🔰64

291 12 3
                                    


Kinagabihan naghanda na kami ni Sky sa loob nang sasakyan nya parehas kaming nakasuot nang cap sakit itim sa kanya puti at parehas kaming naka itim. Pinahintay na namin si Kimmy sa Green café sa pagkikitaan nang abogado at ni Stella. Hinihintay nalang namin na umalis sya at susunod kami sa kanya nang hindi nahahalata.

Bumukas na ang gate sinyales na palabas na sya. Alas 9 na ngayon nang gabi kaya tulog na si Zaki at Calvin wala na akong problema.

"Kimmy be alert na dyan palabas na sya nang mansyon." Sabi ko sa kanya sa phone. Mga feeling detective kami eh.

Nagtago kami sa isang daanan sa subdivision na walang dumadaang sasakyan kaya matiwasay naming nakikita ang papaalis na sasakyan ni Stella.

Nung naka layo na sya doon na kami sumunod. Hindi alam ni Stella na may nilagay kami na GPS tracker sa lahat nang kotse ni Kiel na pwede nyang gamitin.

Kala nya maiisahan nya kami ha. Kahit malayo agwat namin sa kanyang sasakyan alam namin kung saan sya pupunta.


Ilang saglit pa nang pag monitor namin sa kanya ay umiba ang direksyon nya.

"Teka? Bakit hindi sya papunta sa café?" Impossible namang nagkamali kami nang araw eh sabi nya ngayon yun.

"Baka nahalata nya tayo." Wika naman ni Sky pero impossible din.

"Hindi Sky impossible malayo tayo sa kanya kaya hindi nya mahahalat na nakasunod tayo." Tinawagan ko si Kimmy.

"Beshiee hindi dyan papunta si Stella pupuntahan ka namin dyan para sabay sabay na tayong sumunod sa kanya." Binaba ko na ang phone at pinuntahan nga muna namin si Kimmy sa sinabing café.



"Saan na sya ngayon papunta beshie?" Tumingin ako sa tablet kung saan namomonitor namin si  Stella.

"Lumiko sya pa south sa pantalan?" Anung gagawin nya doon?

"Bakit sa pantalan anu namang gagawin nya doon?" Tanong ni Sky na tanong ko din sa sarili ko.

"Hindi natin alam pero malalaman natin pag nandoon na tayo." Wika naman ni Kimmy kaya nagpatuloy parin kami sa pagsunod.


"Andito na Sky, dito sya mismo bumaba andyan ang sasakyan at ayun sya nag lalakad." Medyo panic kung sabi. Madilim meron namang mga lamp post pero yung ibang daan madilim. Anu naman gagawin nang isang babae dito?


"Follow her, ipapark ko lang ang kotse sa walang makakakita." Tumango naman kami ni Kimmy at bumaba na .

Hindi pa nakakalayo si Stella ay nakasunod na kami sa kanya hindi naman sya palingon lingon. Pumasok sya sa isang malaking bodega. Bodega ata yun nang mga cargo eh. Sumilip kami ni Kimmy sa pintuan bukas sya at walang bantay tumuloy kami at napatigil nung nakita naming may kausap na tao na si Stella isang matattoo na lalaki malaki ang katawan parang body builder.

"Ma'am ok na po tong mga druga high class po ito galing america kukunin nyo po ba?" Nakangisi nang nakakaloko ang lalaki.

"Anu kaba syempre kukunin ko yan magkano ba?" Kumuha sya nang cheque sa pouch na dala dala nya.

"One million lahat nang ito mam sabog na sabog kayo nito paghinithit nyo." Druga? Walang ya dealer sya nang druga? Wtf!!!!

"Ok eto na ang one million." Saan sya kumukuha nang pera? Sa kay Kiel ba?

"Wow ang galante ngayon ni mam ah wala ba dyang dagdag mam? Mukhang naka tyamba ka eh." Hirit pa nang lalaki. Sumulat ulit si Stella sa cheque at binigay sa lalaki.

"Ayan 500 thousand ok na ba yan?" 500 thousand? Puteks ang laking pera nun.

"Wow the best ka talaga mam." Tuwang tuwa naman ang lalaki sa bunos na binigay ni Stella.

"Beshie umalis na tayo dito." Pagtingin ko wala na si Kimmy. Asan na yun? Nalintikan na baka nahuli madami pa namang tauhan dito. Sinimulan na akong kabahan.

"Beshiee lumabas kana wag muna akong pagtaguan aalis na tayo dito." Pabulong kung sabi naiiyak na din ako.

*ting* naka apak ako nang lata. Nanlaki ang mata ko this is my end.

"Anu yun? Berto tingnan mo baka may naka pasok!" Sigaw nung lalaki. Naiiyak na talaga ako hindi ko alam ang gagawin ko.

Paikot ikot ako nakakarinig na ako nang yabag nang lalaking naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. May biglang humila sakin at na siksik ako sa dibdib nya at tinakpan nya ang bibig ko.

"Wag kang maingay Ash andito na ako." Boses ni Sky. Napahinga ako nang maluwag. Pero nanlaki ulit mata ko nung nakita kung anino nang lalaki.

"Sino yan? Lumabas kana hindi ka makakalabas nang buhay dito" nanginginig na ako pero si Sky kalmado parin.

Papunta na sya sa pinagtataguan namin napapikit nalang ako ayokong makita ang susunod na mangyayari.

*meow..meow*

"Lintik pusa lang pala! Boss walang tao pusa lang!!!" Sigaw nung lalaki at unti unti na syang paalis sa kinaroroonan namin.

Kinuha na ni Sky ang kamay nya sa bibig ko

"Ok kalang?" Tumango lang ako sa kanya at niyakap sya. Natatakot parin kasi ako hanggang ngayon.


"Salamat Sky."








A/N: muntikan na yun ah wew buti nalang may pusa.hahahaha don't forget to vote and comment

The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Where stories live. Discover now