🔰29

368 14 2
                                    

Maaga akong nagising dahil sa katok sa pintuan ko. Natakot ako baka may naka alam na nandito ako sana naman wala.

"Ash ako to si Tim." Nakahinga ako nang maluwag si Tim lang pala.

Agad ko binuksan ang pintuan at bumungad ang Timothy Park sa harap ko na naka track pants at malaking shirt at may bitbit nang dalawang naglalakihang grocery bag.

"Haluhhh bat ang dami nito parang isang barangay ang papakainin mo." Kinuha ko sa kanya ang isang bag.

"I just thought na wala kang makakain dito kaya bago ako umuwi sa bahay galing jogging nadaanan ko ang isang 24 hour na grocery store kaya naisip ko na bilhan ka." Awwww na touch talaga ako sa effort ni Tim sakin.

"Salamat talaga Timothy ha pero hindi mo naman kailangan gawin to sakin eh." Inisa isa ko labas ang mga binili nya at nilagay sa kanya kanyang lalagyan.

"It's nothing bawi ko narin yan sa pagbuhos ko sayu nang tubig the first time we met." Hindi nya pa talaga yun nakakalimutan.

"Anu ka ba ok lang yun bayad na yun sa lahat nang effort mo sakin sobra sobra pa." Napa smile ako sa kanya. Mukhang masasanay na ako dito sa presensya ni Tim ba apartment nato.

"Well kamusta tulog mo dito? Komportable ba?" He really care for me but i don't want to think deeper baka maging katulad lang ito nung kay Kiel na masaktan ako pag may nakita akong may mahal syang iba.

"Oo sobra salamat talaga mahimbing ang tulog ko." Liar ang totoo hindi ako nakatulog nang mabuti. "Gusto mo magkape?" Yaya ko sa kanya tumango naman sya kaya agad akong nagpakulo nang tubig sa heater at nag ready nang nga tasa para sa kape namin.

"Kape mo." Inabot ko sa kanya ang kape nya at hinigop nang dahan dahan ang kape ko sabay upo sa sofa na parang hindi babae.

"Wala bang nangungulit sayu kung nasaan ako?" Ayoko lang kasing mahirapan sya na itago sa kanila kung nasan ako.

"It seems na hindi nila alam na wala ka na doon ang alam nila nagkulong kalang sa kwarto mo wag kang mag alala pag alis ko kanina dun tulog pa silang lahat. Hindi na ata nila na enjoy ang party dahil sa nangyari." Napatangu tango nalang ako sa paliwanag nya.

After namin mag chikahan ni Tim sinabi ko sa kanya na umuwi na sya kasi may pasok pa sya napagdesisyonan ko na wag munang pumasok at e try yung sinabi nyang café nang kaibigan nya nasabihan na daw nya yun at sinabi na wag ipagsabi na nandun ako nagtratrabaho.

Planado na pala lahat ni Tim kaya hindi ko na kailangan pang mag alala sa mga mangyayari.





A/N: naka recover na ba kayo?

The Seven Heirs and Me [ Completed ✔]Where stories live. Discover now