DK彡Reippy or Xanppy?

Začít od začátku
                                    

"Tiffany!" tawag ni Xander sa akin.

"Umuwi ka mag-isa mo!" asar na sabi ko kay Xander. Mga bwisit!

"Tippy, we need to talk!" narinig ko na pahabol na sabi ni Vince.

"Leave me alone!" sigaw ko sakanila pero hindi nagpaawat si Xander.

"Tiffany! iyong puso ko ,dala mo! ingatan mo ah!" napuno ng tawanan ang parking lot ng Academy. Mapapatay talaga kita Xander!

Namumula na ako ng makalapit na ako kay Denson na nakatingin lang sa akin at parang nang-aasar na ngumiti pa.

"Ihahatid mo ako diba?" nahihiya na tanong ko sakanya.

Inabot niya lang sa akin ang pink na helmet.

Pasampa palang ako sa likuran ng motor niya ng marinig ko siya magsalita.

"Iyong buhok mo, Mercado."

Natigilan ako at hinawakan ang buhok ko na nakatali.

"Ano meron sa buhok ko?"

Lumingon siya sa akin at nang-aasar na ngumisi

"Baka maapakan."

Ilan segundo pa nagloading sa utak ko ang sinabi niya bago ako nakapagreact.

"Heh! galit na naman sa akin si Cathy nito."

Bahagya niya ako nilingon sa sinabi ko.

"Sabihin mo sa akin kapag ginulo ka pa niya." napangiti ako bigla ng maisuot ko na ang helmet ko. Aw, ang sweet ng Red ko. amp!

"Para matulungan ko siya."

Bwisit! nahampas ko nalang siya ng malakas sa likuran. tumawa lang ang loko.

"Tara na nga, ihatid mo na ako."

"Saan? sa bahay ko?" tanong niya. Feeling ko tumigil ang ikot ng mundo at bigla naglaho ang ibang tao sa paligid namin. siya at ako lang ang nasa mundo. Red, baka mapasobra ang pagmamahal ko sayo, wag kang ano dyan.

"Red...wag ka magsasalita ng ganyan." seryosong sabi ko sakanya.

Sinuot niya muna ang helmet bago ako ulit nilingon.

"Bakit? kinikilig ka?"

"Hindi, pero baka itanan kita."

Narinig ko na napabuntong-hininga siya bago niya ini-start ang motor.

"Kung ganun, tara na."

What the- bigla ako napayakap sa likuran niya ng pinaandar na niya ang motorsiklo.

"Red! papatayin mo ba ako?!" sigaw ko sakanya para marinig niya dahil mabilis ang pagpapatakbo niya ng motor.

"Hindi. itatanan lang kita."

Hala! ang puso ko nalaglag!!

"Hoy Denson nagbibiro lang ako!"

"Ako din!" medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Hindi nagbibiro!" Anak ng-!

"Denson!

_______

North Cemetery

Napakurap pa ako ng ilan beses para masiguro na hindi ako nagkamali sa pagbasa sa nakasulat sa malaking gate ng sementeryo.

"Tara na, Mercado." narinig ko na yaya ni Denson sa akin ng mai-park na ng maayos ang motor niya.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko sakanya ng naglalakad na kami papasok ng sementeryo.

Dear KILLER [Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat