Chapter 20

2.7K 167 32
                                    

Pinag iisipan ko kung gagawan ko ng book 2 itong Triangle. Matagal pa ending nito pero gusto ko na sya gawan agad ng second part. Just let me know guys if you want a book two, okay?
Enjoy!!!

Sky

"Hi Tita, good morning." Nakangiting bati ko pagkatapos halikan sa pisngi si Tita Rachel, ang mama ni Ran. 

"I'm glad you came, Sky. You're pretty as always." 

"Thank you po." 

"Halika, nasa loob ang tito Randolph mo, kanina ka pa hinihintay."

Ngumiti lang ako at sumunod na din papasok ng bahay kasabay si Ran. Sinundo nya kasi ako kanina sa bahay para dito maglunch. Nakakahiya namang tumanggi. Kahit na medyo akward samin ni Ran, syempre maganda naman kasi ang pakikitungo sakin ng parents niya. 

"Good morning Tito."

"Hello Sky, good morning." Nakangiting bati ni Tito Randolph. Medyo pumayat ito. "Halina kayo."

Pagdating sa dining room ay nakahanda na ang masasarap na pagkain na alam kong si Tita Rachel ang nagluto. Magkatabi kami ni Ran sa upuan. 

"Mabuti naman at pumunta ka Sky. Ang sabi kasi ni Ran eh hindi ka pa daw sigurado." Sabi ni Tito.

"Medyo busy po kasi tito."

"May boyfriend ka na ba Sky?" Tanong naman ni Tita.

"W-wala po." 

"Itong si Randell nga haggang ngayon wala pang boyfriend." Natatawang sabi ni tito. "Iba yata ang tipo."

"Papa naman.." 

"Baka naman si Sky yung type mo anak?" 

Awkward. Lalo at natahimik lang si Ran. Bakit di ka sumagot? Pasimpleng sinipa ko sa binti si Ran kaya napatingin sya sakin. 

"Bakit kayo nagtititigan dyan?"

"Eh kasi po.."

"Ran.. Di ba favorite mo ang pork? Eto oh!" Walang sabi sabi na isinubo ko kay Ran yung malaking piraso ng karne sa bunganga nya. "Sarap yan." At dahil sa malaki yung karne, wala syang nagawa kundi nguyain at lunukin yun. "Ang sarap po ng luto nyo tita."

"Salamat. Next time ipagluluto kita ulit."

"Thank you po."

Matapos ang lunch ay tumambay muna kami sa garden nila. "Thank you sa pagpunta mo dito Sky."

"Nakakahiya naman sa parents mo kung tatanggi ako. Tsaka gusto ko din ibalik yung mga ginagawa natin dati." 

"Tama yan. Masaya naman tayo nung tayo palang eh di ba?" Seryosong sabi ni Ran. "Ang nabago lang ay yung feelings natin sa isa't isa.."

Kung sana ay sinabi mo agad yan Ran. Eh di sana hindi tayo nahihirapan pareho. 

"Siguro?"

Saglit natahimik sya kaya napatingin ako sa kanya. Titig na titig sya sakin. "Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko agad sinabi sayo, siguro natatakot ako na masira kung ano ang meron tayo nun."

"Ako din naman eh. Natakot lang tayo pareho.."

"But I am willing to take the risk this time." 

"Ha?"

"Hindi ako magsasawa na iparamdam sayo kung gano kita kamahal. It's a promise.."

---

Kasalukuyan akong naglalakad papasok ng subdivision ng may marinig akong busina ng sasakyan. Nasa tabi naman ako ah. Tumigil ako saglit at hinintay na makalampas yung bumubusina. Pero tumigil lang ito sa tapat ko. Bumukas ang bintana at sumilip mula sa loob si Sean Ohara. 

TRIANGLE (GxG)Where stories live. Discover now