∞ Fourty ∞

5K 87 0
                                    

Kendrick POV :

       "Hey babe!?" Pero parang di n'ya ako narinig. Katatapos lang pala namin mag dinner, pero ito s'ya parang balisa at ang lalim ng iniisip. Kinalabit ko s'ya para mapansin n'ya ako. Humarap naman s'ya, pero nakatingin lang s'ya sakin. "May problema ba babe?"

        "H-huh? P-problema? W-wala." Alam kong nagsisinungaling lang s'ya.

       "Kung wala, eh bakit parang tense ka? Sabihin muna baka matulungan kita." Pero tumayo lang siya at dumiretso sa kusina at nagtimpla ng gatas. Kaya sinundan ko siya at niyakap mula sa likod. "Babe…"

        "Im ok. Wala akong problema. Pagod lang siguro ako." Naglakad s'ya uli papuntang sala habang bitbit ang isang baso ng gatas. Nakasunod lang ako sa kanya.

       "Pagkatapos mong inumin yan, panhik na tayo sa taas. Take some rest. Wag mong masyadong pinapagud ang sarili mo." Menasahe ko ang balikat n'ya. Umayos naman s'ya ng upo. Sinandal nya ang likod at ulo nya sa sofa at pinatong ang paa sa center table. Napansin kong medyo nakapikit na s'ya.

       Binuhat ko s'ya ng masiguro kong mahimbing na s'yang natutulog. Anyway, baka magtaka kayo kung ba't andito ako sa bahay niya. Ganito kasi 'yan. Simula nong may nangyari samin dito nako lageng natutulog. Sa umaga naman sabay kaming umaalis, hinahatid ko siya sa office n'ya at ako naman saka ako umuuwi para magpalit ng damit. Medyo nasanay narin kami sa ganitong set up. Pero kung ako papipiliin mas gusto kong makasal na kami, pero ayaw n'ya. Hindi pa nga daw kami eh. Wala naman akong magagawa mahal ko eh, kesa naman hilingin n'ya sakin na layuan ko s'ya. Eh mabuti nalang 'yong ganito.

       Pinagmasdan ko lang s'yang natutulog ng mahimbing. Hinimas ko ng hintuturo ko ang maganda n'yang mukha. "I love you baby." Bulong ko sa kanya. "Sana, ganito nalang tayo . Lageng magkasama at masaya. Marami man ang nasayang na panahon sa atin, ipinapangako kung babawiin natin ang mga araw, buwan at taon nayon." And I kissed her forehead. Mahal ko ang babaeng 'to, walang duda. Gagawin ko lahat para sa kanya. Kahit buhay ko pa ang kapalit, handa kong ibigay para sa kanya.

       "Good night babe, sleep tight." And gve her a peck.

Chandra POV :

       Maaga akong nakatulog kagabi. Masyado akong napagod sa kakaisip sa sinabi ni Patricia. Posible kaya? 'Wag naman sana, hindi pa'ko handa. Not now, in this situation.

      Napansin kong may nakahawak sa kamay ko. Pagtingin ko si Kendrick pala. Nakatulog s'yang nakaupo? Malaki naman ang kama, bakit 'di nalang s'ya tumabi sakin?

       Sinuklay ko ng mga daliri ko ang buhok n'ya. Bigla namang napa-angat ang ulo n'ya.

       "Gising ka na pala, how are you feeling?" Tanong n'ya. Umupo naman ako at sumandal sa head board ng kama.

       "Im fine. Ba't diyan ka natulog. Ba't di ka tumabi sakin?"

       "Hindi ko rin naman kasi namalayan na nakatulog na'ko dito. Ang natatandaan ko lang. Pinagmamasdan lang kitang mahimbing na natutulog."

        "Lumipat ka nalang dito, maaga pa naman eh. Matulog ka uli." Para na kaming mag-asawa. Hatid sundo sa trabaho at magkatabing natutulog sa gabi. Bumaba nako sa kama, at didiretso sana ako sa bathroom ng hilahin n'ya ako. Sabay kaming natumba sa kama.

       "Dito ka muna babe, na miss ko amoy mo eh." Ganyan 'yan lage. Malambing masyado.

        "Maliligo nako Ken, let me go. Ano ka ba. Ang aga aga eh. Hindi pa nga ako nakapag sipilyo." Pero nakiliti ako ng padaan niya ng halik ang leeg ko. Napapikit ako ng maramdaman kong biglang uminit ang buong sistema ko.

       "Ayaw mo ba 'to Baby?" Oh God! Bumababa na ang halik nya papunta sa dibdib ko. At god, ang mga titig n'ya, na para akong tinutunaw. At ang ngiting nakakaloko. Woah ! He's such a tease. Shit! He cupped my breast.

      Pero natigilan kami pareho ng maitulak ko s'ya. Nakita ko sa mukha niya ang pagka dismaya at pag-aalala ng mabilis kong tinakbo ang banyo. Ang isang kamay ko nakatakip sa bibig ko at ang isa nakahawak sa tiyan ko. Mabilis kong ni lock ang pinto. Bigla kasing bumaligtad ang sikmura ko. Hapong hapo ako pagkatapos kung magduduwal. Bigla na naman akong kinabahan.

       "Babe, what happened? Are you ok? Please, opened this door." Katok na ng katok si Kendrick. Pero hinang hina akong naupo sa sahig ng banyo ko. Wala akong lakas na buksan ang pinto, sobrang napagud talaga ako. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa katawan ko. Nakakapanibago. Masyado akong naging antukin. Tapos every morning naduduwal ako. Hindi nga pala alam ni Kendrick ang pagduduwal ko, hindi ko rin sinabi. Baka kasi may nakain lang akong hindi nagustuhan ng tiyan ko. Naging masilan na din ako sa mga pagkain, na ipinagtataka ko.

       Wala naman sana akong duda sa kalagayan ko ngayon, until Patricia gave me some idea. Maybe its possible. Pero ayaw lang e process ng utak ko. Kasi hindi pa talaga ako handa. Kaya kung ano man ang result after kong magpacheck up sa OB na kakilala ni Patricia. Well, I have to face the truth. Gusto ko man to o hindi wala nakong magagawa, but to accept it with all my heart.

     

      

Woman In Fierce (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora