∞ Fifthy Three ∞

5.6K 81 2
                                    

Chandra POV :

Andito ako ngayon sa puntod niya. Kinakausap siya, as if he's here beside me. Masakit isipin na iniwan niya kami kaagad. Up to now, nararamdan ko parin siya. I missed him so badly. Gusto ko nga sanang sisihin ang diyos sa nangyari sa kanya. Binuhay niya lang saglit ta's babawiin agad. He leave us in pain and in agony. But in some point, there's also a part of me that keep on saying that I was the one to blame.

"Baby, I missed you. Im sorry, this all my fault. Hindi man lang kita nailigtas. Kasalanan ko talaga, Im so sorry." Napahagolgol nako.

"Mahal na mahal kita. Alam mo naman yun eh. Siguro, may dahilan kung ba't binawi ka agad samin. Pero sana mas hinabaan pa niya ng konte ang stay mo, para nakapaghanda ako. Kasi, baby, hanggang ngayon. Ang sakit sakit parin dito sa dibdib ko ang pagkawala mo. And its killing me to death. Kung sana, maibabalik ko lang lahat. Siguro hanggang ngayon andito ka pa. 'Alam ko wala ng magagawa ang sorry at ang iyak ko. Kasi hindi ka na maibabalik nito. Pero, ipinapangako ko baby na, hanggang sa huli, your always in our heart. You'll always be remembered. And we love you always and forever."

"Mahal na mahal karin niya sis, sigurado kami dun. Anyway, on the way na din sila Patricia at Demon." Sabi ni kuya. Mabilis kong pinunasan ng panyo ko ang mga luha ko. Andito kami ngayon for his death annivesary. Isang taon narin pala ang lumipas simula ng mamatay siya.

Sa loob ng panahon na yun, marami narin ang nangyari. Like, Patricia and Demon my two bestfriend, sinong mag-aakala na magkakamabutihan sila inspite of their opposite attitude. Right now, they started dating. And Zaine, ang dating pinagselosan ko na kasama ni Kendrick. Aakalain mo bang naging mag boyfriend/girlfriend na sila ni Nico, at masaya ako para sa kanila, specially Nico. He deserved to be happy, and si Zaine lang ang makakagawa nun. Kuya and Ate Janet, we're excited for their second baby. Finally magkakaroon na din ng kapatid si baby Matty ko, my super cute and jolly nephew. Mum and Dad, well, they're in their vacation. Si kuya na rin ang humahawak ng family business namin.

"Hey, baby? Umiiyak ka na naman. How many times should I tell you that I hate seeing you crying?" Niyakap niya ako ng mahigpit. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking 'to, kahit sobrang pervert nito. Gumanti narin ako ng yakap, with a smile 'yan ha.

And ako? Syempre masaya naman ako, kahit pa nawalan ako. Andyan parin naman si Kendrick. My very loving and understanding boyfriend. We're engaged na nga pala. So fiance ko na siya to be exact. Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa kasal. Kasi, Im still in mourn dahil sa pagkawala ng baby boy namin. Two months after ko siyang pinanganak alam na namin na anytime babawiin din siya samin. He has a heart problem. Gustuhin man namin siyang ipagamot hindi rin pwede. Doctor told us, that he's to young to undergo an operation. Hindi daw kakayanin ng katawan niya.

"Your late. Psh." Sabay hampas sa braso niya.

Im sure, nagtataka kayo sa nangyari before. Yes, Kendrick did survived. But then, yun nga nabuhay siya at ang kapalit naman nawala ang baby namin. Pero si Ken, everyday he never failed to cheer me up. He used to be my strength in times of my weakness. Kapag nakita na niya akong malungkot, agad ako niyang dadalhin kung saan saan para sumaya ako. But then, ganun parin pag-uwi ko iiyak na naman ako. Sa bahay kasi namin, nagpagawa kami ng sariling kwarto para kay Baby Chaze Keith. Yeah, thats our baby's name. Sa tuwing napapatingin ako sa pinto ng kwarto niya, parang naririnig ko parin ang iyak niya. Pero, sa ngayon alam kung medyo nakapag move on nako. Ayoko naman na dumating sa point na pati si Ken mapabayaan ko at iwan ako. That's to much kung pati siya mawawala sakin. I don't think, I can still face my life without him. He also became my life and my everything.

"Im sorry, may pinirmahan pa kasi saking documents sa office." I rolled my eyes.

"Psh sa office kaya talaga?" Kunyari galit ako. Na late kasi eh, kaya humanda siya.

"Babe naman eh. Sa office naman talaga ako galing eh. Saka wag ka nga magselos. As if naman may magtatangka pang lumapit sakin. Eh alam na nga ng buong mundo that Im already yours. That I belong to Chandra Aragon-Montenegro."

"Hindi pa tayo kasal. Kaya wag kang assuming diyan Montenegro." Narinig kung nagtawanan ang mga tao sa paligid namin. Pati na nga rin ang priest.

"Paano ba 'yan Montenegro? Outside de kulambo ka mamaya. At mukhang wala ng kasalang mangyayari. Mukhang condolence na diyan sa puso mong naghihingalo. Hahahaa" Muntik nakong matawa sa sinabi ni Patricia. Andyan na pala sila ni Demon. Kahit kailan, mapang-asar talaga yan kay Kendrick.

"Tumahimik ka Patricia Marie!" Singhal ni Ken kay Patricia. Ganyan din tawag niya kay Pat pag asar talo siya.

"That's enough. Magsisimula na ang mass." Iniwat ko na, pikon pa naman 'to pag si Patricia ang nang asar.

Naramdaman kung umakbay na si Kendrick sakin at bumulong. "I love you Mrs. Montenegro." Lihim akong napangiti. I find it sweet kasi eh. Saka para akong teenager na kinikilig pag tinatawag niya ako ng ganun kahit di pa kami talagang kasal. Pasasaan din at dun din naman kami papunta.

A/N : Waaa...did you like it? I hope so. Few more Chapter nalang talaga. Enjoy reading guys. Heart heart ♡♡♡ XoXo ツ

Woman In Fierce (Completed)Where stories live. Discover now