∞ Fourty Four ∞

4.8K 72 0
                                    

Agatha POV :

        Akala n'yo nawala nako. Pwes ! Nagkakamali kayo. Hindi kompleto ang story nato kung wala ako. Hindi pako tapos kay Chandra. Humanda s'ya sakin. This time, I'll make it sure na tuluyan na s'yang mawawala sa landas ko. Masyado na s'yang sagabal samin ni Kendrick. Si dad, nauto ko rin, kaasar nga eh, ayoko naman sana magsinungaling sa kanya. Pero, wala nakong magagawa, I want Kendrick.

       Dalawang beses ng nakaligtas 'yang bitch na 'yan sa akin. May sapusa ata eh. Pero, duh,this time ako mismo ang kikilos, para masiguro kong di na s'ya mabubuhay. Masama ba ako? Tch, di ko na kailangan sagutin, halata kaya. Booba!

       Hindi na nga pala tuloy ang partnership between CMA Empire at Salazar Inc, kung bakit? Syempre diskarte ko na 'yon. Pero dahil na sa mood ako, sasabihin ko. Kasi, nauto ko din ang  kalabang company ng CMA Empire kaya sa kanila kami pumirma ng kontrata. Malandi kasi ang matandang may-ari. Tatanggi pa ba siya? Eh ako ang kapalit ng kontrata. Maswerte s'ya, kasi mas kailangan ko s'ya para mawala na si Chandra.

       'Yong nagpadala ng threat kay Chandra, si dad ang nasa likod nun. Syempre, ako parin ang pipiliin ng ama ko. Like father like daughter kami eh.

        "How is your plan sweetheart?" Tanong ng matandang Rivero. Ang CEO ng Rivero Empire, kalabang kompanya ng CMA Empire.

       "Handa na sweetheart. I heard magkakaroon ng party ang CMA. Magpapakilala na daw in public ang CEO nila. Isasabay namin sa party nila para mas masaya. And anyway,thank you dahil tinulungan mo ako." Kumalong ako sa kanya at hinaplos ng hintuturo ko mukha n'ya papunta sa may leeg n'ya. Alam kung nagsisimula na s'yang ganahan. Dahan dahan kong pinagapang ang mga daliri ko pababa sa butones ng polo n'ya. Hindi ko naman gusto to eh, pero para kay Kendrick lulunukin ko ang pandidiring nararamdaman ko ngayon. Actually, he's not that old naman. Mga early 5O's palang. Pero sympre nasa 25 palang ako, kaya matanda ang tawag ko sa kanya.

  a/n : Short UD nalang para kay Agatha.

Woman In Fierce (Completed)Where stories live. Discover now