DK彡Alexander's Confession

Começar do início
                                    

Pagkatapos maisara ni Lee ang pinto ng van ay pinaandar na rin ni Bryan ang makina ng sasakyan.

Sina Hazel at Fe lang maingay, samantalang sina Jay at Lee ay may pinapanood sa laptop.

Kami lang ata ni Xander ang walang kibuan. nakatanaw lang siya sa labas ng bintana habang ako naman ay walang magawa kundi panay ang tingin sa relo. Panis laway ko nito!

Pinilit ko na wag tingnan ang cellphone baka kasi matext ko na naman ang isa pang may regla na si Red. Natamaan ba sila ng kidlat kaya parehong silang wala sa mga sarili?!

Medyo traffic kaya alam ko na mahaba-habang byahe pa bago makarating sa batangas.

Pasimple kong sinulyapan ang katabi na wala naman din pinagkakaabalahan bukod sa nagbibilang ng mga sasakyan sa labas ng bintana. 'So silent treatment to? bakit hindi ako inform na gusto niya pala maglaro ng Walang Pansinan? edi sana prepare ako, kaloka!

Muli ako lumingon kaina Jay at Lee na nagtatawanan na. Buti sila, nag e-enjoy sa byahe, eh ako? kulang nalang magbilang ako hanggang isang milyon sa sobrang bored! hindi naman ako makatulog! argh!

Hindi ko na natiis, kaya kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag ko. tulad nga ng inaasahan ko, wala ngang text mula sa Killer na iyon.

Pumunta ako sa create message at nagsimula magtype ng mensahe.

Me: The Who! sinong Walang Kwenta, na porke't nagbibinata na ay hindi na namamansin?!

Sent!

Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ni Xander.

Bahagya siya gumalaw para kunin ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya.

Nakita ko mula sa gilid ng mata ko na binabasa na niya ang text ko.

Maya-maya ay naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko, nagbilang ako ng limang segundo bago binasa ang text. Para hindi halata na naghihintay ako ng reply.LOL!

Xander WK: Who's this?

Iyong feeling na umusok ang ilong ko at may lava sa utak ko? ganun ang pakiramdam ko ng mabasa ang text na iyon.

Me: Ikaw na siguro ang Pinaka Walang Kwentang tao na nakilala ko! bwisit!

Lalo pa ako nainis ng pagkatapos niya basahin iyong text ko ay hindi na siya nagreply. Relax Tippy, remember bday niya? be nice naman. Paki ko! Pag bday, may amnesia na? may pa I love you, I love you pa siya kagabi na dahilan kaya hindi ako nakatulog agad! tapos ngayon, Who's this na ako? ano to lokohan?

Dahil siguro sa inis ay bigla ako napasigaw ng

"STOP THE CAR!" nagulat ata si Bryan kaya nakapagpreno agad.

Hinampas ko ng malakas sa braso si Xander pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto ng van, walang paalam na bumaba ako dala ang bag ko.

"Hoy Tippy! saan ka pupunta?!" narinig ko na tanong ni Jay, hindi na ako nag-abala na tingnan kung ano ang reaksyon ng mga kasama ko basta ang alam ko lang ay inis na inis ako.

Naglakad lang ako hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"Tiffany!"

Hindi ko pinansin ang boses na iyon at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa humabol siya at humarang agad sa dinaraanan ko.

"Tabi."

"Tiffany-"

"Woah! kilala mo na ako?! wala kanang amnesia?!" sarkistang sabi ko.

Dear KILLER [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora