🔰13

407 17 3
                                    


Palabas na ako nang bahay nauna na ako sa kanilang lahat ang ingay nila eh. Mabuti nang mauna ako nang mas maaga para naman makapaglibot pa ako sa buong campus. Hawak ko ngayon ang mapa nang skwelahan ah ang mga scheduled subjects ko.

Malapit na ako sa harap nang gate ang laki laki talaga nang school nato. Nung isang araw excited akong sabihin sa mga kapatid ko na nasa dream school na nila ako sobrang saya nila lalo na si mama halos lahat daw nang makasalubong niya sinasabi nyang nasa isang sikat na University ako nag-aaral ngayon.

Agad kung hinanap ang first class ko. "Building 3, 4th floor ,Rm. 8" binasa ko ang schedule ko at hinanap ko sa mapa.

"Nandito ako ngayon sa main building 1 so dadaan ako sa hallway tapos yung building sa kaliwa ang first room ko." Busy ako sa pagbabasa sa mapa hindi ko na malayan namay nagkukumpolan na palang mga estudyante sa gate.

"Oh my goshhh eto talaga ang hinihintay ko tuwing opening nang school yung makita sila ulit." Sabi nung isang babae sa kasama nya na nagmamadaling maglakad papunta sa gate.

"Girls, how do i look like?" Sabi nung isang babae na maganda naman pero halatang nasobrahan sa iksi ang mga damit nya at naka super high heels pa sya.

"Your gorgeous as ever." Sabi nung isa nyang kasama. Ako naman nakatingin lang sa kanila.

"Get out of my way girl!" Sita nya sakin.

Aba'y ka gandang babae nga asal animal naman.

"Way? Sayo ba to? May pangalan mo?" Kakairita eh di ako papayag sirain nya araw ko dito sa school.

"Aba't sumasabat kapa ah! Sino kaba? Baguhan ka dito noh? Kaya hindi mo ako kilala." Lumapit sya sakin ako naman nag chim up na akala mo'y sobrang tapang.

"Tama, hindi nga kita kilala at hindi ko gugustohin makilala ka hanggang sa maka graduate ako dito." Hindi kita uurungan akala mo ha.

"Oh my ghad Shasha may gumaganyan na ngayon sa yo? Nakaka low yan nang image." Gatong sa kanya nang mga kasama nya tatlo sila ako lang mag isa ok lang marunong ako lumaban.

"How dare you!" Sasampalin na sana nya ako nung may salo sa kanyang kamay.

"Ezekiel?!!" Ezekiel? Si Kiel ba to? Tumingin ako sa direksyon nya si Kiel nga.

"Diba mas nakaka low nang image ang ugaling pang skwater? Are you really an Heir?" Binitawan ni Kiel ang kamay nya at tiningnan sya nang mata sa mata.

"Kiel it's not my fault it's hers! Kitang kita mo naman diba."?
I see some sweat dripping in her forehead.

" Nope iba ang nakita ko and remember this if you touch her again I'll make you pay, understand!" Napa flinch ako sa biglang pag taas nang boses ni Kiel.

"But Kiel sino ba sya para ipagtanggol mo? Im the daughter of your father's bestfriend hindi mo ako pwede ipahiya sa harap nang lahat nang tao dahil lang sa babaeng yan." Sabay turo nya sakin ngayon ko lang na realize na kami na pala ang center of attraction dito sa main gate.

"I don't care who you are. Ang akin lang wag mong tratohing parang basura ang ibang tao dito kaya kitang patalsikin sa school nato in ky own precious way." Sabi ni Kiel na naka smirk pa.

"Oh M Gggg andyan sa silang anim!!!"  Sigaw nung isang aligagang babae. Tumingin ako sa tinutukoy nya at nakita kuna ang anim pang kasama ni Kiel nasa gitna si Lhor katabi nya si Sky at Van katabi naman ni Sky si Semper at Timothy at nasa tabi naman ni Van si Xader. Their all dazzling with their own unique charm.

Lumalapit sila sa kinaruruonan namin ni Kiel.

"What's the meaning of this commotion?" Tanong ni Semper sabay taas kilay.

"Wala kaunting di pagkakaunawaan lang." Sagot naman ni Kiel.

"Semper baby, Tini- threatened ako ni Kiel dahil lang sa babaeng yan."  Tumakbo yung Shasha sa tabi ni Semper at kumapit sa braso nya.

"Shasha stop it! First im not your baby and second kilala ko si Kiel hindi sya magbabanta kung wala kang kasalanan." Kinuha nya ang kamay ni Shasha sa pagkakalink nito sa braso nya.

"I can't believe it! Magsama-sama kayo but remember this you will pay for it." Galit na galit nyang turo sa akin at sabay walk out.

"Ok everyone shows over!" Sigaw ni Xander sa mga nanunuod.

"Ok kalang ba Ash?" Nag aalalang tanong ni Lhor.

"Yes po, salamat Kiel ha mauna na ako  salamat ulit." Pagdadahilan ko sa kanila ayaw ko kasing malulong sa presensya nila eh. Kaya ko naman ipagtanggol yung sarili ko.

Time fly fast nasa harap na ako s pintuan nang last period ko ngayong araw ang Literature. Wala namang nambulabog sakin sa buong maghapon kaya nakahinga ako nang maluwag ayoko ko kasi nang eksena nakakarindi pakinggan.

Pumasok na ako sa room nang makita ko si Sky na naka upo sa pinaka likod nang room. Nasa tabi nya nalang ang bakanteng upuan. Bakit kaya walang umuupo sa kanyang tabi? Akala ko ba sikat sila diba dapat pinagkakaguluhan nalang sya ngayon? Sabagay sa ugali naman nyang pang demonyo malamang takot na sila.

"Good afternoon Sir." Bati ko sa teacher na nagsusulat sa board.

"Good afternoon you may take your seat miss Zargosa." At muli syang tumalikod para magsulat sa white board.

Nagdadalwang isip ako kung tatabi ako kay Sky gusto ko kasu maging peaceful yung buhay ko at ang makatabi si Sky ay hindi magandang ideya.

"Anu pa hinihintay mo? Wag mong sabihin upuan pa ang lalapit sayo." Iritado nyang sabi.

See? Sabi na eh susungitan nya nanaman ako. Hindi talaga magigung peaceful buong first sem ko kapag sya katabi ko.







The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Where stories live. Discover now