∞ Tweenty Six ∞

5.2K 85 0
                                    

Chandra POV :

"Hindi ko inaasahan na malaki na talaga ang pinagbago mo ngayon Chacha." Nakangising sabi niya.

"Shut Up Demon ! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo ! And please stop calling Chacha ! Nakakairita, parang pag-uugali mo lang !" Hindi ko napigilan ang sarili kong masabi yun. Wala akong pakialam kong maldita ang dating ko. Simula ngayon ito nako.

"Ouch Chandra ! That was harsh. Nasobrahan ka ata sa pag-arte. Wala naman tayo sa harap ni Agatha. So stop acting bitch in front of me, 'cuz honestly hindi bagay." Tiningnan ko sya ng masama. "Ok fine ! You win. So, para maiba naman. Ano ang next na plan?"

"Kausapin mo si Mr. Pineda. Ibigay mo ang proposal nato. Im sure hindi nya matatanggihan to." Seryosong sabi ko. Tiningnan nya ang folder na binigay ko sa kanya, at nanlaki ang mga mata nya.

"Seryoso ka dito? Malaking offer to. Sigurado ako kahit sino pa ang bigyan mo nito, hindi talaga tatanggi." Ngumiti ako sa kanya.

"Exactly ! Yun nga ang gusto ko eh. Magandang pang regalo yan para kay Agatha." Sabay balik ko ng tinggin sa harap ng laptop ko.

"Ganyan ba talaga kalaki ang galit mo sa mga Salazar?" Tumingin ako sa kanya.

"Nag-uusap tayo, dahil sa business. Kaya wag mo kong tinatanong ng mga personal na bagay. Gawin mo nalang ang trabaho mo."

"Well, kaw ang bahala. Pero pag nagbago ang isip mo, handa akong makinig. Im still your friend Chandra." I smirked. At magsasalita pa sana ako pero biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko ang screen kung sino ang tumawag at napangiti ako.

Tumingin muna ako kay Demon bago sagotin ang tawag na yun.

"Sasagotin ko lang muna to." Tumango lang sya. At pinindot ko ang answer button.

"Mr.Pineda Hi." Ngumiti ako.

"Yes, ipapadala ko nalang dyan sayo ang proposal ko." Tumingin ako kay Demon.

"Ok Mr.Pineda. Thank You. Bye." Pagkatapos ng tawag na yun hinarap ko uli si Demon.

"Ihatid mo yan ngayon kay Mr.Pineda. Im sure bukas maganda ang magiging resulta." Nakangiting sabi ko.

"Ok sige, alis nako. bye."

"Bye !" Naiwan akong mag-isa sa loob ng office ko ng may ngiti sa labi.

◆◆◆

Im on my way sa La Patricia Boutique. Well, para ipaalam kay Patricia ang magandang surprise ko sa kanya. Sigurado kasi ako sa plano ko. Tiwala lang sa sarili.

Naabutan kong busy sya sa pag-gawa ng mga gowns. Kasama nya dun si Jacob, as expected.

"Both of you seem so busy." Agaw atensyon ko sa kanila.

"Chandy hi, its good to see you here. Wala ka parin talagang pinagbago. Still gorgeous." Lumapit sakin si Jacob at bumeso.

"Same here JP. Wala ka ring pinagbago, bolera ka parin." Malandi naman syang tumawa at may kasama pang pilantik ng kamay.

"Cha, thank you." Sabay yakap sakin ni Patricia. Tinapik ko sya sa likod. Its good to see her happy. First step to para sa pangarap nya.

"No worries Pat. Anyway, may magandang balita ako sa inyo. Kailangan nyong paghandaan ang Pineda Fashion Show. 'Cuz Im sure, mapupunta yun sayo Pat. Break mo na to. Kaya give your best. Im sure after that fashion show magiging kilala ka na. Matutupad na ang pangarap mo." Kita ko yong excitement sa mukha nya.

"Gurl its your time to shine. Ngayon palang winiwelcome na kita sa mundo ko." Yeah sikat ng designer si Jacob. Gumawa na sya ng malaking pangalan sa Fashion Industry.

"Thanks Jacob. Malaki talaga ang naitulong mo sakin."

"Wag ka nga, wala naman akong masyadong naitulong. Magaling ka naman talaga kahit wala pa ako. Kaya Tiwala lang gurl."

Sa ilang araw na pagsasama nila, naging malapit din sila sa isa't isa. Well, magkaugali kasi sila. Kaya ganun. Masaya akong umaayon lahat sakin ang mga plano ko.

Aabangan ko nalang ang magandang mangyayari bukas.

A/N : Im sorry short UD lang muna. Writer's blocked tayo eh. Bawi nalang ako next time. Happy reading guys ツ

Woman In Fierce (Completed)Where stories live. Discover now