🔰56

290 14 3
                                    


"Ahhh Van kasi anu eh..." Puteks panu ba sasabihin to?

"Ash i know na nakakagulat to but please just give me a chance ok? I'm not pressuring you to like me back im just asking for a chance." Kulang nalang mag makaawa sya para ma convince ako sa chance na hinihingi nya.

"Van!" Napa tingin naman ako agad sa sumigaw.

"Timothy?" Bakit parang galit yung mukha nya?

"Akala ko ba walang lamangan? Nag kasundo na tayo ah bakit mo inamin kay Ash?" Teka nga anu bang pinag aawayan nila? Hindi naman sa pag ka assuming pero ako ata pinag aawayan nila.

"Anu ba nangyayari dito?" Tumayo ako sa gitna nilang dalawa. Advance lang talaga ako mag isip baka mag suntukan eh galit na galit kasi mukha ni Tim.

"I'm sorry Tim pero kailangan ko ang sabihin sa kanya dahil ayokong pag sisihan sa huli na naging duwag ako." Kalmado lang si Van pero kabaliktaran nya si Tim.

"Timothy anu ba pinagsasabi nyo na sinabi ni Van sakin yung anu? Yung may feelings sya sakin? Bakit galit na galit ka? Nakakalito kayo? Anu ba talaga?" Nakakainis na kasing mag mukhang tanga eh.

"Nagkasundo kasi kami ni Tim Ash." Hinarap ko si Van. Kasundo? Pinag pustahan ba ako?

"Na anu? Pinagpustahan nyo ba ako?" Naku pag pinagpustahan nila ako magagalit talaga ako nakakatikim talaga sila sakin nang sampal.

"Hindi Ash mali ka nang pagkakaintindi." Ngayon kay Tim naman ako tumingin.

"Anu nga kasi yun! Ipaintindi nyo para malinaw tayo dito." Mapapasigaw na talaga ako dito pag di nila masabi sakin ang totoo.

"We end up with a decision that we wont tell you that both of us fell in love with you. So we decided to hide it and made a deal who will be the best man to win your heart. Were not playing here Ash we are serious with what we feel."

Anu!!!!! Silang dalawa may gusto sakin???? Pakisampal nga ako baka panaginip lang to!!!

"Teka may gusto kayong dalawa sakin?" Hindi talaga ako maka paniwala. Tumango naman sila sabay.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa inyu, ginulat nyo ko." Umupo ulit ako at sumunod naman sila.

"Ash were not pressuring you." Anung gagawin ko? Ayoko mag away away sila.

"Ayokong nag aaway kayo diba? Ayaw ko nun lahat kayo importante sakin masasaktan ako pag hindi na kayo mag pansinan dahil sakin." Dapat diba matuwa ako kasi isipin nyo dalawang gwapong mayayamang lalaki may gusto sakin pero bakit nalulungkot ako? Dahil ba may possiblidad na mag away sila dahil sakin?

"It won't happen Ash we promise tatanggapin namin nang buong puso ang desisyon mo kung saan ka masaya." Kahit hindi nila ako nape pressure ako naman nag nag pepressure sa sarili ko kakaisip kung anung sasabihin ko sa kanila.

Stop over thinking Ash hindi yan makakatulong.

"Ewan ko guys di ko talaga alam sasabihin ko nakaka awkward na." Gusto ko nang maalis sa posisyon nato. Gusto nyo kayo na pumalit? Kakapagod eh.

"Sana walang mag bago Ash alam namin it's to much to handle pero kasi na threatened nadin kami kasi sobrang nagiging close kana kay Sky." Si Sky bakit naman sya? Ohhhhh baka nakita nila na binuhat nya ako kagabi.

"Magkaibigan kami ni Sky lahat kayo kaibigan ko." Lalong humihirap eh isali pa nila si Sky dito.

"Guys anung ginagawa nyo dito banana boating na tayo." Sumulpot bigla si Xander. Wew lifesaver ka talaga.

"Tara? Wag mo muna isipin yun Ash ang importante ngayon mag enjoy tayo." Hinila nila akong dalawa pa baba sa kung saan naka handa ang banana boat.

Pagdating namin naka life jacket na silang lahat.

"Oh eto yung sa inyong tatlo." Inabutan kami ni Lhor nang life jacket.

Noong ready na kaming lahat magkaiba ang banana boat nang boys iba din yung saming mga girls bali sila 7 kami naman 5.

Nakasakay na lahat maliban kay Xander.

"Hoy bilisan muna dyan ikaw pinaka excited kanina ngayon naman ayaw muna." Tukso sa kanya ni Lhor. Panu lahat excited na tapos ngayon pa sya aayaw kung kelan naka pwesto na kami.

"Teka lang natatakot ako mahulog sa tubig baka may pating."
Nalagot na nasisi pa ang pating.

"Xander anu kaba hindi ikaw yung  Xander na kilala ko matapang yun hindi sya takot sa pating." Sigaw ko sa kanya. Tumingin naman sya at oarang na challenge sya sa sinabi ko.   

Unti-unting inabot nya ang banana boat sa pamamagitan nang paa nya at yung dalawa nyang kamay nakahawak sa yate nang biglang humiwalay ang banana boat sa yate.

"Ahhhhhh....ahhhhhh..." Napatawa kaming lahat sa nakakatawang reaction ni Xander. Sumasakit na sa tawa ang tyan ko nang sa wakas ay naka sampa na sya sa banana boat at malas nung sa unahan nya kawawa sya higpit na higpit yakap ni Xander sa kanya.

Umandar na ang yate at nag umpisa na din kaming umusad napasigaw nalang ako sa sobrang excitement.

"Whoooooooooo." Ang saya sobra!!!!






A/N: ayyyyy kainggit kay Ash may dalawa na syang manliligaw eh ikaw ba meron? Haha same wala din ako soooo ang tanong sino kaya mananalo sa puso ni Ash????? Comment kung sino s palagay nyo




The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora