Chapter 7

3.6K 203 13
                                    

Sky

"Buti nga sayo." Ang nasabi ko pagkakita ko kay Winter mula dito sa kwarto ko. Abala kasi sya sa pagdidilig ng mga halaman ni ate Heaven. Tapos na din siguro sya magdamo at maggupit ng mga tuyong dahon. Dapat lang sa kanya yan. Pagkahatid kasi nya kahapon sakin eh sinabi agad nya kay ate yung tungkol samin. Kaya ayun nasabon sya ng bongga at inutusan pa sya ni ate na dapat si Winter ang gagawa ng mga dapat gawin ni ate today. Off kasi niya.

Bumaba ako ng kwarto at nagtungo sa kusina, kumuha juice at lumabas. Naabutan ko pa dun si ate na nagtatype sa laptop nya. Tirik na tirik ang araw at hayun si Winter may dalang paso na may bulaklak.

"Hmm!" Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko. "Sarap talaga uminom ng juice lalo na kung ganito kainit!" Lihim akong napangiti nung tumigil sya sa ginagawa. "Oh.hello Winter!" I fake a smile. "Sipag mo naman. Sige lang ituloy mo lang yan!" Natatawang sabi ko. Ibinaba nito yung hawak na paso at dahan dahan syang naglakad papunta dito. Nakatali ng maayos ang buhok nya na nagkukulay light brown dahil sa sikat ng araw. Kapansin pansin ang dumi sa suot nitong tshirt. Pati ang mga braso at mukha nya ay mayron dumi. Tumigil sya sa harap ko habang ang mga mata ay hinagod ng tingin ang kabuuan ko.

"Painom ako." Mahinang sabi niya.

"Oh? Here." Inabot k naman sa kanya yung baso na may juice. Nakakaawa eh.

"My hands are dirty. Girlfriend kita. Ikaw ang-"

"Subukan mong ituloy ang sasabihin mo Winter at talagang paliliguan kita ng Tang Orange!"

"Burn." Narinig kong bulong ni ate.

"Damn you Heaven Rain."

"Magpalit ka nga muna ng damit mo." Utos ni ate. Sumunod naman si Winter. Nang makapasok ito ay naupo ako sa tabi ni ate. Wala busy talaga. Nang magsawa siguro ay sinara nito yung laptop. Sakto na lumabas na si Winter.

Hindi pa nakakaupo si Winter eh may itim na kotse na ang tumigil sa sa tapat ng bahay. Bale nasa likod ito ng color blue na car ni Winter..

"Dana?"

At tama sya dahil mula sa loob ng kotse ay lumabas si Miss Ohara. Pumasok ito ng gate na may malawak na ngiti.

"Miss Ohara." Gulat man ay ngumiti ako.

"What are you doing here?" Tanong ni Winter.

"Naiinip ako, so hinanap ko yung house nina Sky, buti nalang nakita ko yung car mo." Sagot nito pagkatapos ay tumingin sakin. "Ok lang ba Sky?"

"Of course!"

"Hi Heaven good morning!"

"Anong ginagawa nyan dito?" Tumigil sya sa pagtatype at sinara yung pinaka mamahal nyang laptop.

"Ouch ang sweet mo talaga! Shocks kinikilig ako!" Hindi ko alam kung totoo yun kasi namumula yung cheeks ni Dana pero playful yung eyes nya.

"Winter, hindi ko alam na may kaibigan kang takas sa mental."

Hay.. Hindi na sila natapos. Kahapon kasi ay sinama namin si Dana sa Sweet You. Nagulat nalang kami nung nag oorder na sya, bigla silang nagtalo ni ate..
Tumayo na si ate Heaven at pumasok kaya sumunod na kaming pumasok. Nung umakyat na si ate narinig kong sumipol si Dana.

"Why?" Nagtatakang tanong ko.

"Oh nothing!"

"Winter." Napatingala kami. Si ate pababa ng hagdan. Tumigil sya sa tapat ni Winter na nasa tabi ko. "Punta ka sa supermarket, mamili ka and then ikaw magluto. Sky samahan mo sya.".

"Bakit ako?"

"So sino? Ako? Alam mo naman na hindi ako lumalabas ng bahay pag off ko."

"Hey what about me?" Napatingin kami kay Dana na nakataas pa ang kamay.

"Anong what about me sinasabi mo?" Pagsusungit ni ate. "Hindi ka kasali. Umuwi ka sa inyo.

"Ang sungit!"

Pero umakyat na ulit si ate. "Dana sama ka nalang samin."

"Nah. Kanina pa ko nasa byahe. Dito nalang ako hintayin ko kayo."

"Let's go."

Sumunod ako kay Winter na nauna ng lumabas. Pinagbukas nya ako ng pinto ng kotse nya at pagtapos ay sya naman. Iniisip ko pa din kung pano sya nagkaron ng sariling bahay at kotse. Wala akong alam sa family nya. Hindi ko pa nga nakita ang parents nya. Kahit yung kapatid nya never ko pa nakita.

"Winter?"

"Oh?" Tumingin sya sakin habang nagdadrive..

"Sayo talagang car to?"

"Of course. Hindi ako carnapper."

Bwisit to ah. Nagtanong lang ako eh. Ilang sandali pa at nagpark kami sa pinaka malapit na supermarket. Nauna ako lumabas ng kotse nya. "Ano daw ba yung bibilhin?" Tanong ko habang nagmamadaling naglakad. "Wala akong alam sa pamimili-.oh." Literal na nanlaki ang mata ko nung bigla nya kong hinila sa palapit sa kanya. Ang ending tuloy hawak nya ako sa waist at yung isang kamay nya ay nakahawak sa pulsuhan ko.

"Easy lang." Bulong nya habang titig na titig sakin. Ito yung pamilyar na titig nya na nagpapabilis ng heartbeat ko. Yung mga titig nya na parang ako lang yung nakikita nya.
"Dun tayo sa meat section." Sabi nya saka ako binitiwan sa waist. Pero hawak nya ako sa kamay habang naglalakad kami.

"Anong gusto mong part Winter? Breast, leg, or thigh?" Tanong ko habamg tinitignan yung mga part ng chicken. Bigla naman itong tumingin sakin na nakangisi. "Bakit?"

"Tinatanong mo talaga?"

"Oo nga bakit ba?"

Hindi sya sumagot. Tinignan lang nya ako from head to toe. Pero pansimn kong nagtagal yung mga mata nya sa dibdib at bandang legs ko. Oh my gosh. Now I understand. Iba ang iniisip nya. "Manyak!" Inis na sinipa k sya sa tuhod.

"Ouch!"

"Bastos!" Iniwan ko nalang sya dun. Bibili nalang ako ng chocolates. Hay ako na naman ang lalamon nito. Hindi kasi kumakain ng sweets si Ate. Hanggang sa makapagbayad kami ay di ko pinapansin si Winter. At hanggang sa makasakay kami ng car..

"Sky? Pwede ba na dumaan lang tayo saglit sa friend ko? May kukunin lang ako."

Hindi ak sumagot. Bahala sya. Di ko sya papansinin! Tumigil yung car nya sa tapat ng isang flower shop. Mula dito ay nakikita ko yung loob ng flower shop. Isang maliit na babae ang sumalubong kay Winter. Yumakap ito at humalik kay Winter. Friend pala ha. Akala ko ba walang friend yan. Eh bakit parang close na close sila? Hmp wala akong pake!
Hanggang sa paglabas ay nagtatawanan pa sila. Eh di sila na ang masaya. Kaya ng makabalik si Winter sa loob ng sasakyan ay sinimangutan ko sya.

"Sorry natagalan." Sabi niya habang nagdadrive. Teka nga dumaan lang sya dun para makipagkita? Akala ko naman importante. Wala kaming imikan habang nasa byahe kaya nung tumigil na kami sa tapat ng bahay ay nakahinga ako ng maluwag.. Lalabas na sana ako pero tinawag nya ko. "Sky."
Paglingon ko ay isang pirasong white rose ang bumungad sakin. "I'm sorry kung feeling mo pervert ako. Please forgive me."

"W-what.."

"Dumaan ako kay Reo para sa rose na yan. I know white rose ang favorite flower mo. Accept it Sky." Pakiusap nito. Wow. Si Winter Saavedra.nakikiusap?!

"Hindi naman kelangan na magbigay ka pa ng flower. It's ok."

"But I want to give you anything Sky. Everything."

Shit ka Winter! Wala kang karapatan na pakiligin ako! Wala! Kinuha ko na yung flower nya. "Pero next time wag mo ko tinitipid. Bigyan mo ko ng isanf bouquet of white roses." Nauna na kong bumaba. Naiwan syang naka nganga. Leche ka Winter. Hindi ako pwedeng kiligin. Hindi kay Winter!

---
Sunod sunod na sana update ko kaso nahihirapan ako magtype. See you hahahaha lovelots!

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now