🔰94

236 10 3
                                    

Third Person's Pov

Naghahanda palang sina Semper nang nakarinig sila nang putok nang baril. Agad silang na alarma at nag tinginan hanggang sa nauna nang tumakbo sa loob si Tim.

Sumunod silang lahat nagulat sila na wala ni isang tauhan ang sumalubong sa kanila kaya nagsimula na silang kabahan. Naghiwa hiwalay sila sa pag hahanap sa dalawa.

Umakyat sya sa itaas nang gusali at dinala sya nang mga paa nya sa isang hallway.

"Tulong!!!!! Tulong!!!!! Tulungan nyo kami!!!!!" Nung narinig nya ang boses ay agad nyang hinanap kung saan ito nanggaling.

"Nasan ka!!!!!Ash!!!!!Sky!!!!!!"  Inikot nya ang buong hallway.


"Andito kami sa pinakahuling pinto bilisan mo!!!!" Nagduda sya sa boses kasi hindi iyon kay Ash kaya hinanda nya ang baseball bat na hawak nya incase na patibong lang lahat nang ito. Nakita nya ang maliwanag na kwarto na naka bukas ang pinto at agad nyang pinasok ito.

Doon nya na datnan ang nakahandusay na si Ash at Sky. Puno nang dugo. Hawak hawak ni Sky ang kamay ni Ash.

Dali dali nyang tinawagan ang mga kasamahan at ambulance.

"Tulungan mo sila Semper hindi pa matagal ang pagkabaril kay Sky maliligtas nyo pa sila. Alam ko nawalan lang malay si Ash dahil sa sobrang sakit nang latigo na hinampas sa kanya. Please bilisan mo." Hindi sya makapaniwala sa nalaman. Hindi din nya alam kung pagkakatiwalaan nya si Stella.

"Ako ito Semper ang totoong Stella ang pinakulong nyo ay ang kakambal kung si Ella wala na tayong oras kailangan na silang mailigtas kundi huli na tayo." Hindi na sya nag dalawang isip na buhatin si Sky. Tamang tama naman at narinig na na ang mga yabag nang mga kasama.

Nadatnan nilang lahat na buhat buhat ni Semper si Sky agad nang tumakbo si Van sa nakahandusay na si  Ash.

Hindi nagtagal dumating na ang ambulance at na naisugod sa ospital si Ash at Sky.

Aalis na sana sila noong napansin nila ang naka kadenang si Stella.


Ang unang lumapit ay si Kiel.

"Sino ka?" Nagtataka nyang tanong. Hindi nya kasi alam kung sino ang kaharap nya ngayon ang babaeng mahal nya or ang babaeng nag pahamak sa mga importanteng tao sa buhay nya.



"Ako ang totoong Stella Kiel yung babaeng nakalaban nyo ay ang kakambal kung si Ella kinuha nya ang buhay ko sakin para sa kasakiman nya sa pera alam nyang close ako sa inyong lahat kaya nag take advantage sya na lumapit sakin at sinabing gusto nyang mag panggap na ako pero hindi ako pumayag kaya pinakidnap nya ako at sya ang pumalit sa buhay ko. I'm sorry dahil sa kanya napapahamak kayo kung sana sinabi ko kaagad ang intensyon nya sana napigilan pa sya I'm sorry."
Napaiyak na si Stella sa paghingi nang tawad nagulat sya noong niyakap sya ni Kiel.

"It's ok huwag mong sisihin ang sarili mo sa bagay na wala ka namang kasalanan si Ella lahat ang gumawa nito kaya wala kang dapat ihingi nang tawad." Hinaplos haplos ni Kiel ang buhok nya.


This is the day that he waited for too long and now his love is back. The one that he love is back. Matagal na nyang hinihintay na mayakap ito nang sobrang higpit. Hindi nya inaakalang magiging masaya sya ulit after what happened noong akala nya si Ella at Stella ay iisa.


"Paano sina Sky at Ash? Magiging ok ba sila? Nakita ko kung paanu sila masaktan sa pinagagawa ni Ella. I know Ash really love Sky tiniis nya ang lahat para kay Sky at ganun din si Sky sa kanya ginawa din ni Sky lahat nang makakaya nya para sagipin si Ash they really love each other." Nag flashback kay Stella ang eksena kung paanu sinikap na abutin ni Sky ang kamay ni Ash.

The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Where stories live. Discover now