🔰75

287 13 3
                                    

Timothy's PoV

Nakita ko lahat.

Nakita ko kung panu sya yakapin ni Sky.

Nakita ko kung paanu sya mautal utal.

Nakita ko yung sakit na nararamdaman ni Sky.

Nakita ko kung paanu sila mag yakapan.

Nakita ko kung paanu nya tingnan si Sky na puno nang pagmamahal.

Nakita ko kung paanu nya haplusin ang pisngi ni Ash.

Nakita ko kung paanu nila yakapin ang isa't isa.

Nakita ko kung paanu nya halikan sa noo si Ash.

Nakita ko kung gaanu sila kasaya sa piling nang isa't isa.

Nakita ko.

Nakita ko ang lahat.

Nakita ko kung paanu ako nawalan na nang pag asa sa babaeng mahal ko.

Nakita ko.



Pero hindi nila nakikita na nasasaktan ako kasi ako mismo ayaw magpakita.

Sana tama ang desisyon ko sana tama na ipaubaya ko kay Sky si Ash.

Masakit.

Sobrang sakit.

Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako dito habang tinitingnan silang dalawa. Sige lang Tim saktan mulang yung sarili mo mawawala din yan. Makaka move on ka din.


-flashback-


"Sky."

Umalis na ang lahat kaya may pagkakataon na akong kausapin sya nang masinsinan.

"Bakit?"
Maikli nyang sagot habang naghihintay sa susunod kung sasabihin.

"Mahal ko si Ash Sky." Tumingin ako sa kanya bakas ang pagka gulat pero nawala din ito agad.

"Alam ko at mahal ko din si Ash. So anu to may the best man win?" Inabot nya ang kamay nya para makipag shakehands.

"Hindi Sky. Alam kung mahal mo sya at alam ko din na mahal karin nya."  Binawi nya ang kamay nya lumambot ang  pagtingin nya sakin.

"Tim." Yun lang ang tangi nyang nasabi. Ansakit. Sobra.

"Alam kung wala na akong pag-asa Sky kaya sana.....sana ingatan mo sya. Sana wag muna syang saktan." Tumulo na ang luha ko. Masakit na bitawan ang babaeng mahal ko pero ito lang ang paraang alam ko na makapagpapasaya sa kanya.


"Pangako Tim i won't waste anything mamahalin ko si Ash nang higit pa sa buhay ko hindi ko na sya sasaktan." Pinilit nyang bumangon para yakapin ako  kaya ako na mismo ang yumakap sa kanya sa higaan.

"Dapat lang kasi pag nalaman ko na pinaiyak mo ulit sya bubugbugin ka namin ni Van naiintindihan mo?" Napatawa nalang ako habang umiiyak na kayakap sya. Tumango naman sya.

"Oh sya tama na ang dramang ito nakakabakla na eh." Napatawa kami ulit at tyempong pumasok na silang lahat sa loob.

"Anung nangyari dito bat may iyakan ha?" Sulpot ni Xander binatukan nama sya ni Van.

"Wag kang as if dyan nakikinig kalang naman sa labas eh kunyari kapa." Lalong lumakas ang tawa naming lahat. Masarap sa pakiramdam na magkakasundo kaming lahat at walang makakatibag samin. Hindi masisira nang pag ibig ang pagkakaibigan naming lahat.


Matapos ang aming yakapan doon sa ospital bumaba ako sa garden nila para magpahangin.

Meron silang mini park dito sa ospital wala na masyadong batang naglalaro kasi pagabi na. Meron silang duyan doon ako umupo.

Napaisip isip nang nga bagay bagay. Tama naman siguro ang nagawa kung desisyon. Napabuga ako nang hininga.


"Alam mo kahit hindi kita nakikita ramdam ko na sobra ka ngayong nasasaktan." Gulat akong napatingin sa tabi ko meron nang babaeng nakaupo may hawak syang stainless stick. Bulag ba sya.

"Paanu mo nalaman?" Bulag nga sya.

"Ramdam ko." Tiningnan ko sya nang mabuti maganda sya mahaba yung buhok nya mistisa mapula ang labi mapungay ang mga mata.

"Anu kaba? Manghuhula?" Hindi na ako tumingin sa kanya hindi naman nya ako nakikita.

"Parang ganun na nga. Alam mo kung anu man ang rason kung bakit ka nasasaktan may rason din yan kung bakit mo ito nararanasan." Napayuko ako. Tama sya.

"Ipinaubaya ko na kasi ang babaeng mahal ko sa kaibigan ko kasi alam kung doon sya sasaya." Shit naiiyak nanaman ako.

"Napakabuti mo namang kaibigan kaya mung masaktan para sa kaligayahan nang isang tao. Alam mo may ibibigay na malaking reward sayo si Lord dahil sa kabutihan mo." Napangiti ako sa sinabi nya sobrang positive nyang mag isip.

"Talaga? anu yun?" Ngayon sya naman yung ngumiti. Nawawala bigla lahat nang sakit na nararamdaman ko.

"Baka may mas better pa syang ibibigay sayo. Baka yung babaeng para sayu ay malapit nya nang ibigay at hindi kana muling masasaktan pa." Hindi ko na makuha ang tingin ko sa kanya.

"Bakit ka nga pala nandito?" Mukhang hindi naman sya nandito para magpagamot wala naman syang sugat.

"Nandito ako para humingi nang referral para makapag paggamot sa ibang bansa para makakitang muli." Kaya pala.

"Mahirap bang maging bulag?" Hindi ko alam kung bakit ko natanong yun bigla nalang kasi itong lumabas sa bibig ko.

"Oo mahirap nung una pero masasanay ka rin naman. Minsan sa pagiging bulag marami kang matututunan na sobrang napaka halaga pala nang paningin." Kahit ganito na ang kalagayan nya sobrang positive parin nya nakakahawa.

"Babalik kapa ba dito?" Anu bang pinagsasabi ko?

"Kapag nasasaktan ka ulit bumalik ka dito. Andito lang ako para pakinggan ka." Tumingin ako sa kanya sana makita ko pa syang muli.

"Tim halikana umuwi na tayo ." narinig kung sigaw ni Semper.

"Tim pala pangalan mo? Ako nga pala si Josephine sige na umalis kana hinihintay kana nila." Tumayo na ako.

"Timothy Hapidz Vian Park ang pangalan ko sana pag successful na ang operation mo at makakita ka ulit hanapin mo ako ha." Tumango naman sya.

"Tim tara na." Sigaw na ni Lhor.

"Bye Tim."

"Bye Josephine."



-end of flashback-


Umalis na ako sa kinatatayuan ko. Naalala ko si Josephine gusto ko syang maka usao sya lang nakakapag pawala nang kumikirot kung puso.







A/N: new character? Patapos na yung story may new character pa? Syempre mahaba pa tong story anu kaba wag kang excited papatayin pa kita sa kilig. Don't forget to vote and comment.


The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Where stories live. Discover now