🔰65

291 10 0
                                    

Kimmy's PoV

Hindi alam ni Ash umalis ako naiihi na talaga kasi ako eh. Ayoko ko namang magsalita baka may maka rinig sa akin.

Palabas na ako sa bodega nang masalubong ko si Sky.

"Asan si Ash?" Hinanap nya sa likod ko.

"Wala dyan andoon pa sya sa loob lumabas lang ako kasi naiihi na ako mauna nalang muna ako sa kotse kasi ansakit na sa pantog ayoko mag ka colon cancer pag tanda." Nauna na ako sa kanya at humanap ako nang puno na maiihian.

Hayyyyyyy sarap! Nakahinga din ako nang maluwag sarap sa pakiramdam na naubos na ang dinadala kung problema.

Sa kotse ko nalang sila hinintay na dalawa. Anu na kayang nangyayari doon. Nakita ko na lumabas na sila at nakayakap si Ash kay Sky. Ohhhhh anung meron? Sana pala bumalik nalang ako may na miss tuloy ako na eksena anu kaya nangyari? Hmmmmm

Binuksan na nila ang pinto nang kotse at umupo.

"Anu yung yakapan na nakita ko kanina?" Sinundot sundot ko ang tagiliran ni Ash. Binigyan nya lang ako nang nakakamatay na tingin. Anyari dito? May ginawa ba akong masama.

"Bruha ka iniwan mo ako dun mag isa muntik na akong mahuli kung di dahil kay Sky!" Hindi naman sya galit pero inis lang tapos nanginginig pa sya.

"Anu ba nangyari?" Kay Sky nalang ako nagtanong mukhang sasagutin ako nito nang matino eh sa lagay kasi ngayon ni Ash feeling ko pambabara lang isasagot nya sakin.

"Muntik na syang mahuli kasi nung hinanap ka nya naka apak sya nang lata kaya tumunog tyempo naman kakadating ko kaya nahablot ko sya agad at nag tago." Ohhh so yun pala ang nangyari kaya naman pala parang gusto akong isumpa ni Ash sa tingin nya.

"Sorry naman beshie naiihi na kasi ako kaya naman hindi na ako nakapag paalam." Bumalik naman agad sa dati ang expression ni Ash.

"Anung nakita nyo doon sa loob nung wala ako naabutan ko nalang kasi yung inabutan nya nang cheque yung lalaki at wala na umalis na ako." Kinuha ni Ash ang phone nya sa bulsa nya.

"Eto nag abot uli sya nang isa pang cheque parang tip nya sa lalaki." Kinunan pala nya nang mga picture ang transaction.

"We need to cooperate with the police it's not Stella anymore but now we are dealing with drugs and drug dealers kailangan malaman to nang awtoridad para matulungan na din tayo." Tama si Sky hindi na ito simpleng problema lang na malulutas namin kundi kailangan na nang tulong nang awtoridad bago pa may mapahamak sa aming tatlo o kahit sino.

Nagkasundo kaming tatlo na pumunta nang presento at makipag transaction sa mga pulis. Ipinakita namin lahat nang ibidensya.

Ash's PoV

"Thank you po Mr. Yu sa pagdulog sa amin nang mga impormasyong ito malaking tulong ito para matuntun na namin ang mga dealer nang druga at sa pagtitiwala sa amin hayaan nyo po magsasagawa kami nang imbestigasyon para e raid ang nasabing bodega thank you po ulit Mr. Yu."

Nakipag shakehands ang pulis kay Sky at sa amin ni Kimmy.

Tumingin ako sa relo at nakita ko Alas dos na nang umaga. Kaya naman pala pagod na pagod ako at antok na umaga na pala.

Nakauwi na kami ni Sky sa bahay at madilim pa sa loob.

"Ash bukas na bukas kakausapin ko na silang lahat tungkol kay Stella kailangan nang malaman ni Kiel ang totoo." Tumango lang ako at nag good night sa kanya. Pumasok na ako sa loob nang kwarto at nakita ko si Calvin at Zaki na mahimbing na natutulog. Humiga ako sa tabi nila at hindi tumagal naka tulog na ako.

-kinaumagahan-

Nagising ako wala na sa tabi ko ang dalawa kung kapatid. Bumangon ako para mag mumug at mag hilamos masakit ang buo kung katawan para akong sumabak sa gyera. Lumabas ako nang kwarto at nasa mesa na silang lahat kumakain. Bat di nila ako ginising?

"Good morning Ate!" Bati agad sakin ni Zaki. Sarap sa umaga pag ganyan bumungad sayo. Hinanap nang mata ko si Sky at nakita ko sya katabi ni Calvin na kumakain gising na din pala sya.

"Kumain kana dyan Ash kanina kapa ginigising pero ayaw mo kaya hinayaan ka nalang munang matulog." Umupo ako sa silya kung saan palagi akong umuopo nasa mesa din si Stella at nakatingin sya sakin nang masama. Nakipagtitigan ako sa kanya akala nya siguro masisindak nya ako. Nagtataka nga ako na hindi pa sya gumaganti sa pag sampal ko sa kanya siguro may binabalak syang masama.

Natapos na kaming lahat kumain at tinuloy nga namin ni Sky ang plano namin na sabihin na sa lahat maliban kay Stella ang nalalaman namin. Kailangan na naming maging alerto.

Nakompleto na ang lahat at nagtataka sila kung bakit ni lock namin ang pinto. Sina Calvin nanunuod lang nang tv doon sa mansyon.

"Ash, Sky? Anung meron?" Tanong agad ni Xander nagkatinginan lang kaming dalawa ni Sky. Hinanda namin ang projector.


"I just want to warn everyone to stay calm after this especially you Kiel." Tumingin si Sky sa kanya gulat naman sya nung binanggit ang pangalan nya.

"May kinalaman ba to sakin?" Nagtataka nyang tanong.

"Wala Kiel pero kay Stella meron." Then i flash the picture of Stella kissing the guy at the beach. Everyone gasp.

"Bakit?" Yun nalang ang lumabas sa bibig ni Kiel. Ngayon i can see his watery eyes.

"Sino ang kumuha nyan?" Tumayo na si Lhor i can see in his expression na his older brother mode is activated.

"First night natin sa beach Ash and Kimmy run a secret investigation to check if our instinct is right about Stella's sudden change of behavior." Mahinahong eksplinasyon ni Sky sa kanila.

"Who the hell are you to think that my girlfriend is doing something wrong behind my back?!! And to do a secret investigation anu akala nyo sa kanya kriminal??!!" Galit na galit na nakatingin si Kiel sakin. Umiiyak sya. This is my weakness ang makita sya nasasaktan. I'm sorry Kiel but i need to do this.


"Hindi ko intensyon na palabasin masamang tao si Stella Kiel, ayaw ko lang kasi na nakikita kang nasasaktan." Naiiyak na din ako para kasing ako ang sinisisi nya.

"Why do you even care! Mas nasasaktan mo ako ngayon!" Pinipigilan na sya ngayon nina Tim at Semper.

"I care because your my friend hindi na kasi tama ang ginagawa nya sayo hindi na tama na lokohin ka nya" pinunasan ko ang luha ko kailangan kung maging matatag.

"Noo!! You just want to ruin our relationship kasi gusto mong masolo mo ako!!!" Nagulat ako sa sinabi nya. Bakit nya naisip yun?

"Hindi ko inisip na sirain kayo Kiel never sumagi sa isip ko yun." Ansakit sobra. Nanging magkaibigan kami pero ganito pa ibibintang nya sakin?

"Admit it Ash you like me right from the start when me and Stella are happy together you want to ruin everything because you're jealous but I'm sorry to say this because i don't like you and i will never love you and right now I hate you!" Nanghina ako sa sinabi ni Kiel. Pinagtitinginan na ako nang lahat pati si Sky. Pero hindi ko hahayaang madurog ako sa gitna nang laban na to tatayo ako.

"Oo tama ka may gusto ako sayo pero noon yun! At kahit nasasaktan ako na iba ang mahal mo ni hindi nasagi sa isip ko na paghiwalayin kayo kasi hindi ako ganung klaseng kaibigan! Nung nakita kitang masaya binaon ko na sa limot lahat nang feelings ko sayo!" Patuloy tuloy sa pag agos ang luha ko sa lahat ba naman nang tao si Kiel pa ang mambibintang sakin nang ganito? Para akong tinutorture sa sakit....

"Liar!!!" Sigaw nya sakin.

"Stop it Kiel!!!! Wag mung pairalin ang pagiging bulag mo sa pag-ibig kay Stella wag kong pairalin ang pagiging bobo mo sa pag ibig hindi mo ba nakita? Nasa harap mo na ang ibedensya! Wag kanang mag bulag bulagan." Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Lhor kay Kiel.







A/N: ohhhhhh to intense at sa sobrang intense gusto kung manapak nang tao😂😂😂 ikaw ba?

The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Место, где живут истории. Откройте их для себя