🔰72

286 14 0
                                    

Natapos na ang buong maghapon at papalapit na ang uwian kinakabahan ako. Parang ayokong pumunta sa ospital magpa iwan nalang kaya ako sa mansyon naaalala ko parin yung sinabi ko kay Sky eh.

Ahhhhhhhhhh!!! Erase erase!!! Ayoko nang maalala ang katangahan ko nung gabing yun!

"Ash? Ok kalang? Bakit mo sinasampal sarili mo?" Lumapit sakin si Xander. Puteks nahuli pa ako anu nalang iisipin ni Xander sakin? Na nababaliw na ako? Aishh!

"Wala to naaantok kasi ako kaya pinapagising ko sarili ko." Nice lie Ash keep up the good work.

"Sasama kaba samin? Paalis na kami kinuha lang ni Lhor yung sasakyan nasa main gate na silang lahat." Sasama ba ako? Syempre gusto ko ding kamustahin si Sky pero kinakabahan kasi ako.

"Pass muna ako Xander may gagawin pa ako eh sa mansyon nalang muna ako baka sa susunod nalang ako dadalaw pagod na din kasi ako eh." Umakto akong masakit ang balikat sana bumenta kay Xander ang palusot ko.

"Ok sabi mo eh. Mauna na muna kami uuwi nalang kami mamaya." Tumango lang ako sa kanya at hinintay namin si Lhor. Nung natanaw na namin ang sasakyan nagpaalam ulit si Xander sakin at ginulo pa ang buhok ko nag wave naman ako kay Lhor.

Umalis na sila kaya nakahinga ako nang maluwag whew! Nakalusot din.

Timothy 's PoV

Hinihintay namin sina Lhor kumuha kasi sya nang sasakyan. Ayan na pala sila eh akala ko matatagalan pa. Pumasok na kami isa isa sa kotse pero may hinahanap ang mata ko pero wala dito loob.

"Si Ash ba?" Tanong sakin ni Lhor kaya tumango naman ako.

"Nagpaiwan may gagawin pa daw." Nagpaiwan? Nakakapagtaka naman.

"Nagpa iwan kasi takot na hot seat mamaya inamin ba naman kay Sky na mahal kita." Natahimik ako. Sinabi nya kay Sky yun? Napatingin si Semper at Van sakin. Teka lang nagbibiro nanaman sila eh alam ko biro lang to hindi to totoo.

"Wag nga kayong magbiro nang ganyan!" Napatahimik si Kiel medyo napasigaw kasi ako.

"Tim hindi ako nagbibiro totoo yung sinabi ko umiiyak pa nga sya." Ngayon sumeryoso na ang mukha ni Kiel. Please sabihin nyo na joke lang lahat nang ito please. Ansakit na!

"Hindi totoo yan!" Mahinahon pero madiin kung wika. Huli na ba ako? Wala na ba akong pag asa?

"Teka Tim? May gusto ka din ba kay Ash?" Nasakin lahat nang mata nila hinihintay ang sagot ko.

"Oo may gusto sya kay Ash." Napatingin ako kay Van na syang sumagot para sakin.

"Kaya pala affected ka." Tinapunan naman ni Van nang masamang tingin si Xander. Kaya napataas ang kamay nya na parang nag surrender na kriminal.

Ilang minuto ang nakalipas nakarating nadin kami sa ospital. Dapat kung makausap si Sky i need to clear some things.

Nagtanong muna kami sa nurse station kung nasan ang kwarto ni Sky. Nasa room 45 sya 3rd floor.



Sa elevator tumabi sakin si Van.

"Anung planu mo ngayon? Umamin na pala si Ash." Halata namang hindi nakikinig ang iba.

"Kailangan ko munang kausapin si Sky kung wala naman pala syang malalim na nararamdaman kay Ash." Napatingin sya sa harapan. Nasa third floor na kami.

"Panu kung meron? Anung gagawin mo?" Anu nga ba ang gagawin ko. Nasasaktan ako sa nalaman ko pero hindi ako dapat mawalan nag pag asa hindi pa permanente ang lahat.

"Tingnan nalang natin kung anu ang mangyayari." Hindi na umimik si Van anu kayang iniisip nya? Alam ko nag give way na sya pero hindi ko din naman alam kung sinong kakampihan nya samin. Ayokong magkaroon sila nang bias sa aming dalawa ni Sky kailangan wag naming idamay ang grupo kung anu man ang magiging desisyon namin.

Nakarating na kami sa harap nang kwarto ni Sky si Lhor ang unang bumukas bilang sya naman ang matanda sa amin. Bakit kaya ayaw ni Ash sumama? Totoo bang nahihiya sya?


"Sky!!" Nawala ako sa pag iisip ko nang sumigaw si Xander. Anu bang nakakain nito at napaka hyper nya palagi?


Sky's PoV

Nagising ako sa boses ni Xander. Pagdilat ko agad nya akong niyakap.

"Aray! Teka dahan dahan lang masakit pa eh." Napabalikwas ako dahil na hawakan nya ang sugat ko.

"Hoy Xander wag mo ngang palabasin yung pagka abnoy mo dito hindika marunong mag ingat eh kita mo nasasaktan si Sky." Kumawala si Xander sa pagkakayapa sakin dahil napagalitan sya ni Van.

"Ouch naman Van oo na sorry na nga." Natawa ako sa kanila parang ilang araw palang akong nandito na miss ko na sila agad.

"How's you're feeling?" Tanong ni Lhor sakin.

"Im fine medyo makirot lang nung nahawakan ni Xander ang sugat." Hinawakan ko ang sugat ko medyo makirot eh.

"Ikaw kasi di nag iingat!" Hinampas nya si Xander sa balikat.

"Sorry na nga makasakit kayo sakin ha." Napatahimik kaming lahat. Hinihintay ko na pumasok si Ash.

"Si Ash ba hinahanap mo? Wala sya dito may gagawin daw sya baka daw sa susunod sya makapunta dito." Nawala bigla ang sigla ko. Bakit wala sya? Kagabi ko pa nga sya inantay na puntahan ako dito eh.


"Alam nyo lakas talaga ang tama nyo kay Ash nalaman nyo lang na di sya pumunta nanlumo kaagad kayo. Hayy naku aalis muna ako bibili ako nang pagkain." Nyo? Sino yung tinutukoy nya?


"Teka saan kayo pupunta?" Isa isa na kasi silang umalis eh kakadating lang naman nila ah.

"Aalis si Ash lang naman gusto mung makita eh uwi nalang kami." Haluhhh nagtampo.

"Kayo naman syempre na miss ko din kayo wag nyo akong iwan dito." Lumabas parin sila. Anyare dun? Pero may naiwan.

Si Tim.

"Sky."






A/N:anu kayang sasabihin ni Tim? Curious ako eh sa tingin nyo anu? Don't forget to vote and comment.

The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon