Chapter 12: Sa huling pagkakataon, sumusugal ako.

Start from the beginning
                                    

"Ganun ka rin... Kung mahal mo siya, hindi mo dapat nakikita ang pagkakaiba niyo..." Dugtong niya.

"Nakakatakot lang kasi e... Ayokong masabihan na gold digger. Kasi beshie, wala lang ako e. Literal na graduating college student na wala pang career at source of income lang ako. Maski pamilya ko, mga magulang ko, wala lang din. Mga simpleng mamamayan lang." Sabi ko.

"Alam mo? Nag o-overthink ka lang. Syempre naman alam na ni prof 'yan. Malamang na-consider niya na. Naisip niya na 'yan. Jusko beshie ewan ko ba sayo. Ginto na, tinatapon mo pa!" Sabi niya.

"I'm not after his wealth... I don't need his wealth." Tugon ko.

"I don't mean his money, beshie. I mean look at him. A 25 year old man with a good job, with master's degree. A future diplomat! Tsaka tignan mo, napakacute. Perfect dream guy na kasi, beshie!!!" Sabi niya.

Napa-iling na lang ako at muli nanamang napatingin kay Jace.

"Sige na, mauna ka na." Pasimpleng taboy ko kay Catt.

"Yun oh! Sa wakas naman beshie!" Sabi niya at may pag palakpak pa.

"Gago." Sambit ko naman at inirapan siya.

"Oh siya sige na nga. Mauuna na 'ko. Baka magbago pa isip mo. See you when I see you!" Paalam niya at nag beso.

Seryosong tinignan ko lang si Jace pag-alis ni Catt at pag lapit ko sakanya, eto.

Eto na ang dating siya.

Eto ang dating inaasam-asam kong Jace.

Nakangiti siya saakin. Tulad ng dati, halos nakapikit na ang kanyang mga mata sa sobrang ngiti.

Nakakapanghina sa sobrang ka-cutean...

Pero ewan, nag-aalangan pa rin ako hanggang ngayon.

Pero siguro....

Siguro, hindi naman masama kung magbibigay ako ng pagkakataon...

Kahuli-hulihan.

Pinakang-huli na talaga...

"Last day ko na ngayon dito, wag ka nang magsayang ng oras bukas at sa mga susunod na araw." Sabi ko.

Pero nakatingin lang siya saakin at halatang gulat dahil pinansin at kinausap ko na siya.

"Kamusta?" Tanong ko sakanya na napakaliwanag na talaga ng aura tulad ng dati.

Parang walang iniindang problema sa sobrang liwanag ng aura.

Parang walang sama ng loob kahit na mahigit isang buwan na siyang nag-aabang dito sa lugar na 'to pero hindi ko naman siya pinapansin, at dinadaanan-daanan lang...

"Okay na okay na ngayong pinansin mo 'ko." Sabi niya at niyakap ako. Hindi naman ako tumugon sakanyang yakap.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya na para bang matagal na kaming ayos.

"Bahala ka." Tugon ko.

"Ramen?" Tanong niya.

Napapikit na lang ako, at si Jess ang nakikita ko sa aking pag pikit.

"Wag..." Tugon ko.

"Wag tayong mag Ramen. Ayoko nun." Dugtong ko kahit na hindi ko alam kung bakit ganito. Kung bakit ba parang anytime papatak ang mga luha ko.

..............

"Sorry..." Sabi niya habang hawak ang aking kamay habang naghihintay kami ng order namin dito sa Texas Roadhouse.

Baka Sakaling BukasWhere stories live. Discover now