🔰89

213 10 1
                                    


Sky's Pov

Ang tagal ni Ash nakalipas na ang 10 minutes wala parin sya.

"Guys!!" Napalingon kaming lahat kay Kiel. Nakahabol sya pero bakit sya hinihingal? Bakit kailangan nyang tumakbo?

"Oy Kiel buti naman naka habol ka pero bakit ka naman tumatakbo?" Pareho kaming lahat nang tanong.

"Hindi na sana ako pupunta dito hihintayin ko nalang kayo sana sa mansyon kaya lang kasi tumawag ang police." Tumawag ang pulis???

"Anung sinabi?" Kailangan kung kumalma hindi ito ang oras para mag panic.

"Nakatakas si Stella." My whole world stops spinning ang unang pumasok sa ulo ko si Ash. Oh no no no this can't be!

Pahakbang na ako nang pinigilan nila.

"Sky saan ka pupunta?" Hinawakan ako sa balikat ni Semper.

"Hahanapin si Ash 10 minutes na syang hindi bumabalik dito nagpaalam lang syang mag cr." Sana ok lang sya.Champ be safe ok? Hahanapin kita.

"What!!!!" They all said in unison.

"Ang beshie ko." Nagpanic na kaming lahat hahakbang pa sana ako nung namatay lahat nang ilaw pero bumalik naman agad yung ilaw sa malaking tv screen sa stage.


Laking gulat namin nung nag flash ang mukha ni Stella sa harap nang screen naka kulay pula syang damit. Galing sya dito!!!

"Hi everyone looking for Ash? Wag na kayong mag abala pa she's in a good hands my pretty good hands." Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Na..... Nasa kanya na si Ash??? Hindi to maaari.


"Pero madali naman akong kausap eh i will let Ash go pero may kapalit." Sabay tawa nya na parang demoyo.

"Bruhang yan sana kinalbo ko nalang sya dati pa!" Umiiyak na sabi ni Kimmy yakap yakap sya ni Bart.

"What do you want Stella?!!! Money? Property? Name your price just let Ash go!!!!" Sigaw ni Kiel na ngayon ay determinadong nakikipag negotiate sa kay Stella para mabawi si Ash. Anu naman ako? Wala akong kwentang boyfriend hindi ko nagawang iligtas ang babaeng pinakamamahal ko.


Sana sinamahan ko nalang syang mag cr kahit sinabi nyang huwag sana sinundan ko nalang sya. Napakuyom ang mga palad ko kasabay na umagos ang luha sa mga mata ko. Champ I'm sorry i didn't protect you dahil nakuha ka nila.


"Oh no Kiel baby i don't need money meron na ako nyan actually ang gusto ko kapalit ni Ash ay si Sky." Nagulat ako at napatingin silang lahat sa akin. Ako? Ako ang kailangan nya para makawala si Ash? Chance ko na to kailangan kung makuha si Ash.


"Yun lang naman if willing kayong makipag negotiate tatawagan ko kayo after 24 hours please continue and enjoy the party." At biglang namatay ang tv screen.


Nanginginig na ako sa kinatatayuan ko. Nilapitan ako ni Lhor at hinawakan sa balikat.

"Kukunin natin sya Sky ." kahit anung sabihin nila hindi ito pumapasok sa utak ko nagiging blangko ako ang nasa isip kulang ay ang pagsisisi na hindi ko naprotektahan si Ash. Kasalanan ko to.



"Son i will call all my connections in military wag kang mag alala mababawi natin ang girlfriend mo one way or another." Niyakap ako ni Daddy. Tama sila hindi ito ang oras na dapat panghinaan ako nang loob.





May mga pulis na na dumating at pina search na namin lahat nang traces ni Stella dito sa party ni Dad. Inimbistigahan na din kung paanu sya nakatakas.

Hindi parin ako mapakali. Nasasaktan parin ako dahil sa pag aalala kay Ash. Champ i hope you're fine sana hindi ka nya sinasaktan dahil may makita lang akong bakas nang pasa aa katawan at mukha mo malilintikan talaga sya.




"Anung Plano?" Lumapit si Van lahat sila nag aalala kay Ash.

"Hintayin natin na tumawag si Stella again para ma trace nang NBI ang location niya." Hindi parin ako umiimik kailangan kung maka isip nag paraan. Kung ako ang kailangan nya then be it ibibigay ko ang gusto nya masiguro kulang na ligtas si Ash.





Ash's Pov

Nagising ako na masakit ang ulo. Hindi ko mahawakan ang ulo ko kasi nakatali ang kamay at paa ko. Idinilat ko ang aking mata at hinyaang mag adjust sa linawag.


"Gising na pala ang mumunting prinsesa how's you're feeling?" Bumungad sakin ang mukha ni Stella.

"Walang hiya ka anung gagawin mo sakin??!!" Nagpupumiglas ako pero no use.

"Gusto ko lang gumanti sa ginawa mo kanina." Umikot ikot sya sakin at tumigil sa harap ko.

"Nasan ang mamahalin kung pabango." Hindi! Hindi nya gagawin ang ginawa ko sa kanya diba??? Inabot nang tauhan nya ang pabango.

"Open your eyes Ash."  Hindi ako nakinig pumikit ako nang mariin.

"Ahhh ayaw mo ha?" Agad nya akong sinikmuraan kaya napadilat ako sa sakit at kinuha nya ang opportunity na yun para e spray sa mata ko ang pabango.


"Ahhhhhhhhhhh!!" Mahapdi. Sobrang hapdi nang mata ko. Umagos na ang mga luha ko.

"Masakit?" Impakta ka talagang babae. Ka pagbabayaran muto pag nakalabas ako sisiguradohin kung madudurog kita!



Nung hindi ko sya sinagot dahil tinitiis ko ang hapdi nang mata ko. Hindi nya pwedeng makita na mahina ako. Ang probinsyana palaban at hind sumusuko.


"Ipasok na yansa bodega!!" Sigaw nya sa mga tauhan nya at naramdaman ku din na kinakalagan na ako. Kailangan kung mag isip nang paraan para makatakas dito.


"Tayo!" Sigaw nung lalaking may hawak sakin. Nung hindi na masakit ang mata ko pinilit ko itong idinilat. Nasa hallway kami na parang abandonadong gusali.


Binuksan nya ang nakalock na pintuan at ipinasok ako nang pwersahan. Nadapa ako kinalagan nya ako at sinarado ang pinto.

Napahagulhol nalang ako nang iyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ash??" Napatigil ako at hinanap kung saan nang galing ang boses.

"Ash ako to." Lumingon lingon ako. Nung may figure ang taong lumapit sa liwanag.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na sya ang makikita ko dito pero bakit??? Naguguluhan ako.


"Stella?" Naka kadena ang kanyang mga paa.

"Ashhh." Umiyak na sya pero hindi sya makalapit kasi kay kadena nga ang paa nya.

"Pero sino yung nasa labas?" Alam na alam ko na si Ate Stella to alam na alam ko kasi nasa aura nya at alam ko lang kasi sa maamong mukha nya.



"Siya ang kakambal ko na si Ella, Ash. Kaya hindi sya pinalaki ni nanay sa mansyon kasi nandoon sya sa tatay namin. Mayaman ang ama namin pero nung namatay napunta sa kanya lahat pati drug business nito." Umupo ako sa tabi nya at niyakap sya nang sobrang higpit.


"Pero bakit ka nandito at sya yung nang panggap na ikaw?" Chance ko na ito kung bakit talaga sya nanggugulo sa buhay namin.

"Dahil nalugi sya at nalaman nya na nagtatrabaho ako sa mayayamang tao kaya nakipagsundo sya sakin na magpalit kami pero hindi ako pumayag kaya napilitan syang ikulong ako dito at kunin ang buhay ko. Alam din nya ang tungkol kay Kiel kaya mas lalong napadali sa kanya ang lahat. I'm sorry Ash." Ngayon umaagos na ang luha sa mga mata nya.


"Ok lang Ate alam ko talaga na may nagbago nung pagkabalik ko nang masyon eh para ka kasing nag bago ka sa pananamit at pati yung boses mo malumanay sana pala nahalata kuna na hindi ikaw yun kaso sobrang magkamukhang magkamukha kayo."  hindi pala na wala ang Ate Stella ko pinalitan lang pala sya nag evil twin sister nya.











A/N: oh another story twist anu pa kaya ang mangyayari kay Ash sa kamay ni Ella??? Hmmm

The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Where stories live. Discover now