🔰19

380 17 1
                                    

Simula nung nireject ko si Jun umiwas na sya sakin. Mas ok na yun kesa naman lumala pa ang feelings nya at hindi ko kayang suklian yun. One week narin yun nakaya ko naman na mag isang umuwi at pumasok hindi ko nga masyado mahagilap ang mga señorito siguro sobrang busy nila ngayon miss ko na si Kiel.

Bad mo kay Stella na yang si Kiel.

Crush lang naman ah anung problema dun?

Wala akong last period ngayon kaya naisipan kung maglibot sa school sa sobrang laki tinamad na ako maglakad hanggang na padpad ako sa music room ang pinakadulong room sa hallway 8.

Nakarinig kasi ako nang piano na umaandar nakakahalina ang tunog kaya nahikayat akong tingnan kung sino ang tumutogtog. Unti-unti akong sumilip sa pinto.

"Van??" Hindi ko makapaniwalang wika. Huminto sya sa pag tugtug at tumingin sakin.

"Anung ginagawa mo dito? Panu ka napadpad sa pinakadulo nang hallway?" Walang gana nyang tanong.

Hindi ko alam magaling pala syang pianist.

"Wala naglilibot lang ako nang mapadaan at narinig ko ang tugtug kaya sinilip ko kung sino." Pagpapaliwanag ko.

"Anung paki ko?" Kita muto! Tanong nang tanong tapos pag sinagot sasabihin wala syang paki!!! Baliw ba to!!

"Umalis kana may multong gumagala dito pag dumilim."  Psssshhh tinakot pa talaga ako.

"Nagkamali ka nang tinakot hindi ako takot sa multo bleehhhh." Sabay belat ko sa kanya.

"Bahala ka dyan."  At umalis na sya sa music room ako naman na iwan pang dito sa pinto.

~~~Ashhhhhhh~~~~~ may narinig akong boses . nangilabot tuloy ako.

"Hoy Van antayin muko." Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Akala ko ba hindi ka takot?" Naglalakad parin sya habang hindi tumitingin sakin.

"Hindi naman talaga napag isipan ko lang anung gagawin ko dun eh wala naman akong makakausap doon kasi umalis ka." Sus denial pa ako alam ko naman sa sarili ko na takot ako sa multo.

"Tinanong mo ba ako kung gusto kitang makausap?" Nangbabad trip talaga tong lalaking to ang galing pumuno nang pasensya eh.

"Bakit kaba sumusunod sakin wala kabang sarili mung daanan?" Aishhhhhh ewan!!!!

"Bakit pati sa daan bawal na ako dito tapos pauwi narin ako noh kagaya mo." Sabay irap ko sa kanya.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nadulas ako.

"Ahhhhhhh!!!" Pinikit ko ang mata ko hinihintay nalang na saluhin ako nang sahig pero ilang segundo na ang naka lipas di ko pa na raramdaman ang semento.

"Mag-ingat ka nga sobrang clumsy mo." Wika ni Van sabay pitik sa noo ko kaya automatic napa dilat ako.

Nagkatinginan kaming dalawa sa mata. *drumrolls* eto nanaman eye to eye nanaman mahina ako sa ganyan.

Unlike Semper's gaze hindi sya nakakapang-akit yung kay Van makikita ko na walang expression pero may hint nang pag-aalala pero na takpan ya naman ulit nang coldness.

"Salamat" di ko mapigilang mapasabi nang salamat akala ko talaga hahayaan nya ako pero himala hawak nya ako ngayon.

"Aalis na ako bahala ka na sa buhay mo." Bigla nya akong binitawan sa pagkakasalo kaya nahulog parin ako .

"Aray naman!!!" Bwesit na lalaking to napaka ungetleman nya.





A/N: AshVan in the house people....... Don't forget to like and comment

The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon