∞ Fifthy ∞

5.4K 78 0
                                    

Agatha POV :

'Di ba sabi ko naman sa inyo hindi makukompleto ang kwento na'to ng wala ako. Kaya ito sinulit ko na. Nilagyan ko ng konting thrill ang buhay naming tatlo. Masyado kasing boring. Habulan kami ng habulan. Si Kendrick na naghahabol kay Chandra, si Chandra naghahabol sakin para pabagsakin ako, na hindi naman mangyayari, as if hahayaan ko. At ako na naghahabol kay Kendrick. 'Di ba ang boring?

"Walang hiya ka talaga Agatha!" Sigaw ni Chandra na nakatali ang mga kamay at paa.

"Matagal ko ng alam 'yan! Kaya di mo na kailangan ipagsigawan!" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ng mariin ang mukha nya. "Kaya manahimik ka! Kung ayaw mong masaktan!"

Nanlilisik na ang mata ni Chandra na nakatingin sakin.

"Hindi ako natatakot Agatha. Nakakaawa ka talaga."

"Anong sabi mo? Ako kawawa? Nagpapatawa ka ba Chandra? Kasi sobrang natatawa talaga ako. Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon natin ngayon? Ikaw ang nakatali dyan at hindi ako. So, sinong kawawa sating dalawa? Hahaha"

"Nakatali ako, Oo. Pero, never akong magiging kawawang tulad mo. Ilang beses mo man akong saktan, o kahit mapatay mo man ako, it does'nt change the fact na ako ang mahal ni Kendrick at hindi ikaw. Mamatay akong maraming iiyak at nagmamal sakin. Eh sayo? Buhay ka nga, pero never kang mamahalin ng lalaking ako ang mahal. At worst kamumuhian ka pa niya." Hindi ko napigilan ang tandyakan siya. Napahiga s'ya sa sahig.

"How dare you say that?" Tumawa lang siya. Matibay talaga siya kahit nasasaktan na. "Ito ang tandaan mo. Mamahalin nya ako kapag wala kana."

"Oh how pathetic. Nilamon ka na talaga ng obssession mo sa kanya. Ba't di mo nalang tanggapin sa sarili mo na hindi ka niya magagawang mahalin?"

"Tumahimik ka! Wala kang karapatan sabihin sakin kung ano ang dapat kung gawin!"

Nagulat kami ng bumukas ang warehouse na pinagdalhan namin kay Chandra. Pumasok dun ang mga pulis at kasama si Kendrick. Kaya mabilis kung hinila si Chandra. At tinutukan ng baril.

"Sumuko ka na Agatha!" Sigaw ni Kendrick.

"No! Hin...hindi ako susuko! Magkamatay muna tayo bago n'yo ko mapasuko." Dahan dahan silang lumapit samin. "Sige lumapit kayo, kundi papatayin ko 'tong babae na'to! Hindi ako magbibiro."

"Sumuko ka na Agatha. May panahon ka pa para magba---ahhh." Hinila ko siya sa buhok. Pero nagpupumiglas lang siya. Nakakuha s'ya nang pagkakataon para makawala sa pag hila ko ng buhok niya. Tatakbo sana siya pero nahawakan ko siya sa may paa kaya nadapa siya.

"Hindi ka makakatakas sakin Chandra! Papatayin kita. Ikaw sumira ng buhay ko. Inagaw mo sakin si Kendrick!"

"Bitiwan mo siya Agatha! Sumuko ka na!"

"Papatayin ko muna siya Kendrick para wala ng hahadlang satin. Hahaha"

"Aray tama na Agatha. Wag please, maawa ka samin ng baby ko. Wag...!" Hinila ko siya. Sinaktan ko siya hanggang sa manghina na siya.

Galit na galit ako ng marinig ko ang sinabi niya. Buntis siya? Magkaka anak na sila ni Kendrick? Magiging masaya sila? Samantalang ako masasaktan at mag-iisa. No, hindi ako papayag. Mahal na mahal ko si Kendrick. Hindi ko matatanggap 'yun.

"Eh di maganda dalawa kayong mawawala. Ikaw at ang bata sa tiyan mo. Hahaha"

Pero ng akmang babarilin ko na siya. May bumaril naman sakin mula sa likod. Kaya napalingon ako.

"Benedict? Bakit mo ginawa to? Bakit...?!" Kaya mabilis kung dinampot ang baril ko na nabitaw ko, tinutok ko yun kay Chandra at pinutok, pero may sumalo ng bala na para sa kanya. At binaril ako uli ni Benedict.

"No.........!!!" Sigaw ni Chandra. Ako dahan dahan nag dilim ang paningin ko. Namalayan kong lumapit si Benedict sakin. Napaluha nalang ako.

"Agatha, Im sorry. Mahal na mahal kita. Kaya ko nagawa 'yon. Tama na, ang sakit makita kang nagkakaganyan." Narinig kong sabi ni Benedict. Dahan dahan naring pumipikit ang mata ko.

"I-im So-sorry. K-kasi di kita n-nagawang ma-mahalin." Kasabay ng pagpatak ng luha ko ang pagkawala ng malay tao ko.

A/N : What a sad scene. Huhuhu. Im sorry Agatha </3. Hope you like it. Xoxo ♡♡♡ Please do vote and comment. Please Please Please ♡♡♡

Woman In Fierce (Completed)Where stories live. Discover now