🔰31

367 15 1
                                    

Sky's PoV

Nagising ako sa sobrang ingay sa labas. Bumaba ako at sumilip sa kusina.

"Nasan na kasi sya nag aalala na ako." Sino? May nawawala ba?

"Kung nasan man si Ash ngayon sana nasa mabuti syang kalagayan." Sabi naman ni Lhor.

Nawawala si Ash? Hindi to pwede ang gago ko talaga hindi ko inexpect na aalis sya. Kailangan ko syang makita kailangan kung mag sorry sa kanya.

Paalis na sana ako nang makita ako ni Tim.

"Andyan na pala ang magaling natin na kaibigan eh bakit di nyo sya tanungin malay nyo pinakidnap nya pala si Ash para hindi na natin makita." Walang hiya to!! Oo nagkamali ako pero hindi ako umaabot sa punto na magpapakidnap nang tao.

"Nasan si Ash!" Sugod ni Semper sakin sabay hawak sa kwelyo ko.

"Hindi ko alam." Bugbog na nga ako kahapon kay Van pati ba naman ito. Pero deserve ko naman to eh.

"Hindi kita mapapatawad Sky tandaan mo yan hanggat walang Ash sa bahay nato kalimutan mo na  namay pinagsamahan tayo." Binitawan nya ako. Lahat sila ang sama nang tingin sa akin wala akong mukha na ihaharap sa kanila maling mali ako.

Ash's PoV

Buti nalang nataggap ako sa café tambayan. Makakatulong to na assure naman ni Tim na hindj mawawala ang scholarship ko eh kaya allowance nalang at pag kain ang gagastusin ko. 

Isang araw narin ang nakalipas nung umalis ako sa kanila hindi na naka bisita si Tim sakin pero nagtetext kami sabi nya daw mas mabuti na wag muna sya  pumunta sa bahay kasi naghihinala sila na alam nya kung nasan ako especially si Van. Matalino si Van alam ko hindi sya madaling lusutan.

Papasok na ako ngayon sa skwelahan pina iba ko narin ang sched ko na kaklase ko si Sky para hindi na mag cross ang landas namin at nang iba pa si Tim lang talaga ang mapagkakatiwalaan ko sa ngayon.

Hindi ako dumaan sa harap sa likod ako dumaan. Luminga linga muna ako bago pumasok.

"Hanggang kailan muko pagtataguan?"  I lost my track nung narinig ko ang boses nya.

"Van ikaw pala." I fake a smile. Puteks nahuli na ako.

"Halika dito." Kinaladkad nya ako papunta sa hallway nang music room.

"Wait Van may pasok pa ako."
Naman eh nakaladkad nanaman ako. Galit siguro to.

"Nasan ka nakatira ngayon? Sino ang tumutulong sayo? Isa ba na nakatira sa  bahay?." Sabi na eh matalino sya makakaisip ka kung paanu ako paaminin.

"Van wag ngayon please.. Just give me time ayoko ko pa kasi kayang harapin kayong lahat ayokong makagulo." Eto yung mahirap sa lahat eh yung makaharap ko ni isa sa kanila.

"Hindi ikaw ang nakakagulo kundi si Sky he's being unreasonable wag mung isipin na ikaw yun dahil hindi." Nagulat ako nung niyakap nya ako.

"Van I'm ok nasa magandang kalagayan ako walang problema hindi ko lang talaga kayang mag pakita muna sa inyu after nung gabing yun." Gusto ko din namang sabihin sa kanya kaso lang ayoko munang makipaghalobilo.

"Ok i know your fine but please just tell me where you live bibisitahin kita." His begging im so lucky to have all of them in my life.

"As much as gusto kong sabihin Van pero gusto ko munang mapag isa pero promise if ok na talaga ako tetext ko sayu address ko." Pag assure ko sa kanya.

"Ok fine but alteast tell me who's helping you."

"Nothing Van walang tumutulong sa akin." Sorry Van pero kailangan kung mag sinungaling sa iyo.

"Fine di kita pipilitin but always meet me here ok dadalhan kita nang mga foods. Pumapayat kana." He poke my checks.

"Oo na po sige na." At nagtawanan lang kami bago pumunta sa kanya kanya naming klase.






A/N: yieee kilig ka noh? Bet mo ba yung AshVan love team?

The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon