo yung isip ko ngayon."

"Ayusin mo yan Sky." Paalala nya. "Kaibigan ko si Winter, kapatid kita. Wala akong kakampihan sa inyo." Umupo sya sa tabi ko at inayos yung buhok ko. "Kahit di mo sabihin, alam kong nasasaktan ka. Gawin mo yung tama."

"Oo naman. Thank you, ate."

---

"Sky!" 

Gabi palang tinext ko na si Ran na hintayin ako sa may gate ng school. Kaya naman pagpasok ko ngayon, nakita ko agad sya na kumakaway sakin. 

"Good morning!" Nakangiting bati niya. 

"Usap tayo, Ran." Sabi ko habang naglalakad kami. "Yung nangyari kahapon-"

"Shiny!!!"

Isang malakas at nakakabinging boses ang narinig ko. Naming mga estudyante. Kilalang kilala ko yung boses na yun. Isang tao lang yung kilala ko na sumisigaw ng ganon. 

"D-Dana?!" 

"The one and only!" 

Totoo ba yung nakikita ko?! Si Dana ba talaga itong kaharap ko? Maliit, cute, kakaibang uniform at hairstyle. Walang duda, si Dana!

"Oh my gosh!" 

"Miss Ohara?!" 

Maririnig mo talaga yung mga bulungan ng mga tao dito. Sino ba ang hindi magugulat? Ilang weeks ba syang nawala? Ang akala namin.. Sobrang saya ko na makita sya ulit. Kahit papano nabawasan mga iniisip ko. Kelan pa ba sya nakabalik? 

"Sky, ang ganda mo pa din." Nakangiting sabi niya. "Cute pa din ba ako?"

"S-syempre!" Mabilis na lumapit ako sa kanya at niyakap sya. "Ikaw yung pinaka cute sa lahat!"

"Syempre naman! Ako pa ba?! Sky, chika tayo later sa office ko ah?" Sabi niya nung kumalas ako sa pagkakayakap. "Punta kayo sa auditorium, may announcement ako."

"Sige?"

Pagka-alis niya tsaka ko lang naalala si Ran. Oo nga pala, may sasabihin nga pala ako sa kanya. Pero dun muna kami sa auditorium. 

"Tara na Sky?"

"Sige."

---

"Bakit kaya nagresign si Miss Ohara?" Tanong ni Ran paglabas namin sa auditorium. 

Yun din pinagtataka ko eh. Ilang linggo syang nawala tapos pagbalik nya bigla syang nagresign? Ibig sabihin, si Sean na talaga yung bahala sa St. Michael? Wala din naman si Winter kanina. Hindi yata pumasok. 

"Ano pala yung pag-uusapan natin?" 

Ah. Oo nga noh. Teka pano ko ba sisimulan? Sasabihin ko ba na mali yung nasabi ko? Na hindi ko talaga sya gusto? 

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now