🔰49

327 13 4
                                    

Hindi na ako kumain matapos nyang sabihin yun nakakaumay sya hindi ako maka get over. Kailangan kung makatyempo para malaman to ni Kiel.

Naka isip na ako nang planu alam ko hindi to madali pero magpapatulong ako kay Kimmy oh di kaya kahit sino sa anim kung boss na handang maniwala at tumulong sakin.

Pagkatapos nun natulog na ako.
Kinaumagahan ko nalang naikwento kay Kimmy lahat nang nagyari and as expected kating kati na sya na ubusin yung buhok ni Stella.

"Walang hiyang bruhang yun kala mo naman kinaganda nya yung pagbabago nya. Siguro simula palang planado na nya lahat kinukuha nya ang loob kaya mahihirapan silang maniwala na kaya nya yung gawin." Tama si Kimmy mukhang planado nga.

"Hayaan mo pagbalik natin sa City masisimula na tayong mag imbistiga sa demonyong babaeng yun. Hindi ko talaga masikmura na nagawa nya yun kay Kiel hanggang ngayon wala pa din akong ganang kumain." Kanina pa kami gising pero puro chismis na nanging agahan namin.

"Ash gising na ba kayo? Breakfast is ready." Si Tim to ah.

"Sige Timothy palabas na kami." Biglang nawala yung shadow sa harap nang tent namin.

Lumabas kami mataas na ang sikat nang araw. Nakita namin na may mahabang mesa malapit sa shore at nandoon silang lahat.

"Good morning." Bati ni Xander.

"Good morning din Xander." Nagpalitan kami nang mga ngiti.

"Ash kumain kana eto plato oh." Inabutan ako ni Van nang plato.

"Taray special treatment, yaya kab talaga nila? Or prinsesa?" Dyosko ayan nanaman sya sa mga panunukso nya parang hindi lang umiyak kagabi.

"Salamat Van, ikaw ha tumigil ka nga sa kakatukso mo sakin oh plato mo dalawa binigay nya ibig sabihin sating dalawa." Inabot ko din sa kanya ang plato nya.

"Oh nasan si Tim sya nagyaya saming kumain na ah? Pati si Sky wala din?" Wika ni Kimmy. Sky nanaman hinahanap.

"Nabibihis lang maliligo daw pagkatapos kumain eh." Sagot naman ni Xander kami naman ni Van eh naghihintay sa Barbeque ni Lhor.

"Kuya pabili po dalawang piraso." Biro ko sa kanya.

"Anu yung bibilhin mo? Barbeque or ako?" Haha humirit pa ito namang si ako kinikilig.

Enebeyen!

"Lhor sa harap ko pa talaga nag pick up line ka?" Kj talaga tong si Van.

"Sige ito nalang, Anu ibig sabihin nang BDO?" Natatawa tawang tanong ni Lhor. Kita muto wala pa ngang joke tumatawa na.

"Ewan ko sayo." Sabat walk out si Van. Haha napikon ata.

"Oh sige anu?" Nahahawa na din ako sa tawa nya.

"We find ways." Kumawala sya nang napakalakas na tawa. Hindi ako na tawa sa joke nya natawa ako sa parang windshield na tawa nya. Buset!

"Hoyyyyy tama na yan kainan na kompleto na lahat." Singgit ni Kimmy.

Bumalik na kami doon sa mesa andon na rin si Stella pero naka bikini na. Ewwww!!

"See attention seeker yung impakta maganda pa katawan ko sa kanya ." agree naman ako kay Kimmy parang may anak na katawan nya.

"Kainan na!" Sigaw ni Xander.

Si Xander na siguro ang pinaka excited na taong kilala ko.

"Gusto mo?" Sabay na nag abot sina Tim at Van nang Barbeque sakin.

"Ah salamat." Hindi ko alam kung kanino yung kukunin ko.

"Wow masarap siguro nyan akin na nga patikim." Wow salamat Kimmy life saver ka talaga. Ayoko kasi na may mag tampo sa kanilang dalawa eh. Napapansin ko kasi may rivalry na nagaganap sa kanila. Kung anu man yun hindi ko alam.

Nakatingin lang ako sa kanila na kumakain. Sino kaya ang mabilis hingan nang tulong tungkol kay Stella.

"Ok kalang ba?" Di ko namalayan nandito na pala sa tabi ko si Sky. Tamang tama sa kanya nalang ako hihingi nang tulong.

"Ahmm Sky busy kaba mamaya?" Hesitant pa akong magtaong takot kasi ako ma reject.

"Hindi naman bakit may problema ba?" Nagtataka nyang tanong.

Lumapit ako sa kanya at bumulong.

"Pwede mamaya sa isang resto bar tayo magkita may sasabihin ako sayo." Tumango lang sya at diretso na kami sa pagkain.

Van's Pov

Kainis na Tim to palagi nya akong sinasabayan sa mga bagay bagay pag dating kay Ash.

Ngayon naman nasa harapan ko nagbubulungan si Sky at Ash. Meron ba akong hindi nalalaman sa kanila? Threat ba si Sky? Baka may feelings na din sya kay Ash dapat malaman ko agad para alam ko kung sino kalaban ko sa kanila.








A/N: hmmmm what can you say? May feelings ba si Sky kay Ash?

The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Where stories live. Discover now