🔰54

321 16 2
                                    

Rumampa na sa bar si Kimmy kami naman ni Sky naghanap nang mauupuan na kita sila.

"Ang cool nang kaibigan mo noh?" Nag smile ako sa kanya syempre proud ako eh bestfriend ko yun.

"Salamat talaga Sky sa pagtulong sakin ah." Ngumiti lang sya. Goshhhh ang gwapo talaga.

"Lahat gagawin ko para kay Kiel." Bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

Dug.dug.dug.dug

Ohhhh myyyyy gosshhhhhh ang puso ko!!!!!

Im screaming inside it's to overwhelming. His smile, his eyes the way he holds my hand.
I need to control myself may mas importante kaming gagawin.

"Ahmmm.. Nakalimutan natin si Kimmy pala." Binawi ko ang kamay ko na parang may kuryenteng dumadaloy sa hawak nya.

"Yeah si Kimmy." Parang natauhan din sya sa sinabi ko.

Nailang kaming dalawa kaya hinanap nalang namin si Kimmy sa kinauupuan nya kanina at wala na sya.

Yan kalandian mo kasi iniisip mo Ash eh ayan tuloy.

Yan ang sasabihin ni Kimmy sakin pag nalaman nya to.

"Andoon siya Ash." Nakita namin ni Sky na sinasandal na nang lalaki si Kimmy sa pader at hinalalikan sa leeg. Nakita nya kami kaya kumindat sya hudyat na lumapit na kami.

Lakad takbo ang ginawa namin nakasunod lang ako kay Sky alam ko galit sya pero sana wag umabot sa punto basagin nya yung mukha nung lalaki kailangan pa namin yung mga sagot nya.

Nung malapit na kami tinuhod ni Kimmy sa private part yung lalaki napangiwi nalang ako sigurado akong masakit sa pinakamasakit yun. Napahawak sa kung saan sumipa si Kimmy tyempo na abutan sya ni Sky at buong pwersang tinulak sa dingding.

"What are you doing? Are you insane? What is this?" Usal ni Kevin.

"You know her?" Pinakita ni Kimmy ang picture nila ni Stella.

"No!!! I don't know her!!! Let me go!!" Nagpupumiglas sya sinikmuraan sya ni Sky. Ako naman parang ako pa ang nagrereact sa sakit nana raramdaman nya.

"I will ask you again! Do-You-Know-Her?!!!" Hinawakan na sya sa kwelyo ni Sky na sobrang higpit.

"Sabihin muna!sabihin mo!!!" Sinabunutan sya ni Kimmy.

"She's the one keep following me i really don't know her we just met yesterday. She is so aggressive i can't resist her she's so damn hot." Gago papunta na sto sa isasalaysay nya samin kung anung ginawa nila ah.

Mukhang hindi nya nga kilala si Stella convincing naman eh kaya nag katinginan kaming tatlo at nag kasundong bitiwan na sya.

"So wala syang ugnayan kay Stella pero ang bobo sinalaysay pa na hot si Stella tapos ako hindi? Buti nalang talaga naka ganti ako sa kanya." Pabalik na kami ngayon sa camp.

"Naku mga baby loves mauna na ako at may beauty rest pa ako para fresh ako bukas."
Nakakapagod din magpaka detective kaya itulog nalang namin to.

"Sige Besh Good night susunod lang ako hindi pa ako antok."

Sky's PoV

Nagpaalam na si Kimmy na matulog.

"Oh Baby Sky pakihatid nalang nang beshie ko sa tent mamaya ha." Tumango naman ako nakipag beso beso pa sya sakin. Nakita ko naman na pinandilatan sya ni Ash.

Napatawa nalang ako sa asal nilang dalawa.

"Oh bat ka tumatawa dyan?" Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.

"Wala ang cute mo kasi." Hinila ko ang pisngi nya.

"Arayyy!" Hinila nya din pisngi ko tapos tumawa nang tumawa. Nakaka aliw ang ngiti nya nakakahawa ang tawa nya.

Ang ganda nya.

Dug.dug
Dug.dug💕

Anu to? Bakit tumitibok? Hindi kaya? Noo it's not possible right?

"Ahmm Sky ok kalang ba?" Natauhan ako nasa harap kupa pala si Ash pero nakikipagtalo na ako sa sarili ko.

"Yeah im ok hatid na kita?" Binura ko na ang iniisip ko pagod lang siguro to.

"Ayoko pa eh gusto ko munang pagmasdan ang dagat ang ganda kasi tara samahan muko magtampisaw tayo." Ibang klaseng babae si Ash.

Think about it sobrang below the belt na ang nagawa ko sakanya pero ambilis nya akong mapatawad. Swerte nang lalaking mamahalin nya.

Pinagmamasdan ko sya ngayon nakikipaglaro sa tubig. Hindi sya ang mga babaeng nakikilala ko sa parties na wild at puro palamuti ang makikita mo sa mukha at katawan. Si Ash isang simpleng babae walang bahid nang kasamaan hindi sya perpekto but she is pure. She has a kind heart. Makulit din sya kalog at marunong makihalo bilo sa ibang tao. I really admire her simula nung nagising ako na nasa tabi ko sya at naka higa sa dibdib ko. I know she's the one.

Napangiti nalang ako sa mga naiisip ko i think i know the reason kung bakit nababanas akong makita syang may kasamang iba because i want to be the reason why she's smiling and i want to be the one who bring happiness to her. Now i can admit that i like this girl.

"Sky anu pang hinihintay mo? Samahan muko dito para kang mukong dyan na naka ngiting mag isa dali na."Nilapitan nya ako at hinila.

"Alam mo ba Sky na pinanganak ako sa gabi." Huminto sya at tumingin sa buwan.

"Kahit hindi perpekto ang buhay ko kahit hindi ako kilala nang tatay ko ok lang napupuno naman ni mama ang kakulangan nang mga tatay namin kung tutuosin nga sobrang cool nang nanay ko kahit minsan pasaway sya ok lang naman kasi masaya kami sa bahay." Nakatingin lang akosa kanya the whole time na nagsasalita sya. She's smiling.

"Pero kailangan kung umalis sa bahay kahit mahirap. Hindi ako sanay na mag isa mamuhay pero ang buhay hindi naman ibig sabihin puro saya lang eh kailangan nating magsakripisyo. Nung nagalit ka sakin hindi kuman alam ang rasun napahiya man ako. Oo nasaktan ako pero alam ko may pinagdadaanan ka din inintindi kita at masaya ako na nagbago kana." Napatingin sya sakin at pinakita na naman nya ang ngiti nya.

"Salamat uli Ash" yun nalang nasabi ko hindi kasi mawala yung tingin ko sa kanya.

"Miss na miss ko na sina mama at mga kapatid ko." May tumulong luha sa mata nya gusto kung punasan pero hindi ako makagalaw. Pinunasan naman nya at ngumiti.

"Pero sabi ni Van pwede ko daw papuntahin sina mama sa mansyon for two days bukas nga mismo tatawagan ko sila pag uwi natin." Si Van nanaman. Sana ako nalang nakaisip nun para naman mapangiti ko sya.

"Tingnan mo ang ganda nang buwan ngayon." Tumingin naman ako pero bumalik agad sa kanya.

"Pero may mas gaganda pa sa buwan." Tapos ngumiti ako tumingin sya sakin.

"Ikaw."







A/N: BOOOMMMMM!!!!!! KALMA LANG KALMA!!! Ang puso hawakan baka tumalon sa tuwa ang mga AshSky Shippers

The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon