🔰46

353 19 1
                                    

Kakagising ko lang nasa sasakyan pa ako sila nasa labas na. Ito na ba yun? Ang ganda naman dito white sand tyaka parang lost island yung peg hindi kasi magarbong hotel ang matutulugan mo kundi mga bahay buko pero modern may aircon. Pwede ding sa campsite nila para daw may sense naman sa pinagalan sa resort na The Lost Island.

"Bruha labas na dyan at para maka pamasyal na tayo at picture taking ang ganda kaya nang mga view dali!" Eto nanaman sya may dala nang selfie stick at DSLR eh.

"Wait nasan yung iba?" Kami nalang ata natira.

"Malamang nag check in na sa kani-kanilang mga tent." Tent? So ibig sabihin sa campsite kami? Cool!

Naglibot libot kami ni Kimmy madaming foreigners na naglalakad sa dalampasigan meron ding pool sa gitna nang bundok. Yes parang polo ito na dagat tapos sa likuran bundok ganda diba?

"Beshie may hot na american sa pool gusto mo mag swimming?" Hayyy naku nakakita nanaman nang gwapo mabilis talaga radar nitong bakla sa lalaki pero infairness pogi matangos ilong yung typical american guy na may malalaking muscles at sobra pa sa six packs ang abs. Hmmmmm Yummy😋😋😋

"Babe anu kaba wag kang mag laway dyan mas maganda pa katawan ko dyan eh." Muntik na akong mapa mura hindi na pala si Kimmy kasama ko si Semper na.

"Nasan na yung bakla?" Luminga linga ako hindi ko sya mahagilap eh.

"Sumama doon sa amerikano babe" weeee di nga? Talaga bang sumama sya?

"Ang bilis mang iwan nung baklang yun ah." Napatawa nalang nang bahagya si Semper.

"Hayaan mo babe andito naman ako." Sabay nag wink sya sakin.

"Naku Semper ha wag mukong ma kindat kindatan dyan mabilis ako ma fall." Biro ko sa kanya.

"Ok lang babe, sasaluhin naman kita." Abay bumanat pa

"Boy pick up tama na yan ang corny muna kumain nalang tayo." Hinila ko kamay nya at nag hanap kami nang makakainan.


"So Babe bat blooming ka ngayon?" Anung pinagsasabi nito?

"Baliw kaba? Anung blooming pinagsasabi mo?" Tumawa lang sya.

"Wala nakakapanibago ka kasu mas lalo kang gumaganda sino ba inspiration mo at nagpapaganda ka?" Siniko siko nya pa ako.

"Kailangan ba inlove pag nagpapaganda? Hindi ba pwedeng? Im learning to appreciate myself?" Wow english yun ah.

"Ok ok di na kita kukulitin kung bakit blooming ka mag order kana dyan at sabi mo gutom kana. Baka nga gutom kalang kaya ka napapa english hahaha." Baliw to minsan na nga lang ako mag english pagtatawanan pa ako.

"Kuya waiter menu please." Kanina kasi nakakita kami ni Semper nang dalawang kainan magkatabi. Yung isa pang foreign yung isa pinoy. Syempre sa pinoy kami mahal namin Pilipinas eh.

"Eto po mam" inabot nang waiter yung menu. Puro pinoy foods hmmm mabubusog ako nito.

"Kuya ito nalang yung adobo tapos kuya may extra rice ba kayo?" Napatawa ulit si Semper sakin.

"Bakit? Kukulangin sakin yung isan scop na kanin noh sarap kaya nang adobo." Napa iling iling nalang sya umandar naman kasi pagka probinsyana ko sanay sa extra rice.

"Eto lang po lahat mam?" Tumango ako.

"Ikaw Semper?" Tumingin ako sa kanya tumingin naman sya sa menu.

"Hmmm busog pa ako eh tyaka ayoko kung mag mukhang busog mamaya sa swimming trunks ko juice nalang." Tumango naman ang waiter at umalis.

"Kala mo naman may abs." Mahina kung sabi pero sinadya ko na marinig nya.

"Gusto mo makita?" Nagbadya syang bubuksan ang polong suot nya.

"Hep hep wag mung gawin yan naku gusto ko pang kumain baka mawalan ako nang gana pag nakita ko yan. Maya muna pakita pag swimming time na ok." Sabay kaming napatawa ansaya lang kasi eh walang awkward.

Dumating na ang pagkain ko at agad ko namang kinain. Nakita kung pumasok si Kiel at Ate Stella sa kinakainan namin na nagtatawanan. Hmfft nawalan na ata ako nang gana. Napansin siguro ni Semper na nakatingin ako sa kanila kaya tumingin din sya.

"Alam mo simula nung naging sila ni Kiel nag bago na si Stella." Mahinang wika ni Semper ka nakatingin sa dalawa.

"Talaga? Napansin mo din yun? Ako din nga eh ang laki na nang nabago nya. Parang hindi na sya yung nakilala kung Ate." Nakatingin din ako sa kanila. Tumingin sila samin at nag wave si Kiel nag smile naman nang napaka plastic si Ate Stella. Anung problema nya? Mukhang tama si Kimmy may something na hindi tama kay Ate Stella ngayon.








A/N: kayo ba little emojis? Did you smell something fishy kay Stella? Hmmmmm

The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Where stories live. Discover now