🔰34

359 13 0
                                    


Van's PoV

Matagal ko nang sinusundan si Tim may hinala ako na may alam sya. Alam ko na magaling syang mag tago nang sekreto pero hindi sya makakalusot sakin.

Nakita ko sya kakauwi lang galing jogging hindi na ako makakaantay pa nang isang araw bago malaman ang tinatago nya.

Nung papalapit sya sa kusina hinablot ko na sya at sinandal sa dinding.

"Saan nakatira si Ash??" Diniinan ko ang pagkakasandal sa kanya.

"Bakit ako ang tinatanong mo hindi nga kami close nun eh.! Bitawan mu nga ako." Nagpupumiglas syang umalis.

"Wag mukong gaguhin Tim nakita kita sinundan mo sya!" Buti nalang wala yung iba dito hindi nila maririnig na nag aaway kami.

"Baliw kaba umihi ako nun wag ka ngang mambintang. Anu naman sayu kung ako nagtatago kay Ash may gagawin ka? At kung alam ko man hindi ko sasabihin sayo." Tinulak nya ako.

Pagkaalis nya napangisi ako. Tama ang hinala ko sya nga ang tumutulong kay Ash. Wag ka mag alala Ash mahahanap din kita.

Ash's PoV

Mag-iisang buwan na akong namumuhay nang mag isa napadalhan ko na din sina nanay kaso sabi ko sa kanila mababawasan muna ang padala ko kasi tighirap ayaw kong sabihin sa kanila kasi alam ko luluwas talaga ang dalawang mukong kong kapatid para bugbugin si Sky lalong lalo na si Zaki maliit lang yun pero ayaw nya na nasasaktan ako.

Normal life. Walang Sky na nagpapakita. Tuwing duty ko naman ni isa sakanila bumibisita sakin. Ewan ko ngayon kung sino namang bibisita sakin. Nasa counter ako naka tambay at naghihintay nang costumer.

I hear the bell ring hudyat na may costumer.

"Hi Ash." Si Lhor!!! Natutuwa ako sa tuwing bibisita sya dinadalhan nya ako nang homemade na pagkain at ang sasarap pa.

"Lhor!!!" Tumakbo ako at niyakap sya.

"You really miss me huh?" Niyakap nya din ako.

"Syempre naman once a week ka nalang bumisita sakin eh pinasanay nyo kasi ako na  palagi kayo ditong pumupunta."
Angsaya ko ewan pero masaya ako.

"Im sorry nagkaroon kasi ako nang emergency meeting sa Canada but meron akong dala sayu." Sabi na eh may dala na naman sya.

"Wow salamat talaga Lhor nag abala kapa." Tinanggap ko at mabilis na nilagay sa ref nang café.

"Oh Lhor long time no see." Sulpot ni Kimmy. Eto talagang baklang to mabilis maka sense na may lalaki sa shop.

"Hi Kim mabuti at nandito ka may favor sana akong hihingin sayo." Napatingin ako kay Lhor.

"Anything for you Lhor anu ba yun?" Natatawa ako anlandi talaga pero close kami nitong si Kimmy parang beshie na nga kami eh.

"Can i borrow Ash for this night?" Borrow? Ako?

"Sure pwedeng pwede pero bakit muna?" Kilala ko tong baklang to eh maintriga talaga sya. Napatawa nalang ako sa pagiging chismosa nya.

"May date kasi kami eh." What??? Date??? Nagkatinginan kami ni Kimmy.

"Ohhh i see.... Sure kunin muna sya sayo na sya buong gabi." Saby tulak sya sakin kay Lhor.

"Shall we go?" Bumaling sya sakin.

"Wait lang kunin ko lang gamit ko sa locker." Tumango naman sya kaya umalis agad ako.

"Haba nang hair mo ha! Baliw ka kinuha muna Papa Lhor ko."  May patulak tulak pa sya sakin.

"Mas baliw ka friendly date lang yun wag kang anu dyan." Pero kinikilig din talaga ako eh.

"Umalis kana nag ba blush kana eh dali na hinihintay kana ni Papa Lhor sa labas."
Napatawa nalang ako .

Lumabas na ako nang café at nakita si Lhor na nasa labas nakasandal sa gilid nang kanyang sasakyan. His looking handsome as always.

"Are you ready?" Tumango ako at pinagbuksan nya ako nang passengers seat at pumasok na din.

I don't know whats gonna happen this night but i assure myself na kapag si Lhor ang kasama ko im always safe.



A/N: bibigyan ko kayo nang bonggang bonggang AshLhor moments mwaups😘magdiwang ang bias si Jin.

The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Where stories live. Discover now