🔰95

238 11 3
                                    


Ash Mom's Pov

Panginoon sagipin nyo po si Sky isa po syang mabuting bata wala po syang ginawa kundi alagaan ang anak ko at protektahan.

Nandito ako ngayon sa Chapel nang ospital nagbabakasakaling marinig nang panginoon ang panalangin ko na huwag muna nyang kunin si Sky sa amin.

"Lord please save Sky i know hindi sya naggaling sakin peri tinuring ko na syang totoong anak huwag nyo muna syang kunin." Napatingin ako sa babaeng nakaluhod na nagdadasal. Kaano ano nya si Sky? Sya ba ang step mom ni Sky?

Tumingin sya sakin. Tumayo sya at lumapit sa akin.

"Ikaw ba ang ina ni Ash?" Tumango naman ako.

"Your daughter is so brave kinaya nya ang lakas nang latigo na hinampas sa kanya." Umiiyak ako pero napangiti ako at the same time alam ko kasing matapang ang anak ko pinalaki ko lasi syang lumalaban sa mga problema kahit pa sa buhay nya.

"Alam ko din na matapang su Sky. Matapang nga syang pumunta sa probinsya para hingin ang kamay nang anak ko  kaya hindi sya pwedeng mawala nang ganun nalang." Nagyakapan nalang kaming dalawa habang umiiyak.

Van's Pov

Nakasunod na kami ngayon sa sasakyan nina Ella. Matalino talaga si Tim bilid ako sa batang ito masyadong advance mag isip. Tumawag na din si Semper na nasa ospital na silang lahat kasama si Stella. Ok na daw si Ash kaya nabawasan kami nang isang tinil pero si Sky hindi maganda ang lagay. Mahuli ko lang talaga ang mag jowang demonyong yun ewan ko lang pero patawarin sana ako nang dyos pag ako mismo naka patay sa kanila.

Nag stop sila sa isa nanamang port na may yating naka abang. Aba balak nyo pang tumakas ah. Pasensyahan nalang tayo pero lahat kami napuno na sa inyo.

Lumabas kaming lahat kasama ang mga pulis na sinundan sila.

"Ella at Cedric sumuko na kayo!!!" Kung galit ako mas galit si Tim kanina ko pa napagmamasdan na parang masisira na ang manibela sa higpit nang hawak nya.

Napatigil silang dalawa at tinutukan kami nang baril kaya bumunot nadin kaming tatlo. Walang pakundangang pinatamaan ni Tim sa paa si Cedric kaya napaluhod ito. Pinilit nitong tumayo.

"Ella tumakbo kana!" Sigaw nya dito sa nanginginig na si Ella.

"Sige gawin mo yan kundi papasabugin ko ang bunggo mo." Well sharp shooter lang naman si Tim kung hindi nyo natatanong.

"Alam nyo ba na nasa kritikal na kondisyon si Sky ngayon dahil sa inyo!!!" Nakikinig pang ako kay Tim pero parang ako yung natatakot sa aura nya. Ibang klaseng katapangan ang pinapakita nya ngayon.

"Bagay lang sa kanya yun!!! Hindi sya bagay na tawaging riches bachelor dahil sa akin ang titulong yun!!!!!!" Pinaputikan ni Tim ang isa jya pang binti kaya napaluhod na talaga sya.

Kaya pala maiinit ang dugo jya ay Sky kasi hindi nya matanggap na hindi na sa kanya ang titulong richest bachelor sa business industry. Bagay nga silang dalawa isang gold digger at isang ambisyoso.

"Susuko na ako tama na ang barilin susuko na ako." Sigaw ni Stella. Binaba nya ang kanyang baril pero agad nya itong kinuha at nakarinig kami nang putok nang baril. Tumingin ako kay Tim pero gulat din sya wala naman syang tama tumingin ako kay Cedric pero ganun din ang mukha nya na hindi maipinta. Tumingin ako kay Ella na ngayon ay nakahandusay na. Saan nanggaling ang putok nang baril???? Unti unti akong tumingin ay Lhor na nakata tayo at may hawak hawak na baril at naka turo sa direksyon ni Ella.

"Ella..." Hindi na nakagalaw si Cedric noong may putok ulit nang baril na umalingawngaw. Tumingin ako kay Tim at sya naman ngayon ang bumaril. Natamaan sa mismong ulo si Cedric.

Lumapit ang mga pulos ako naman itong tanga na hindi makagalaw dahil ang dalawa kong kaibigan ang nakapatay sa mortal naming mga kaaway.

Ash's Pov

Naglalakad ako sa harden. Teka napaka familiar nang lugar. Diba ito ang garden kung saan ko sya sinagot? Pero bakit ako nandito? Bakit mag isa lang ako dito?

"Sky!!!!" Baka pinagti tripan lang ako nila eh.

"Semper!!!Lhor!!!Tim!!! Lumabas na kayo hindi na nakakatuwa eh." Inikot ko ang paningin ko. Nang may aninong dumaan sa likod ko kaya napatingin naman agad ako.

"Van!!!!Xander!!!Kimmy!!!" Nag umpisa na akong kabahan. Bakit walang sumasagot?

-champ-

Huh? Boses ni Sky yun ah nasan sya? Bakit wala akong makita ni isang tao?

"Sky nasan ka?" Tumulo na ang luha ko ang pinaka ayaw ko sa lahat ang palaging naiiwang mag isa eh. Akong kung mag isa.

Champ i love you

Puteks!! Saan ba kasi sya nagtatago? Bakit nya ba ako pinagtataguan? Akala nya nakakatawa? Hindi kaya!! Nakakainis sya ka mo pinag titripan nya ako humanda talaga sya sakin pag nakita ko sya.

Sa isang bahay kubo may nakita akong lalaki na nakatalikod na kasing pangangatawan ni Sky. Sya na kaya yun? Naku lagot laga sya sakin pag ganun.

"Sky!!!" Padabog ako g lumapit sa kanya. Tumingin naman sya agad sakin at nakangiti. Anung nginingiti nito? Kala nya palalampasin ko sya naku naku wag ako Sky wag ako !!!

"Pinagtitripan muba ako...." Napatigili ako. Kukurutin ko sana sya eh pero bakit tumagos yung kamay ko? Tumingin ako sa kanya na teary eyed.

"Champ."  Pero nasasalita nga sya nakikita ko nga sya eh pero bakit naman  hindi ko mahawakan? Nagtangka ulit akong humawak sa kanya pero tagos parin.

"Sky anu to? Bakit hindi kita mahawakan?" Nagsimula nang mag unahan ang mga luha sa mga mata ko. Impossible kasama ko pa sya kanina nakita ko pang nakikipag halikan sya kay Ella hindi to maari dapat nga ako yung hindi nya mahahawakan kasi ako nilatigo ako nawalan nang malay pero bakit naman sya yung hindi ko mahawakan? Wala namang may nangyaring masama diba? Diba wala?

"Champ always remember i love you so much." Then he kiss my forehead. Naramdaman ko lang ang lamig sa noo ko. Umiiyak na ako.

Sky....

Bakit?

"Champ saan ka pupunta?" Sigaw ko nagsimula na kasi syang pumunta sa dagat hanggang sa unti unti syang nawawala.

"Sky!!!! Bumalik ka dito!!! Sky!!! Wag mukong iwan!!!! Sky!!!!" Napaluhod nalang ako kakaiyak wala na akong lakas pa para tumayo at habulin sya. Nawala sya na parang inihip lang nang hangin.

"Ash gising!!" Napabuklat ang mata ko hingal na hingal ako para akong tumakbo nang napakabilis.

Tumingin ako sa paligid ko nasa puting kwarto kami nandito sina mama at ang dalawa kung kapatid pati si Kimmy.

Alalang alala ang mga mukga nila. Anung nangyayari?

"Ma si Sky??"  Yun ang unang pumasok sa isip ko.

Natinginan nalang silang dalawa ni Kimmy. Masama ang kutob ko dito.

Pinilit kung tumayo.

"Anak naman wag ka namang ganyan magpahinga ka muna dyan wag kang masyadong mag gagalaw baka kung mapanu kapa." Iniiwasan nila ang tanong ko.

"Sabi ko asan si Sky?!" Ayoko ko na tinataguan ako nang bagay na dapat may alam ako.

"Nasa ICU nak critical ang lagay nya."


A/N: Sorry for the late update enjoy. Plss vote ang comment

The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon