SPECIAL CHAPTER 2

Start from the beginning
                                    

Napahilamos nalang ako saking mukha saka bumalik nalang sa sala, ayaw ko ng pumuntang kusina at baka masuka na naman ako.

Dati-rati naman ay gustung gusto ko ang amoy ng adobo, pero bakit ngayon nag-iba na?

Kumuha nalang ako ng tissue at alcohol na nakalapag sa center table pampunas sa bibig ko at panghugas saking kamay.

Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng biglang may nagdoorbell, agad namang nagsalubong ang kilay ko dahil sa totoo lang ay naistorbo ako sa ginawa niya.

Lumabas ako sa bahay saka binuksan yung gate pero wala naman akong nakitang tao.

Anak ng...pinaglololoko ba nila ako?!

d-____-b

Padabog kong sinara ang gate at halos atakihin ako sa puso ng biglang sumulpot sa harapan ko si Theron.

"Good mor—-" bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay sinapak ko na siya sa mukha.

Halatang nagulat pa siya sa ginawa ko pero ako hindi.

SINO BA NAMAN KASING MATUTUWA SA GINAWA NIYANG PANGGUGULAT SAKEN?!

Slow motion siyang humarap at tinignan ako ng may halong pagtataka.

"What the hell Verena?!" salubong ang kilay niya habang nakatingin sakin.

"BAKIT KABA KASI NANG-GUGULAT DIYAN?!" sigaw ko sa kanya saka iniwan siyang nakatanga sa labas.

Bumalik ako sa sala at nakita kong nakatulog na ang pamangkin ko habang nanonood ng TV.

Dahan-dahan ko siyang binuhat at pinatay yung telebisyon bago ko siya inakyat sa kwarto ko.

Nilapag ko siya saking kama, nilagyan ko din ng unan ang magkabilang gilid niya para di siya mahulog.

"Verena," dinig kong tawag ni Theron na ngayon ay nakatayo sa may pintuan ko.

"Wag mo akong kausapin, natatae ako pag nakikita ko 'yang mukha mo."

"Wag ka ng magalit—-"

"Hindi ako galit, nainis lang ako sa ginawa mo." pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Hindi ko naman alam na—-"

"Ang drama mo, nag-iinit yung ulo ko sayo." pagkatapos kong sabihin yun ay hindi na siya nagsalita pa.

Pati rin ako ay natigilan sa inaasta ko ngayon, hindi naman ako ganito magsalita ah!

d>>___<<b

Napapikit nalang ako saka tinignan yung asawa kong naluluha na ang mga mata habang nakababa ng tingin.

"Halika dito." sabi ko sa kanya.

Para naman siyang batang naglakad palapit sakin kinatatayuan ko.

"Sorry." sabay kaming nagsalita.

"Ano ba kasing nangyayare sayo at lagi nalang mainit yung ulo mo saken? Sabihin mo nga ang totoo...naglilihi kaba?" natigilan ako sa tinanong niya.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now