🔰76

286 11 1
                                    


Nagmadali akong pumunta sa garden nang ospital para hanapin si Josephine.

"Josephine nasan ka? Kailangan kitang makausap." Nilibot libot ko ang paningin ko pero walang Josephine na mahagilap.


Ilang minuto na din akong naghihintay dito sa duyan para tabihan nya ako. Pero wala pa din. Kaya nag desisyon akong umalis nalang. Ang bobo ko naniwala naman ako na nandito talaga sya.


Palabas na ako nang hallway nang ospital nakakasayang sa oras ang pag punta ko dito.

"Tim." Napatigil ako sa paglalakad. Tama ba? Sya ba yung naririnig ko?

"Josephine!" Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya.

"Akala ko hindi na kita makikita pa." Bumitaw ako sa yakap nya na realize ko kasi nandito ang parents nya.

"Ma,Pa. Si Timothy nga pala kaibigan ko." Nakipag shake hands na din ako sa kanila.

"Palagi ka nyang nakukwento samin. Papunta na kami ngayon sa states papagamot na namin sya pero ayaw nya pang umalis nararamdaman nya daw kasi na babalik ka ngayong araw. Paalis na sana kami kasi akala namin hindi nagsasabi nang totoo si Josephine pero nung paalis na kami nagulat kami nung tinawag ka nya at napatingin ka." Maiyak iyak na sabi nang mama nya. Si Josephine naman naka ngiti lang.

"Naku mama iiyak ka nanaman eh. Papanget ka nyan sige ka." Tumawa naman kaming lahat.

"Magpaalam kana sa kaibigan mo nak aalis na tayo hihintayin ka namin sa kotse." Tumango naman sya.


Bumalik kami dito sa garden. Nakaupo ulit sa duyan kung saan kami nagka kilala.

"Aalis kana pala makikita paba kita ulit?" Bigla akong nalungkot.

"Oo naman after ilang months bumalik ka dito andito na ulit ako promise." Bakit hindi sya nagsasawang ngumiti?

"Hahanapin kita kapag hindi ka lumusot dito after ilang months." Napatawa nalang sya sa sinabi ko.

"Anak tara na." Inalalayan sya nang mama nyang tumayo.

"See you in  a few months Tim." Niyakap nya ako at niyakap ko din sya.

"See you Josephine." Bumitaw na ako sa yakap at pinanuod syang umalis hanggang sa tuluyan ko nang hindi sya makita. Ilang months lang Tim makikita mo sya ulit.





Ash's PoV


Ilang araw na ang lumipas nung pumayag akong manligaw si Sky sakin. Haba nang hair ko. Unti unti namang nagiging komportable ako sa kanya. Andito ako ngayon sa café ni Kimmy nakikipag chickahan.

"So anu nang ganap sa ligawan nyo ha? Impakta ka haba nang hair mo? Anung feeling na manliligaw mo ang  pinakagwapong Young billionaire?" Napairap nalang ako sa choice of words ni Kimmy.

"Kimmy hindi big deal sakin ang estado nang buhay ni Sky ang importante mahal ko sya ok? Tyaka ayun ganun pa din nakakakilig yung mga corny nyang jokes." Hahaha natatawa nanaman ako sa mga hirit nyang corny.

"Che! Edi ikaw na may lovelife sipain kita dyan eh. Pumunta kaba dito para pa ingitin ako sa buhay pag ibig mo?" Wala naman masyadong costumer kaya hindi sya busy ngayon.



"Ikaw match maker namin dyan tapos magrereklamo ka? Ikaw kaya sipain ko dyan eh." Ganito kami mag lambingan ni Kimmy nagsasakitan.

"Oh ayan na prince charming mo bruha alis na." Tumingin ako sa pintuan nang café at nakita kung papasok si Sky na naka pambahay lang.

Ang gwapo pa din...

Lumapit sya sa counter kung nasaan ako nakaupo.




"Hi ladies, may dala akong foods para sa inyu." Sabay pakita nya nang dala nyang bag.

"Para kay Ash lang ata yan eh." Anak nang pating nagtampu tampuhan ang bakla. Kaya hinila ko ang buhok nya.

"Anu kaba satin yan eh dali na kumain na tayo." Agad ko namang kinuha ang bag sa kamay ni Sky at nag thank you. Umupo kami sa isang mesa kun saang merong pang apat na upuan.


"Sky kelan mo balak alukin nang kasal tong beshie ko?" Muntik kunang ibuga ang drinks ko sa mukha ni Kimmy. Ni hindi pa nga kami tapos kasal na agad.


"Anu kaba Kimmy masyado kang excited pero kung sasagutin na ako ni Ash pwede bukas agad agad kasal na." Hinampas ko naman si Sky nakipagsabayan pa kasi biro ni Kimmy eh.

"Basta Sky wag mutong sasaktan ha kundi malilintikan ka sakin." Im so lucky to be her friend super protective.

Napatigil ang pag uusap namin nung may dumating na costumer. Kaya umali muna si Kimmy at naiwan kaming dalawa ni Sky. Hindi na ako masyadong nahihiya sa kanya.


"Ahhm are you free this Friday?" Friday diba may pasok yun.

"Diba may pasok sa friday? Bakit mo natanong?" Napakamot sya sa ulo nya.

"I mean friday evening." Ahh sa gabi naman pala eh.

"Oo naman bakit?" Yayayain nya na ba akong mag date? Yung first date namin oh my my my....


"Yayayain sana kitang mag date." Mahiya hiya pa syang magsalita. Naku date lang naman eh.



May date kami ni Sky!!!!!!!

Im dating the young billionaire!!!!!




Kalma.
Inhale.
Exhale.

"Sure." Mahinahon kung sabi pero sa totoo lang gusto ko nang sumayaw sa tuwa at excitement.

"Talaga?" Tumango lang ako nagulat ako nung niyakap nya ako.











A/N: whoooooo magde date na sila!!!!!!!! Im excited ikaw excited na din?

The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Where stories live. Discover now