DK彡Best Night Ever?

Começar do início
                                    

Tinanggal ko na ang kamay sa braso niya at taimtim na nagdasal habang nakatayo sa pinto ng simbahan. buti nalang wala ng masyadong tao ng mga oras na iyon kaya feeling ko, kinakasal pa rin kami.

Lord,
Nakikita niyo po ba iyong lalaking katabi ko?
Siya po si Red Denson. eighteen years old at isang kampon ng bespwen niyong si Satanas.
Lord, gusto ko po linisin niyo ang maitim na budhi ng lalaking to para makita na niya ng tuluyan ang liwanag ng kagandahan ko.
Pero kung mahihirapan po kayo, kausapin niyo nalang si Kupido at panain na niya si Denson sa lahat ng bahagi ng katawan niya para siguradong mahalin na niya ako.
Ang hirap kasi magpakatanga Lord, lalo pa kung may kamartiran at kadesperadahan na kasama. whao! ang hirap, kaya please lang! nagmamakaawa po ako sa inyo, tulungan niyo akong mahalin ako ng lalaking to ng sa gayon maikasal na kami agad. siya lang po ang gusto ko mapangasawa at siya lang ang gusto kong makasama.
Lord, aasahan ko po kayo.

In the name of the father the son and the holy spirit.

Amen.

"Ano iyong dinasal mo?" tanong niya ng naglalakad na kami pabalik sa nakapark na motor niya.

Tiningnan ko siya at ngumiti ng matamis. "World peace."

Kumunot lang ang noo niya sa sinagot ko pero hindi na nag tanong ulit. Mamahalin mo rin ako Red Denson, hindi ngayon hindi mamaya or hindi bukas pero malapit na.

Malapit na sana kami sa motor ng may biglang matabang lalaki ang bumangga sa akin na muntik ko na ikatumba kung hindi lang maagap sa paghawak si Denson sa akin.

Feel na feel ko na isa akong prinsesa na muntik na matumba pero nasalo ng prisipe at ayaw ng pakawalan dahil gusto niya ikasal na agad. lol!

Parang slow motion ang lahat- titigan portion ang nangyari habang nasa bisig niya ako at gusto ko pa iyon i-enjoy. iyon bang pelikula talaga ang dating? amp! pero tulad sa pelikula- maraming epal na istorbo sa moment ng mga bida.

"Bulag ka ba?!" maangas na wika ng matabang lalaki na dahilan ng pagkabasag ng moment namin ni Denson.

Umayos muna ako ng tayo bago hinarap iyong epal.

"Hindi ako bulag, baboy ka lang kaya nabangga mo ako!"

"Aba,matapang ang pandak na to ah!"

Pandak? me? haleeer! 5'4 kaya ako!

"Hoy-"

"I'm sorry, kasalanan ng kasama ko." putol ni Denson sa sasabihin ko na kinagulat ko.

"Denson! hindi ko iyon kasalanan!" angal ko pero nagbabanta lang na tiningnan niya ako.

"Gwapo ka sana pre, sayang lang pumatol ka sa ganyang babae." sabi ng baboy na lalo nagpainit ng ulo ko. akmang susugurin ko na sana siya ng bigla naman ako pigilan ni Denson. Kaasar ka Red! iniinsulto ako ng baboy na yan! huhuhuhu!

"Sorry ulit." hinging paumanhin ni Denson na labis ko pinagtataka at kinaaasar.

Tumango lang iyong matabang lalaki bago kami nilampasan kasama ang tatlong mga mukhang gangster na kakababa lang sa isang itim na kotse bago sumunod kay baboy.

Doon ko lang nagets na ayaw ng gulo ni Denson at masyado marami ang mga epal.

"Kaasar! hindi mo ba sila kaya patumbahin?!" tanong ko kay Denson habang habol ng tingin ang B4 or Baboy over flowers! lol!

"Kunin mo iyong bato Mercado." pambabalewala niya sa tanong ko at inutusan ako kunin iyong isang malaking bato na naroon sa gilid ng kalye.

Nagtataka na tiningnan ko siya.

Dear KILLER [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora